IASWAK12

716 83 4
                                    

Amy's Pov

Nakarating na kami nila Laney at Jaydee sa room , napatingin naman ako sa may likuran na kinaroroonan nila coleen at may isang di pamilyar na tao akong nakita.

Saktong pagkaupo ko ay siyang pagdating ng professor namin, may binanggit siya na apleyido ng bago naming magiging kaklase , pumaroon na siya sa harap at nagpakilala.

Napansin ko naman na sa buong pagpapakilala niya ay nakatingin lang siya ng diretso kay coleen , hmp something's fishy.

Kukuha na sana ako ng notebook ko sa aking bag ng magulat ako sa biglaang pag sigaw ni laney sa tabi ko.

"Waaaahhh!! The fuck! Dagaaa!Mamaaa!" Sigaw niya sabay hagid ng bag niya palabas ng room , nagsilabasan naman yung mga maliliit na daga na nasa bag niya.

Nagsitawanan naman yung mga kaklase namin habang kami ay pinapakalma si laney na ngayon ay namumutla dulot ng takot niya.

"Okay ka lang ba Laney? Ito tubig uminom ka na muna ako na bahala sa bag mo , ichicheck ko kung wala na bang daga or kung ano man" sabi ni jaydee at tumayo na siya para tignan yung bag ni laney at chineck kung wala na bang natirang daga.

"Stop it class A! Napakaingay niyo na! Hindi nakakatuwa tong pantitrip niyo ah! Sino may gawa nito?" Saad ng professor namin , baguhan lang kasi siya kaya hindi niya pa kilala na may tatlo siyang troublemaker na estudyante sa klase.

Hindi na ako magtataka kung si coleen ang gumawa nito dahil siya lang naman yung nandito kanina nung umalis kami , si brei kasi nakasalubong namin at si sheki mukhang kakarating lang din.

So eto na ba yung simula ng paghihiganti niya sa akin? Okay lang sana kung hindi epic fail eh pero bakit sa bag pa ni laney niya inilagay? Takte ka talaga Trinidad humanda ka sakin mamaya.

"Sir? Hindi na po bago sa section namin itong pangyayari na ito at tsaka alam na namin kung sino ang may salarin" napataas naman ang kilay ni coleen sa sinabi ng president namin dito sa room na si kaede.

"So sino nga? At tsaka maari siyang mapatalsik dito sa school sa dahil ginawa niya" napangisi nalang si coleen at tumayo na sa kanyang kinauupuan , tinignan naman siya ng professor namin mula taas hanggang pababa.

"Bingo! Si Trinidad pa rin as usual" mga sabi sabi dito sa classroom , tumingin naman ako sa kanya at saktong nakatingin din siya sa akin ng may nakakalokong tingin.

Nagulat naman ako nang biglang pumunta si jaydee at kinuwelyuhan si coleen , napatayo na din sila brei at sheki upang pigilan si jaydee at tanggalin ang mahigpit na pagkakahawak nito kay coleen

"Hayop ka talaga no! Ano kami naman yung napili mong pagtripan! Dapat sayo nakakatikim ng suntok eh! Para madala kang hinayupak ka!" Akmang susuntukin na ni jaydee si coleen nang biglang napangisi ito at nagsalita.

"Oh edi ipatikim mo? Wala kang magagawa kung kayo ang pagtitripan ko! As if naman kaya mong ipatama yang kamao mo sa akin , gamitin mo nalang yan sa pagigitara at pagsusulat mo!" Nakangiting sabi ni coleen , pinaglihi ba siya sa baliw? Biglang magiging seryoso yung mukha niya at maya maya ay nakangiti na naman.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now