CHAPTER 8: Good Idea

510 26 1
                                    


Chapter 8
[Good Idea]

NANG mag gabi ay nakapag usap kami ni Maestro bago matulog.

"Sa mga ganitong oras ay pwede na tayong magsanay kapag nakauwi na si Sean,"

"Pero pagod na po kayo no'n, Maestro.."

Umiling siya. "Hindi pwede, kailangan nating masanay 'yang kapangyarihan mo."

Napabuntong hininga ako. Kung tutuusin mas nagiging tatay pa sa akin si Maestro kaysa sa totoo kong ama. Siya ang nag alaga at nagpalaki at hanggang ngayon ay tinuturuan at ginagabayan niya pa rin ako. Pero ang gusto niyang itawag ko sa kaniya Maestro.

Hindi ko alam kung makahahanap pa ng asawa ang aking Maestro dahil sa pagka abala niya sa akin. Kaya dapat matuto na akong magsanay mag isa. Alam kong may sinusunod siya sa Hari kaya niya ginagawa ito, pero kailangan niya ring mamuhay ng normal, ang mag ka-asawa at magkapamilya.

"Maestro, kaya ko naman pong aralin yung nasa libro, tsaka nakapag sanay ako kanina doon sa ilog, kasama ko din si Xaviel."

"Iba pa rin ang pagtuturo galing sa akin. Oo nga't may libro, pero mas maganda pa rin na natuturuan kita ng harapan."

"Pero--"

"Huwag ka nang kumontra pa. Matulog ka na. Buo na ang desisyon ko."

Napanguso nalang ako bago yumakap sa kaniya upang magpaalam.

Kinabukasan ay sinadya ko talagang magtagal sa kwarto dahil alam kong dadating na naman si Sean. Nag isip ako ng pwedeng gawin at pwedeng puntahan para hindi ko makita.

Pag nawawala siya sa paningin ko, nawawala na siya sa isip ko. Pero kapag nandyan naman siya, todo todo ang kabog ng dibdib ko.

Wala na akong malilinis sa bahay sapagkat nalinis ko na kahapon at kagabi. Siguro'y pupunta muna ako kay Xaviel ngayon.

Nang napagpasyahan ko nang lumabas ay nakita ko na sila na naghahanda na ng nga kagamitan sa labas ng bahay. Napalingon silang dalawa sa akin.

"Maestro, punta lang ako kay Xaviel!"

Ngumiti siya at tumango. "Sige!"

Saka na ako tumakbo palayo roon kahit na nakatingin na naman siya.

Inubos ko lang ang oras ko sa pagsasanay ng mga natutunan ko pero wala pang nadadagdag na bago sa kaalaman ko.

Naligo ulit ako kasama si Xaviel pagkatapos no'n at muling umuwing basa sa bahay. Agad napatingin sa akin si Sean at biglang naglaho ang binubuo niyang kapangyarihan sa palad.

Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso na papasok.

"Sean? Anong problema?" Rinig ko pang tanong ni Maestro sa kaniya bago ako tuluyang makapasok sa bahay.

Makalipas ang isang linggo ay ganoon ang ginagawa ko para maiwasan siya. Sa umaga ay pumupunta ako sa ilog. Sa hapon naman kung hindi ako magkukulong sa kwarto ay pupunta ako sa bayan at hahanapin si Allayah.

Mas nagiging kalmado ang puso ko kapag ginagawa ko iyon. Kung si Zella nalang kasi sana ang naiatas kay Maestro edi mas naging madali para sa akin. Pero hindi, sa ibang Ylundra inutos si Zella kaya hindi na rin kami masyadong nagkikita dahil abala pa siya sa kaniyang ensayo.

Pinilit kong maging matatag ngayon kahit na magbibigay lang ako ng pagkain sa kanila.

"Pagkain po," agad napalingon sa akin si Sean.

Iniwas ko ang tingin.

"Salamat, Laika," si Maestro habang palapit.

"Sige po, pasok na 'ko--"

Tears of Bliss (Magos Zarroah Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon