🍯39🍯

61 3 0
                                    

"Umamin ka nga, Sasaeng fan ka ba namin?"

Mukha ba akong sasaeng Heeseung?

"Ako sasaeng? Of course not. Saan naman nanggaling yan?" Taka kong tanong. Eh totoo naman eh. Kelan ko na nga lang sila nakilala eh.

"Then how do you explain this?" Pinakita niya pa sa akin yung comment ng isang MOA sa IG ko. "Aside from this house, your parents owns a mall, resort and some big properties too so basically you're rich. Malay ko ba kung nagpapanggap ka lang baka mamaya sasaeng ka nga namin."

"Heeseungie Hyung!" Sabat naman ni Jake kay Hee.

"Napakajudgemental mo naman palang tao. At ang babaw lang niyan, gusto niyo bang gawing big deal? Parang nahurt naman akong sasaeng ang tingin mo or ninyo sa akin. Sorry ah, hindi ko kayo kilala eh." Sabi ko sabay talikod para maghugas ng kamay.

"Huyng, Mag-Usap tayo mamaya." Dinig ko pang sabi ni Jay at saka ako hinila palabas ng pinto. Ako naman ay hinayaan ko lang siyang hilahin ako kung saan man.

"Jay saan tayo pupunta?" Tanong ko rito nang pumara ito ng taxi.

"Sa supermarket kung saan tayo unang nagkita." Sabi nito sa akin at pinagbuksan pa ako ng pinto. Nasapian nga yata.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit kaso biglang nagkaroon ng kausap. Mukhang si Sunghoon yata ang nasa kabilang linya. Nagpaalam na baka matagalan raw kami. Ano ba kasing gagawin namin doon? Bibili ulit ng Honey?

Pagkapasok namin ng supermarket ay dumiretso na agad ito. Honey na naman? Nagvivideo pa nga ang hayop. Vlogger ka?

"Hoy Jay, Ano? Mag-aagawan na naman ba tayo rito ng Honey?" Pagkatanong ko nun ay natutok sa akin ang camera ng phone niya habang tumatawa. May cute side rin pala siyang ganito?

"Gusto mo ba? Ulitin natin just like how we met here."

"Hindi na kita aagawan. Baka umiyak ka pa eh. Kawawa ka naman!" Pang asar ko pa dito. Mukhang good mood eh. Sakyan ko na lang yung trip niya.

"Ayos lang kahit agawan mo pa ako, hindi naman kita aangalan." Sabi pa nito at kumuha ng isang honey at nilagay na sa bulsa yung phone niya.

"Hoy ano bang pakulo iyon?" Tanong ko rito ay hinatak na naman ako sa counter. Gusto mo ba akong kaladkarin? Huhu

"Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang mag video sa akin? Baka nakakalimutan mong vinideohan mo ako?" Then binaba niya ng kaunti ang mask niya sabay smirk. Such a flirt tss.

"Whatever!" Yan na lang ang isinagot ko at after namin magbayad ay pumasok kami sa resto na walang tao. Mukhang mamahalin at umorder pa nga.

"Good afternoon sir, welcome to our Resto. Table for how many persons?" Tanong ng isang lalaking waiter na nagwelcome sa amin.

"Table for two please." Sagot niya rito. Hoy talaga bang kakain kami rito? Kaming dalawa lang?

"This way please." Inalalayan naman kami ng waiter sa isang table. Swerte namang medyo tago ang napwestuhan namin. "Here's our Menu."

"Anong gusto mo rito?" Tanong niya sa akin pagkatapon niya ng tingin sa menu, with his specs na dala niya pala.

"Anything." Binuksan ko lang yung menu pero hindi ako tumingin. Marunong naman akong mahiya, mukha lang hindi.

"There's no anything here on the Menu." I'm not sure if sarcastic ang pagkasabi niya but he look's serious.

"Uhm sir/ma'am, would you like to try our couple meal?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ng waiter. Sesenyas sana ako na hindi kaso ang bilis magsalita ng isa.

"Whatever it is, Yes please."

= ♡ =

Annyeong guys! Musta? I hope you're all safe. Buhay pa naman otor niyo, makupad nga lang mag update haha.

Happy 1.14k reads at salamat sa naghihintay nito. Bet ko na rin matapos ito para hindi ko na kayo mabitin and para mapublish ko na rin yung mga nasa drafts ko hehe.

Keep safe everyone!

- J Y N ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon