CHAPTER 60

1.5K 169 8
                                    

Jaydee's POV


I just woke up at sobrang sakit ng ulo ko, as in sobra yung tipong gusto mo nalang siyang tanggalin. Nilingon ko ang wall clock ko, 10:37 am. Hindi nanaman ako nakapasok, bahala na. Baka maghalf day nalang ako mamaya. Nagtoothbrush na ako at nag-ayos bago ako tuluyang lumabas.


Nadaanan ko ang mga car keys ko at kumpleto ito, nakauwi ako kagabi? Hindi ko talaga alam dahil wala akong maalala.


Anyways lumabas na 'ko ng kwarto at bumaba, naabutan ko naman si Ate Sela na nasa sala, hawak si Selaine. .


"Goodmorning, Jaydee." Ate Sela said.


"Goodmorning ate." I said at dumiretsyo na sa kusina. Nagtimpla ako ng Kape at bumalik na sa sala. Umupo ako malapit kay ate Sela.


"Ate? Paano ako nakauwi kagabi?" Tanong ko naman sakanya.


"Tumawag yung crew ng bar kay Frances kaninang madaling araw. Buti nga gising kami ni Abelaine kundu mahihirapan siya dahil wala naman siyang sariling sasakyan." Ate Sela said at natawa pa. Wth? nakakahiya, lupa, lamunin mo ako. Kay Frances pa talaga tumawag, ang lakas naman ng tama nung crew.


"Sinundo niya ako?" Tanong ko naman at tumango naman si Ate Sela.


"Kasama niya si Abelaine, dahil si Ate Abby mo ang nag-uwi ng Lamborghini mo while ikaw kay Frances ka sinakay." She said


"Nasaan po ba si Frances at Ate Ella?" Tanong ko naman sakanya.


"Nasa labas, nagbabike sa village. Naboboring na raw kasi sila eh, gamit ni Ella ang bike ni Gabo while si Frances ay gamit ang bike ni Lara." She said at tumango naman ako.


"Ay oo nga pala, ginawan ka ng soup ni Frances, nagpatulong pa yun sa ate niya. Initin mo nalang daw pagkagising mo." Saad naman niya, tumango nalang ulit ako at dumiretsyo sa kusina. Ininit ko ang soup na ginawa ni Frances.


Well masarap siya, didn't know na marunong palang magluto si Frances.


Pagtapos kong kumain ay nagtambay muna ako malapit sa gate. Pinagmasdan ko ang mga sasakyan ko. Hindi ko na nagagamit ang BMW at Wrangler ko, well, nakastock lang siya dyan mula nung iniwan ako ni Frances. Daming memories sa loob nun eh.


Bigay ko nalang kaya sakanya yung BMW? Para naman may magamit siya pag may gusto siyang puntahan.


Should I talk to her? Hay nako self kausapin mo na, matuto kang magthank you.


Ilang minuto pa ay dumating na silang dalawa ni ate Ella, pawis na pawis siya pero ang ganda parin, hay nako Frances. You make me fall harder.


"Hi Jaydee." Ate Ella said at nagwave pa. nauna na siyang pumasok.


"Hi-" Saad ko naman kay Frances.


"Are you okay na ba?" Tanong niya naman.


"Oo, okay na. Sarap nung soup eh." Saad ko naman.


"Bola ka." Natatawang sabi naman nito.


"Oo nga pala, salamat sa pagsundo saakin kagabi." Saad ko naman.


"Always welcome naman, kahit naputol ang beauty rest ko dahil sayo." Biro niya naman.


"Luh sorry na nga eh." Saad ko naman


"Joke lang eh." Saad naman nito.


"Uhm, Frances, may nasabi ba ako kagabi?" Tanong ko naman sakanya. Malakas kasi ang pakiramdam ko na marami akong nasabi hahaha.


"Bukod sa sinabi mong mahal na mahal mo ako kaya iniwan mo yung taong minahal ka ng sobra, wala na." Saad naman niya, sh*t! Sabi ko na eh, lupa lamunin mo ako. Ang kalat.


"Uhm, sorry sa kalat." Nahihiyang saad ko naman.


"Do you really mean it?" Tanog naman niya.


"What?" Maang-maangan kong sagot.


"Yung mahal na mahal mo ako?" Tanong niya pa ulit at tumango naman ako


"I do mean it." Saad ko naman.


"But you have a girlfriend." Maikling saad naman nito..


"No, Frances, we already broke up, kahapon lang." I said, napatingin naman ito sakin.


"But why?" She asked.


"It's because I realized that I don't really love her. I'm still stuck with someone, and It's my first love." I said.


"First live never dies, huh?" Natatawang saad naman nito.


"First love never dies kaya Frances, I want to ask you something." I said at hinawakan ang kamay nito.


"Ano yun?" Tanong niya naman.


"Can I court you again?" Tanong ko naman pero hindi agad siya sumagot.


"If you don't want for now, I can wait naman." Saad ko naman.


"No-" She uttered. Mas lalo naman akong kinabahan.


"You don't need to court me again cause we never broke up." She said at nangiti naman ako bigla, so kami na?


"So that means tayo na?" Tanong ko naman sakanya.


"We never broke up naman ah, didn't we?" Saad niya naman.


"Paano yung marriage niyo ni Kiel?" Tanong ko naman.


"Divorce, hindi naman kami sa Pinas kinasal. Agreement nila ni Daddy na sa US kami ikasal para pwede mag divorce." Saad naman niya.


"Okay, ako ng bahala ron." Saad ko naman.


"Yeah, ikaw pa." Saad naman niya. Pwede na pala kami ikasal, engagement ring nalang ang kulang hahaha. Pero before that I need to fix things between us and her parents muna.


Pupuntahan ko ang parents niya secretly para makipag ayos and isusurprise ko siya na nandun sila sa mismong proposal.



---------------------



























































































Goodnight!

FOOL FOR YOUWhere stories live. Discover now