Chapter 23

45 12 0
                                    

Chapter 23...Accuse



Mary's Point of View

Nakapatong ang kaliwang siko ko sa arm rest ng bench at nakahalumbaba habang hawak naman sa isang kamay ang isang maliit na libro. Nagtry kasi akong magbasa kaya kumuha ako ng libro sa library kanina pero ngayon tinatamad na ako. Wala akong magawa. Nag-iisa lang ako habang nakatingin sa baba at wala sa sarili. Natutulala nalang sa hindi malamang dahilan.

Ngunit sa gitna nitong pag-iisa ko, may biglang dumating. Nakatingin kasi ako sa baba kaya tanging isang pares lang ng sapatos ang kita ko na nasa harapan ko. Inangat ko ang paningin hanggang sa makita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan habang may hawak na puting rosas. Nakalahad iyon sa akin.

"For me?"

"Para kanino pa ba?"

Napangiti ako at napailing bago kinuha ang rose sa kanya.

Umupo s'ya sa tabi ko. "Nakita ko kasing parang malungkot ka kaya naisipan kong bigyan ka niyan. Baka sakaling mawala kung ano man ang iniisip mo."

"Sus ang sweet naman nito. Saan mo ba ito nakuha?"

"Secret."

Kumuha ako ng isang petal at kinain. Ang sarap talaga ng rose petal promise. Kahit ito lang ang ipakain sa akin ayos lang.

"Nga pala Gus." Tumingin ako sa kanya. "Kumusta ka?"

"Ha? Kumusta ako? Bakit?"

"About you and Yza. Ginugulo ka pa ba n'ya?"

"Hmm...minsan kapag nakikita n'ya ako nangungulit. Pero alam mo malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hindi s'ya taga-village. Dahil kung oo, malamang hindi ako makakalabas ng bahay." Natatawa n'yang sabi.

"Kung doon s'ya masaya, then let her be. Hintayin mo na magsawa, magsasawa rin 'yan."

"Sana nga."

Kaunting katahimikan.

"Ikaw? Kumusta ang buhay maging target?" Ako naman ang tinanong niya.

Alam n'ya nga pala ang sitwasyon ko. He is the one that knows me the best out of the three of us as I don't hide anything from him. Ultimong past ko s'ya lang ang nakakaalam. Wala akong pinagsabihang iba.

"Medyo napapagod dahil maya't maya nalang may balak sumugod sa akin. But don't worry. I can handle them all and one more thing is, kasama ko si Bruise."

Tumawa s'ya. "Pati naman iyon dinadamay mo. Pero nandito rin ako. Magaling din kaya akong makipaglaban kaya din kitang tulungan."

"Oo naman. Ikaw pa." Sinagi ko nang kaunti ang kanyang braso. "Kapag wala si Bruise, ikaw muna ang papalit. O kaya tayong tatlo ang magtulungan para ubusin sila."

"Pwede nating isama ang iba."

Mabilis akong umiling. "Huwag na. Ako lang naman ang target. Ayokong maraming madamay." Humarap ako sa kanya dahil may bigla akong naisip. "Gusto mo bang pumatay ng kalaban? Matagal-tagal ka na ring hindi nakakapatay."

"Hmm...medyo nakakamiss nga."

"Then sumama ka sa akin mamaya."

Nagsalubong ang mga kilay n'ya. "Saan?"

I grinned and raised my eyebrows. "Somewhere later."






Alexandra's Point of View

Grabe namang tagal ni Louise.

"Hoy Louise! Matagal ka pa ba?"

Kaninang-kanina pa kasi. Ano ba ito tinitibi? Nagpasama at tinatawag daw ng kalikasan aba ay kanina pang nandoon sa loob mahigit kalahating oras na yata.

Pass or Die? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon