Kabanata LXXVI

8.1K 570 367
                                    

- SEREIA -

Bagama't hindi ugali ni Sereia ang mamili at isantabi ang sandamakmak na gawain at oras upang magsanay, wala siyang ibang pagpipilian pagdating sa nag-iisa niyang kapatid na si Saena.

"Ate, hindi mo naman na talaga ako kailangan samahan. Puwede naman ako magpasama kay Dok Aeson mamili o di kaya'y sa mga kaibigan ko. Naabala pa tuloy kita." Nakangusong saad ni Saena habang panay pabiro rin na binabangga ang kapatid na nananahimik lamang.

"Ayos lang." Tipid na saad ni Sereia. Para sa kanya ay lahat naman gagawin niya para sa nag-iisang kapatid.

Nakita naman ng dalaga ang paglawak ng ngiti ni Saena sabay lingkis sa braso ng kapatid. Humagikgik pa ito na parang bata. "Ang bait talaga ng Ate ko. Salungat talaga palagi sa eskpresyon ng mukha mo ang sinasabi ng puso mo." Makahulugang saad ni Saena.

Bagama't alam naman ni Sereia ang tinutukoy nito ay minabuti na lamang niya ang manahimik at hindi na kumibo.

Namili ng mga bagong pluma at tinta ang dalaga. Sinamahan niya rin ito mamili ng bagong mga sumbrero at mga nobela patungkol sa pag-ibig.

"Ate, sukat mo 'to!" Magiliw na saad ni Saena sabay abot kay Sereia ng isang bestida na kulay puti. Mukhang mabigat ito para sa dalaga at mahihirapan siyang makipaglaban kung susuotin ito.

"Hindi bagay sa akin." Kaswal na saad ni Sereia habang inilalapat kay Saena ang damit.

Hindi naman na siya nagtaka na mas bagay sa nakababatang kapatid ang damit lalo na at matingkad ang kulay nito na tinernohan pa ng maputi at makinis na kutis at napakaamo na mukha.

Sumimangot naman si Saena dito at ibinalik na lamang ang damit sa pinagkuhaan. "Ate, kung may gusto ka subukan, huwag mo pigilan ang sarili mo." Kumuha pa si Saena ng isa pang damit at sa pagkakataong ito ay kulay pula naman ang kinuha niya na mayroong manipis at magaang tela. Medyo malalim din ang sa bandang dibdib nito at hapit sa bewang sabay luwag sa bandang ibaba. Wala rin itong corset na labis na kinaiinisan ng dalaga pagka't hindi siya makahinga kapag suot ito.

"Uuuy, isusukat na niya." Biro pa ni Saena sa kapatid habang si Sereia ay napatitig na lamang sa bestida.

Napabuntung hininga na lamang tuloy ang dalaga bago iiling-iling na kinuha ang damit.

"Bayaran na natin." Saad pa ni Sereia dahilan para magtititili naman sa saya si Saena.

Napangiti na lamang tuloy si Sereia sa kakulitan ng kapatid.

"Hindi mo na isusukat? Isukat mo, Ate, para makita natin kung may mali o---"

"Hindi ligtas magsukat ng mga damit sa panahon ngayon, Saena." Makahulugan at mistulang nambabanta na pahayag ni Sereia kasabay ng pagmamasid sa paligid na puno ng paghihinala ang mga mata.

Napatitig din si Saena sa paligid niya at nagmasid. Ilang sandali lamang ay tumango-tango na ito sa kapatid na wari'y naiintindihan ang sinasabi.

"Sige, Ate. Babayaran ko na lang." Nakangiting pahayag ni Saena habang nananatili rin itong alerto sa mga nakapaligid sa kanila.

Tahimik naman na lumabas ang magkapatid. Dala ni Saena ang ilan sa kaniyang mga nakapamili habang ang kalahati naman nito ay na kay Sereia.

"Ate, iyong mga tao sa loob...mukhang wala naman silang alam." Kaswal na saad ni Saena dahilan para magsalubong na lamang ang mga kilay ni Sereia.

"E bakit nakisunod ka rin sa akin?" Naguguluhang pahayag ni Sereia matapos mapansin kanina ang paghihinala ng kapatid. Mas tiwala siya kay Saena pagdating sa panghuhusga sa iba dahil sa angking kapangyarihan.

Reincarnated as the Seventh Princess (Book 2/3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon