Fourteenth

127 22 6
                                    

"FOURTEEN years old ako noong nakuha ko ang first kiss ko, anak. Na-late ka lang naman ng fours years pero nakakakilig pa rin!" Hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin na ikinuwento ko kay mama 'yong first kiss natin. Ewan. Siguro dahil wala naman akong best friend na babae, wala akong ibang mapaglabasan ng emotions ko. Sobrang bago sa 'kin ng pakiramdam na 'yon at hindi ko kinayang kimkimin lang. Pero lalo lang akong nahiya dahil sa excited na reaksyon niya.



"A-Ah, ma, 'wag ka po masiyadong maingay baka marinig tayo ni papa."



"Eh, ano naman kung marinig ng papa mo? Nako, ako ang first kiss niyan! 23 na siya no'n. Palibhasa 'di marunong dumiskarte. Ako pa nag-initiate no'ng kiss na 'yon. Kunwari pa 'yan na ayaw niya."



"Ma!" Nahihiya nang sabi ko saka sumulyap sa pinto ng kusina kung saan nandoon si papa. Pakiramdam ko naririnig niya kami kahit nasa living room kami ni mama.



Sandaling itinikom ni mama ang bibig niyang hindi pa rin mapigilan ang ngiti. Tatlong segundo lang, nagtanong nanaman siya. "Eh, kumusta? Ano'ng pakiramdam?"



Nag-iwas ako ng tingin. "W-Wala..."



"Ano'ng wala?!"



"A-Ano po ba dapat? Nakakakilig?"



"Yieeee!"



Nagulat na lang ako na hinampas ako ni mama. Buong buhay ko hindi niya ako pinalo ta's gano'n kadali niya lang akong nahampas dahil kinikilig siya.



"Dalaga na talaga ang anak ko! Usapan pa naman namin ni Elyse dapat maging mag-best friends din ang magiging anak n'yo ni Eli, magkapatid pala." Napangiwi na lang ako nang tumawa pa si mama. "Anak, gusto ko ng apong babae ha? 'Wag kang titigil hangga't walang babae ha?"



"Ma, ano ba 'yang mga sinasabi mo—"



"Tita?" Kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses mo. Paglingon namin ni mama sa pintuan, nakasilip ka habang bitbit ang isang plato ng hindi ko alam na putahe. Bakit naman sa ganoong usapan mo pa kami naabutan?



"H-Hi," halos walang boses na bati ko sa 'yo.



"Hi."



"Padala ba 'yan ni mama mo?" Tumayo si mama mula sa tabi ko at lumapit sa 'yo. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto at nagpatuloy ka naman sa pagpasok.



"Opo. Magtitiklop lang daw po siya ng nilabhan bago pumunta rito."



"Sure! Sure!" Napangiwi ako ulit nang marinig ang kakaibang sigla sa boses ni mama. Kung dati nayayamot sila ng mama mo 'pag magkasama tayo kasi baka kung saan nanaman daw tayo magsuot, nang maging tayo, para bang excited siya sa tuwing makikita tayong nasa iisang lugar. "Akin na 'to, at maiwan ko na kayo ni Millie."



Ngiting-ngiting naglakad si mama papunta sa kusina. May pagkindat pa siya nang madaanan ako. Naialis ko lang ang tingin sa kaniya nang maramdamang umupo ka sa tabi ko.



"H-Hoy," pagbasag mo sa katahimikan.



"A-Ano?"



"Wala."



Awkward nanaman. Idagdag pa na kinakabahan ako kasi baka bigla mo nanaman akong halikan—na hindi ko rin naman itatangging ina-anticipate ko rin.



"M-May pasok na bukas. A-Ano'ng oras ang una mong klase?" 'Di ko na alam. 'Yon na ang pinakauna kong naisip na topic, kaysa naman lamunin tayo ng katahimikan.



"9 AM."



"Ah, mauuna pala ako. May klase ako ng seven—"



"Ihahatid kita."



"Ha?"



"'Di ko na uulitin," sabi mo. Napansin kong 'di ka nanaman makatingin sa 'kin kaya lalo akong kinabahan.



"S-Sige, aakyat na 'ko—"



Hinawakan mo ang kamay ko noong tumayo ako. Para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Tumingin ako sa 'yo at tumingin ka rin sa 'kin. Para bang parehas tayo ng naramdaman.



Umupo ako ulit. 'Di mo binitawan ang kamay ko. Sabay tayong nag-iwas ng tingin. Napangiti ako. At nang silipin ko ang mukha mo, nakangiti ka rin.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon