Sixteenth

122 20 3
                                    

SIXTEEN weeks after graduation, we were both going to our job interviews. Hindi tayo nakahanap ng job openings sa iisang company pero nakakita tayo ng dalawang magkatabi lang ang buildings. Tuwang-tuwa tayo noon.



5 AM pa lang, nasa bus na tayo pa-Manila. Kinakabahan ako kaya hindi ako halos nakatulog noong gabi bago ang araw na 'yon. Napansin mo na hikab ako nang hikab kaya hinila mo ang ulo ko para isandal sa balikat mo.



"Eli, sa tingin mo, makakapasa kaya ako?" tanong ko habang nakasandal sa 'yo.



"Oo naman, ikaw pa ba?" mabilis mong sagot saka hinawakan ang kamay kong nanlalamig na sa magkahalong kaba at lakas ng aircon ng bus. Naramdaman mo siguro 'yon kaya iniangat mo ang kamay ko at inilapit sa bibig mo. Marahan mo 'yong binugahan ng hangin saka ikinulong sa mainit mong mga palad.



"'Di ka kinakabahan?"



"Bakit ako kakabahan, eh kasama kita?"



"Eli." Umalis ako sa pagkakasandal sa 'yo at sinamaan ka ng tingin.



Bahagya kang tumawa. "Kung 'di man ako matatanggap, tayo pa rin naman. Ano'ng dapat kong ikatakot?"



Inirapan kita pero nakatulong sa 'kin ang sinabi mo. Bakit nga naman ako matatakot? Ano nga bang mawawala sa 'kin kung hindi ako matatanggap? Marami pa namang ibang opportunities. At least, nandiyan ka pa rin.



Hindi na ako kinakabahan nang makarating tayo sa pupuntahan natin. Pinauna mo akong pumasok sa building ng pinag-apply-an ko. Nakangiting kumaway ka pa bago ako tumalikod.



Nakangiting mukha mo rin ang sumalubong sa 'kin paglabas.



We were both hired.



Sobrang saya natin. Nag-celebrate tayo, not knowing about the challenges we'll soon be facing dahil sa panibagong chapter ng mga buhay natin.



Everything was good at first. Sabay pa rin tayong pumapasok. Hanggang sa hindi na, dahil mas gusto nating mabigyan ng pahinga ang isa't isa kaysa magkasama tayo.



We were both growing, but not together. Natakot tayo sa umpisa, pero natutunan din natin na puwede naman pala 'yon. Ang mahalaga, mahal pa rin natin ang isa't isa.



Siguro nakadagdag din na literal na magkasama tayong lumaki, kaya ganoon na lang ang paninibago natin habang paliit nang paliit ang mga oras na magkasama tayo sa isang araw. Minsan nga kapag papasok na lang. Minsan pagkauwi na lang. Madalas, sa chat na lang tayo nagkakausap. Pero pinilit nating maging masaya sa gano'n. Ayaw nating makasagabal sa mga pangarap ng isa't isa. Maraming nagbago, pero tayo pa rin naman. Sapat na 'yon.



Hanggang sa isang araw, nagkasakit ako. Hindi yata talaga masasanay ang katawan ko sa physical activities, at masyadong demanding ang trabaho. Overfatigue daw sabi ng doctor. Pinilit ko pa si mama na 'wag sabihin sa 'yo, pero siyempre, nalaman mo rin.



"'Di ka pa ba late?" tanong ko nang magising ako na pinupunasan mo ako ng basang bimpo.



"Nag-leave ako."



"Eli."



"Okay lang. Papasok ako 'pag magaling ka na."



"Baka maubos ang leave mo."



"Okay lang—"



"Eli. Hindi 'yon okay. Baka mawalan ka ng trabaho."



"Para sa'n ba ako nagtatrabaho? Para sa'n ba ako nag-iipon?"



"Eli..."



"Sino'ng papakasalan ko 'pag nakaipon na 'ko kung mamamatay ka sa sakit?"



"Pahinga lang daw ang kailangan ko sabi ng doctor."



"Kaya nga nandito ako. Ako ang pahinga mo."



"Epal ka talaga."



Ngumiti ka. "Na-miss kita."



Niyakap kita. Pinilit ko lang namang maging okay pero miss na miss din kita. Nilamon na tayo ng mga responsibilidad ng pagiging matanda na gusto ko na lang maging bata ulit. Gusto ko na lang ulit manood ng cartoons. Gusto ko na lang ulit makipaglaro. Gusto ko na lang ulit tumakbo para kuhanin ka mula sa loob ng bilog.



Na-realize ko na lang na umiiyak na ako. Stress din siguro na doon ko lang nailabas matapos ang ilang buwan ng pagpapanggap na kaya ko na ang sarili ko. Niyakap mo rin ako. At sa yakap na 'yon, para ngang bumalik ako sa nakaraan.



Dahil ikaw ang bumubuo sa lahat ng alaalang gusto kong balikan, Eli. You are a not just big part of me. You are my youth.



– M

25 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon