IASWAK17

733 86 7
                                    

Amy's Pov

Nadala ko na si coleen sa hospital ngayon halos hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon.

Kasalukuyang nasa loob siya ng room at ginagamot pa ng nurse yung mga sugat niya , pina ct scan na rin siya at mri.

Lumabas na ako nung ginagamot siya hindi ko kasi kayang tignan siya ngayon na halos buka yung mga sugat , like paano niya nakakaya yung lahat ng sakit na yun?

Ganun na ba siya ka manhid upang di makaramdam ng anumang sakit sa katawan? Inopen ko naman yung phone ko dahil kakafull charged lang nito.

Bumunga naman sa akin yung 200+ na notifications galing kila laney , miss mae , jaydee at kay Dean.

The fuck! Nakalimutan ko may dinner pala dapat kami ngayon , argh nakalimutan ko patay! Anong oras na mag i 8pm na.

Tinawagan ko na si Ms. Mae para humingi ng paumanhin tapos sunod kung tatawagan ay sila jaydee at laney na.

OTPC

"What the heck amy! Kanina ka pa namin kinokontak nasaan kana ba? Di ba ang sabi ko sa inyo na walang uuwi kasi mag didinner pa tayong lahat ng mga crew?" Medyo naiinis na sabi niya , napakamot nalang ako ng ulo at nag iisip kong ano ang maaari kong irason sa kanya.

Yung hindi na niya ikukuwestyun pa? Ahm may importanteng pinuntahan ayun nalang sasabihin ko.

"Im sorry Ms. Mae may urgent lang po akong pinuntahan ngayon tapos nalowbat pa yung cellphone ko kaya hindi ko po kayo nasabihan pati sila jaydee at pasensya na po dahil hindi ako nakasama" papalapit naman yung nurse ngayon sa akin at mukhang may sasabihin siya pero sumenyas ako na wag na muna siyang magsalita.

"Hay nako amy! Sa susunod huh magpaalam ka muna bago ka umalis nang sa gayun ay hindi kami umasa na makakasama ka , o siya mag ingat ka at mag uusap pa tayo bukas ng umaga sa studio" sabi niya sa akin patay ka amy! Hays basta bahala na si batman.

"Sige coach ba bye po!" Huling sabi ko bago pinatay yung tawag , tinext ko nalang sila jaydee at laney na wag silang mag alala sa akin dahil okay lang ako.

EOTPC

"Hi kaano ano po kayo ng pasyente? Kailangan po kasing may mag sign na guardian don sa waiver" tanong sa akin ng nurse , napaisip naman ako bakit wala pa dito sila sheki at brei? Pinatawagan ko yun kanina kay coleen ah na papuntahin niya dito ngayon.

"Ahm kaibigan niya lang po ako nurse , okay na po ba ang kalagayan niya?" Tanong ko din sa kanya ngumiti naman siya at tumango sa akin.

"Opo maam okay na po yung kalagayan niya kaso need niya pa ng pahinga at magpagaling , need niyang maadmit dito ng 1-2 weeks" huh ang tagal naman nun? Akala ko ba okay na yung kalagayan nita eh bakit kailangan niya pang maadmit dito ng mahigit 7-14 days? Abay pinagloloko ata ako ng nurse na to ah.

"Maaari niyo na po siyang puntahan sa room maam kanina ka pa po niya hinahanap" nakangiting sabi niya at umalis na para mag check ng ibang pasyente.

Kinakabahan naman ako na buksan itong pinto ng room ni coleen , eh kung umuwi nalang kaya ako? Tsk bahala na nga.

Ipinihit ko na ang door knob at pagkapay ko ay nakatingin lang ng diretso sa akin si  Coleen yung tipong maiilang kana.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now