Kabanata 21

20K 649 43
                                    

Kabanata 21

Frustrations

Tahimik kong tinignan ang nasa harapan. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na traffic ngayon. Sa sitwasyong ito ay matatagalan ang pagdating namin sa gallery. Pero pwede kong gamitin ang pagkakataong ito na makalma ang sarili.

Sinadya naming umalis ng ilang oras bago magsimula ang opening dahil sa traffic. Kung hindi namin iyon ginawa, baka makarating na kami doon na tapos na ang event.

Napatingin ako sa cellphone dahil sa natanggap na mensahe. Tahimik ko iyong binasa.

Dean:

Wait for me after the event.

Ako:

Okay.

This is part of my plan and today is the event. Pagkatapos ng event ay kay Dean ako pansamantalang tutuloy para sa imbestigasyon.

Nakausap ko na si Miss Eliza at Noah tungkol dito. Pumayag sila sa plano ko dahil tungkol na sa paghahanap sa totoo kong magulang.

Hindi na nagreply pa si Dean. At halos hindi na gumalaw ang sasakyan sa matinding traffic. Lalo na't mukhang may banggaan pang naganap na mas nagpabigat ng traffic. Matagal bago nakagalaw ang linya.

Tahimik ang sasakyan kaya hindi ko maiwasan maisip ang posibleng mangyari sa event. Noah tried to talked to me and it helps me being distracted. The distraction was short lived, lalo na nang matanaw ko ang iilang sasakyan sa harap ng gallery.

Iilan pa ang mga tao dahil maaga pa. Sa ibang direksyon kami dumaan dahil halos mapuno ang entrance sa mga media na naghahanda sa pagdating ng mga panauhin mamaya.

The guards started to roamed around. Dahan-dahan silang nagkalat. Mabilis nilang naayos ang mga nakaharang sa entrance at iilang problema sa event.

Bago kami tuluyang nakapasok ay sinalubong pa kami ng isang guard. Ang mga media ay hindi maaaring makapasok sa gallery kaya mahigpit ang mga nagbabantay.

"Imposibleng walang media na makakapasok," sambit ni Noah nang tuluyang malagpasan ang mga tanong ng nagbabantay.

Nilingon ko siya. Marahan niyang hinawakan ang likod ng siko ko para igiya paliko.

"Paano?"

"Siguradong may makakapasok na may koneksyon sa media. It's impossible for them to agree to wait outside when their subjects are inside. They just can't wait there," natatawang sagot ni Noah.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. He had a point.

Dahil sa mga nakitang iba't ibang articles sa iba't ibang platform, posible nga na may mga koneksyon talaga ang media. Some informations were below the belt that should be kept private, pero dahil matindi ang isang issue, doon inilalabas ng media ang mga impormasyon.

Kahit siguro hindi pa napapatunayan na totoo nga ang impormasyon ay ibinabalita pa rin. They can turn those information into a twist of questions that will make the readers or listeners to have an interest to the news.

I don't know if it's a good thing or not. Pero siguro may parteng mali doon. People this generation will judge you easily without knowing anything. Mahirap iyon kung isang panig pa ang nababalita at wala pa ang kabila. The news will be one-sided. Also, the way people sees it.

Habang hindi pa nailalabas ang litanya ng kabilang panig, mananatiling tama ang nasa kabila sa mata ng mga tao.

Magiging mahirap iyon sa kabilang panig dahil hindi pa magiging sigurado kung paniniwalaan ba ng mga tao ang maibibigay nilang impormasyon. People will get biased, especially if the informations that were gathered from the other side were heavy. Maawain ang tao sa social media. They will blame and will talk rudely to that specific side surely.

DM #2: Dean AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon