IASWAK13

679 78 4
                                    

Coleen's Pov

Nandito na ako sa principals office at ngayon ay nakaupo lang ako , kabisadong kabisado ko na yung mga pinagsasabi ng principal namin tungkol sa akin.

Kesyo wala akong mararating sa buhay , walang kwenta , pakikipag basag ulo lang ang alam , isang kahihiyan sa pamilya , di na natuto sa mga parusang binigay sa akin noon.

Hays daming dama! Makapagsabi ng kung ano ano akala mo naman marangal yung trabaho niya , eh isang bayaran lang naman siya.

Siguro nga yumaman siya dahil sa akin eh , lagi ba naman sinusuhulan ng pera ni dad , tsk kapal ng mukha mong sabihin yan sa akin.

Dumating na dito ngayon yung teacher kung tatanga tanga , nag enjoy nga ata siya sa eksena kanina sa classroom.

"Hi good morning po Maam!" Bati niya sa principal namin , sipsip yarn? Pag ako nabagot sayo ako na mismo magpapatalsik sayo dito sa school.

Sinenyasan naman siya ng principal namin na wait lang , kausap niya sa ngayon si daddy , pangiti ngiti naman tong nakikipag usap dito.

For sure another suhol na naman ang matatanggap niya , wala nang bago kung ganun.

"Oh you're the new teacher right? Okay na yung case ni Trinidad maaari ka nang bumalik sa classroom upang magturo sa Class A." Diretsong sabi ng principal namin sa kanya nabigla naman ito dahil napanganga siya ng unti , sana pasukan ng langaw yang bibig mo.

"Maaari ko po bang malaman kung ano po ang ipinataw niyo na parusa dito sa estudyante ko? Medyo malaki kasi yung gulong ginawa niya kanina aside sa panununtok sa kanyang kaklase ay------" wow sumbongera ka ng taon? tsk as if naman ikikick out nila ako kahit na magsumbong ka.

"The case is already settled , walang kasalanan si coleen sadyang nadala lang siya ng emosyon , ganun naman pag mga nasa kaedaran nila diba? Kaya maaari ka nang bumalik tsaka sa susunod na mangyari to just call me nalang, no need to shout at miss trinidad and tell her to go to the guidance, ayoko nang maulit itong ginawa mo okay? Dahil Maaari kang mapatalsik dito sa treston pag naulit ito" di naman makapaniwala yung teacher namin dahil sa sinabi ng principal , hmmp sa sunod pumili ka ng haharapin mo malakas ata kapit ko sa school.

Tuta lang naman ng daddy ko tong tanga at mukhang pera na principal na to , naturingang principal pero ganto mamalakad.

As usual may punishment parin ako na maglilinis ng cr na napakadumi pero keri ko naman yun dahil isang araw lang naman.

"A-ah o-okay po miss principal mauna na po ako" nauutal na sabi niya , sabi ko sayo eh mauuna ka pang mapaalis dito sa school kesa sakin.

Tumayo narin ako at umalis na , di naman ako pinigilan ng principal namin , naglalakad lang ako ngayon sa hallway nang may biglang humawak sa may balikat ko.

Agad na akong lumingon upang makita kung sino ang nangahas na hawakan ako.

"Ah maam coleen , pinapasundo ka po ngayon sa akin ng daddy niyo po" halata ang takot sa mga mata nito habang nagsasalita siya.

Siguro takot parin to sa akin dahil sa ginawa ko dati sa kanya , binali ko lang naman yung kamay niya nung nangahas siyang pilitin akong ipasakay sa kotse.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now