NOBILIS CRUOR

1 0 0
                                    

Fantasy

"Andriette, tignan mo yung mga transferee ang gwapo!" Kinikilig na sabi ng kaibigan kong si freya.

Tinignan ko yung lalaking sinasabi niya, nasa may dulong bahagi ito ng lamesa kasama ang isa nitong kaibigan. Malayo naman sila kaya hindi naman siguro nila kami maririnig mag-usap. Habang nakatingin ako sa muka ng isa sa kanila ay hindi ko maikakailang gwapo nga ito.

Tinignan ko ang muka niya, parang ang kinis kinis ng balat niya at mamula-mula rin ang labi. Siguro nasa 6 feet na ang taas nitong isang 'to. Pero ang mas nakakamangha ay para siyang amerikano dahil sa asul niyang mga mata.

"Gwapo nga" Pagsang-ayon ko sa sinabi ni freya pero nagulat ako nung magtama bigla ang paningin namin nung lalaki, animo'y narinig niya ang sinabi ko.

"Tumingin yung isa! Sige sa'yo na 'yan andriette basta sa akin yung--- Omg tinignan niya ako, mom i'm getting married!" Nagtitili na sabi ni freya, nanghahampas pa siya sa sobrang kilig.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay mas tinignan ko pa ang muka nung lalaking tinitignan ko kanina. May kung ano sa mga asul niyang mata na kapag tinignan mo ay parang nanghihipnotismo.

"Andrie, tara na. Pasukan na natin oh! Alam kong gwapo sila pareho na kahit ako pwede silang titigan katulad niyan" Nakita kp sa peripheral vision ko na tinuro ako nito. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko, parang napunta ako saglit sa ibang mundo nung tignan ko ang mga mata niya.

Hinila na ako ni freya paaalis doon, pumasok na kami sa klase pero hindi mawala sa isip ko ang asul na mata ng lalaking 'yon.

Nung matapos ang klase ay nagpaalam muna si freya na magbabanyo kaya sinabi kong maghihintay nalang ako sa library. Pagdating ko doon ay nakita kong walang tao kaya tahimik akong umupo, ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa at ipinikit ang mga mata ko. Ilang minuto din ata akong gano'n hanggang sa mapagdesisyunan ko ng idilat ang mga mata ko para lang masopresa sa lalaking nakatingin sa muka ko.

"You're awake?" Tanong nito sa malamig na tono.

"Hindi ba halata" Pagsusungit ko. "Paano ka nakarating dito ng hindi ko naririnig? Kanina pa ako gising pero wala akong narinig na maski anong ingay"

"You're andriette, right?" Saad nito imbis na sagutin ang tanong ko.

"Paano mo nalaman?"

"I just heard it somewhere" May kinuha ito sa bulsa niya na napag-alaman kong ballpen pala, pinaikot niya ito sa daliri niya ng mabilis.

Paano 'yon?

"Anong pangalan mo?" Sa wakas ay natamong ko din.

"Draven" Sagot nito. Ang cool ng pangalan niya.

"Draven, naniniwala ka ba sa mga witch,spells,wolfs,magic at vampires?" Nakangiti kong tanong. Wala na kasi akong maisip na pwedeng sabihin kaya ayun nalang ang pumasok sa isip ko.

"Maybe?"

"Uhm, sa tingin mo nag e-exist sila?" Mahina kong sabi.

"Why are you asking?"

Tumingin-tingin ako sa paligid at ng masiguradong walang tao ay saka ako nagsalita.

" 'Wag kang maingay ha?" Tumango naman siya. "Totoong nag e-exist ang mga vampires"

Mukang wala naman siyang interes sa sinasabi ko kasi wala siyang emosyon na nakatingin lang sa akin pero parang nakikita kong naa-amused ang mga mata niya.

"What makes you think that vampires really exist?"

"Nakita ko sila ng dalawa kong mga mata" Doon na ako nawalan ng ekpresyon. "Nakita ko silang pumatay, kaya galit ako sa mga lahi nila" Pinuyos ko ang kamao ko, maramdaman ko nanaman ang emosyon na napaka pamilyar sa loob ko.

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now