IASWAK14

737 77 1
                                    

Amy's Pov

Nakatambay muna kaming tatlo ni jaydee dito sa classroom , mamaya pa naman kasi yung pre concert namin at tsaka ayaw din namin tumambay sa may studio ngayon.

Nakikipagkwentuhan lang kami sa ibang kaklase namin ng biglang dumating sila brei at sheki.

Diretso lang silang naupo sa may upuan nila nagtaka naman ako kung bakit hindi nila kasama si coleen? At tsaka hindi na rin pala siya nakabalik sa classroom kahapon nung pinapunta siya sa guidance.

May nangyari kayang masama sa kanya or kung ano man? Kinick out na kaya siya dito sa school gaya ng sinabi kahapon ng teacher namin bago pa man siya umalis?

Argh bakit ba ako nag aalala sa kanya , wala na ako don kung ano man ang ginagawa niya sa ngayon.

Nakinig nalang ako ng usapan nila jaydee at kaede mukhang naging close na din sila nitong past few days , si laney naman ay nandun sa kabilang row na nakiki cheka din.

Kabadong kabado kami para sa pre concert mamaya , ayun din yung isa sa rason kung bakit dito na kami tumambay sa classroom para makapag relax relax ng unti dito.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita si coleen na putok ang labi at iika ika sa paglalakad , tinignan ko naman ito at puno ng pasa yung binti niya.

What the heck? Anong nangyari sa kanya? May bumubugbog ba sa kanya? Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla siyang tumingin sa akin.

Naglalakad na siya papuntang upuan niya , at rinig din dito ngayon yung bulungan ng ibang kaklase namin.

"What the heck coleen anong nangyari sayo? Yung daddy mo ang may gawa niyan no?" Nag aalalang tanong ni sheki kay Coleen , bakit naman gagawa ang kanyang ama ng ganyan sa kanyang anak?

"Hmp malamang oo sheki! Siya lang naman ang makakagawa nito kay coleen eh , tara samahan ka na namin sa hospital coleen mukhang lamog na lamog yang binti mo ah , baseball bat ba ginamit sayo?" Gosh baseball bat? Pinanghampas sa kanya ng daddy niya? Aba child abuse na yun ah.

"Okay lang ako , sanay na ako sa ganito lagi , maupo na kayong dalawa sa upuan niyo at ako'y iidlip na muna" sabi ni coleen grabe paano niya kinakaya yung sitwasyon niya sa ngayon halatang magang maga yung binti niya.

Nagulat naman kaming lahat ng biglang magsalit yung isa naming kaklase at mukhang si coleen yung pinaparinggan.

"Ang bilis talaga ng karma eh no!" Sabi ni Ashley , napaangat naman ang ulo ni coleen at halatang narinig niya yung sinabi ni ashley.

"Gusto mo bang masaktan ashley? Kung oo pakilakasan at pakiulit naman ng sinasabi mo kanina!" Seryosong sabi ni brei at nakatingin lang ng masama kay ashley na mukhang kabado na ngayon.

Biglang tumayo naman si coleen at kitang kita sa mukha niya yung sakit na nadarama niya na dulot ng mga sugat at pasa niya.

Kinuha niya yung upuan niya at binuhat tapos inihagis sa may malapit sa kinaroroonan ni ashley , napasigaw naman si ashley dahil doon.

Lumapit na sa kinaroroonan niya si coleen kahit na iika ika siya , nakasunod naman sa kanya si brei at sheki.

"Ashley , ashley , ashley gusto mo bang maexperience tong mga pasa at sugat ko? Sa lahat ng nakilala kong tao ikaw pa lang ang naglakas loob na paringgan ako ah , kaya na ba ng katawan mo? Or kaya mo na bang makipaglaban sa akin? Kahit nanghihina ako ay papalagan kita" napailing naman si ashley sa tanong ni coleen halatang takot na takot siya ngayon,  nakatingin lang ako ngayon kay kaede at inaantay kung may gagawin ba siyang aksyon.

Nginudngod naman ni brei si ashley sa kanyang lamesa at napadaing ito pagkatapos nun ay tinadyakan niya ito habang si coleen ay bumalik na sa kanyang upuan.

"Amy , Jaydee tara na daw sa studio sabi ni Ms. Mae magreready na daw tayo para sa ganap mamaya" sabi ni laney tumayo nalang ako at ganun din si jaydee, kinuha na namin yung bag namin at nagpaalam na muna sa mga kaibigan namin.

"Goodluck para mamaya! Basta nandun lang kami sa may harapan para icheer kayo hehe Go Heartless Angels! Awuuu!!" Napangiti naman kaming tatlo sa cheer ng ibang kaklase namin , mas lalo kaming ginanahan na galingan ang performance namin mamaya.

Coleen's Pov

Namimilipit na ako sa sakit ngayon ng aking binti ngunit hindi ko lang ipinapahalata sa mga kaibigan ko ayokong mag alala pa sila sa akin ngayon.

Hinawakan naman ni sheki yung balikat ko sabay abot ng pagkain na inorder niya sa jollibee , napangiti naman ako sa kanya mula kagabi pa talaga akong walang kain.

Hindi na talaga kasi ako halos makalakad kagabi ng makauwi ako sa condo ko kaya hindi ko na rin nagawang magluto pa ng hapunan.

Buti nga kaninang umaga ay naging okay siya ng kahit papaano , nilagyan ko lang ito ng yelo magdamag at hindi na nga ako nakatulog ng dahil doon.

Wala rin akong painkillers sa condo ko kaya wala na akong nagawa kundi tiisin nalang yung sakit.

"Coleen ito painkillers oh , binili ko yan nung papunta ako sinabi kasi sa akin ni sheki yunh kalagayan mo at sana makatulong yan upang mahibsan yung sakit na nadarama mo" sabay abot sa akin ni frances ng gamot , kakarating niya nga lang ng classroom buti nalang kamo ay wala kaming professor ngayong umaga dahil for sure mapapagalitan siya dahil late siya sa klase.

"Maraming salamat dito frances ang laking tulong nito sa akin , anyways nais ko lang sabihin sa inyo na nakalabas na ng hospital si cole at okay na ang kalagayan niya" abot langit naman ang ngiti nila ng malaman yung good news na iyun , ako din eh sobrang saya ko na malamang okay na sa wakas si cole.

"Mabuti naman kung ganun , edi dalawin na natin siya mamaya tapos mag bonding bonding tayo ganun , like foodtrip!" Masayang sabi niya napataas nalang ang kilay ni brei dahil doon.

"Sus foodtrip ikaw lang magiging masaya sa plano mo sheki eh!" Singhal naman ni brei kay sheki , sa bawat lakad din kasi namin puro kain lang ang ginagawa ni sheki at wala ng iba.

"Aba bakit ako lang? Kakain ka din naman kayo brei eh lalo na si coleen mas matakaw pa nga sa akin yan eh!" Rebat niya naman haha di talaga papatalo tong si bonita sa debatehan.

"O siya wag na kayo mag away tungkol dyan , dadalawin natin si cole and then mag po foodtrip tayo sabay overnight sa kanila" diretsong sabi ko , natuwa naman sila sa plano ko.

Sabagay sino bang hihindi sa overnight with squad syempre ikaw g pero yung magulang mo hindi hahahaah.

"Pero bago iyun coleen gamutin mo muna sa clinic yang sugat mo sa may labi , sa magkabilaan ka pa talaga pinagsusuntok ng daddy mo ah" napatango nalang ako ayoko na rin magsalita sa ngayon eh kasi tinatamad na ako.

"Ito nga pala yung ticket para sa mamayang pre concert oh , sheki ito sayo at tsaka ito din sayo frances , ikaw coleen gusto mo din bang manuod? May extra tickets pa akomg binili dito?" Napailing naman ako ayokong manuod ng pre comcert ng mga korning artist na yun tsk baka imbes na kumanta sila doon ay maglandian lang don si amy at jaydee.

"Kayo nalang yung manuod brei , di naman ako interesadong manuod dyan sa mga yan , baka mabato ko pa sila ng plastic bottle pag nairita ako sa mga boses nila" singhal ko naman bahagyang tumango nalang si brei , kinuha ko na nga yung mineral water at ininom ko na yung gamot na ibinigay ni frances sa akin.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💞

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now