-098-

220 14 2
                                    

-jay pov-

"susunduin ko si toni, sunod na lang ako jake" jake nodded immediately.

"patay na patay amputa" komento ni niki na nakasakay na sa sasakyan ni sunghoon.

"you'll see once you fall in love, riki" pagbabanta ko sa kanya pero ang bata, inirapan lang ako. ang mature talaga.

"ingat sila sayo, jay" dapat hindi na lang nagsalita itong si heeseung eh.

"oo baka kasi lahat mahimatay, lalo na kapag nakita kagwapuhan ko" makatotohanan na saad ko, totoo naman. sus, ako lang 'to

"hangin mo din e 'no, sarap mong ihagis sa bermuda triangle" asar at pikon talaga 'tong si heeseung.

"hindi ka magugustuhan ni toni, ulol!" nag make face ako para lalo syang maasar, sumakay na ako ng sasakyan ko dahil inawat na din kami ni sunghoon, isa pa 'yun mas manipis pa sa hibla ng buhok ang pasensya.

nauna akong umalis sa kanila dahil iniintay pa nila si sunoo at jungwon, nagderetso naman ako papuntaling catallina para sunduin si toni kasi naulan nga.

dumaan muna ako sa convinient store para bumili ng payong, malamang ibibigay na naman n'on ang payong n'ya kay katie or kung kani-kanino, kaya binilhan ko sya. bumili na din ako ng drinks n'ya saka ako naglakad papunta sa malapit na pastry shop para bumili ng favorite n'yang lemon cake.

babalik na sana ako sa sasakyan ko pero may naalala pa ako, one time noong nagkasakit s'ya, nakakwentuhan ko si lola. sabi n'ya sa akin, mahilig daw sa bulaklak si toni katulad ng mama n'ya. she even told me na ang saya-saya daw ni toni noong natanggap s'ya sa shop namin.

may malapit na flower shop, so tumakbo ako kahit medyo basa na ako. i entered the shop, and ordered a bouquet of tulips. paborito daw kasi 'yun ni toni. hindi pa naman ako nakakalabas ng shop nagsimula na akong mag teary eyes at maghahatsing kasi may pollen allergy ako.

bumalik ako sa sasakyan para ilagay sa likod 'yung bulaklak kasi mahirap mag drive kung malalanghap ko 'yung pollen.

when i feel satisfied, nagsimula na akong magdrive papunta sa school n'ya.

i just waited sa entrance kasi 15 mins pa ang out n'ya. i played some songs, while searching some place na pwede namin puntahan ni toni, ngayong bakasyon.

hindi ko pa s'ya natatanong kung ano ba ang dream destination n'ya. pero later, tatanungin ko s'ya hehehe, so we can plan together.

bumaba ako ng sasakyan ko para makita n'ya ka agad ako dahil sa kabilang kalsada ako nakapag-park.

binuksan ko ang payong ko, kasi malakas pa din ang ulan, tatawid na sana ako para sunduin s'ya since nakita ko na s'yang palabas but i stopped when i saw a guy with white umbrella approached her.

i don't know why i chose not to move and just watched him hug her tight.

i even saw how her face brightened like, the face i  have never seen before. she was shocked but i know she's happy inside. because she hugged him back.

ni wala nga silang pake kahit malaglag ang payong na dala nila at mabasa sila.

i watched them until she entered his car.

i felt a pang on my chest, it hurts... so much.

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon