Chapter 37

365 12 0
                                    

Inagahan ko talagang gumising para puntahan si Felishia. I need an explanation why the hell she left me last night.

"Good morning po sir"

Bati nang maid nila pagkapasok ko.

"Si Felishia nandiyan ba?" Diretso kong tanong

"Ayy wala po si ma'am. Kanina pa umalis, nagmamadali nga eh"

"May sinabi ba siya kung nasan siya?"

"Naku wala po sir eh"

"Okay, sige. Where's tita?"

"Nasa kusina po nag breakfast. Tatawagin ko lang po"

Tumango lang ako sa maid at umupo sa sofa habang hinihintay si tita.

Talagang sinadya nang babaeng yun na umalis kanina para di ko maabutan ah

"Calixian"

Agad akong tumayo nang makita ko si tita.

"Good morning po"

"Good morning! Anong sadya mo? Si Felishia kasi umalis kanina pa" tita

"Actually siya nga po yung sadya ko. Do you know kung saan siya pwedeng makita? May itatanong lang po ako"

"Tungkol ba to sa nangyari kagabi? She looked so stressed kagabi. At wala sa mood"

"Well, uhm. There's something happened. Maybe that's the reason why she left me last night? I...I don't know I need her explanation"

"Okay, but wala siya dito, bumalik ka nalang mamaya baka uuwi rin yun" tita

"No, tita. I will find her. Alam niyo po ba kung saan ko siya pwedeng makita?"

I'm expecting an answer but tita give me a smile.

Oh I think I know what she's thinking about

"Ikaw ah, gusto mo anak ko noh? Di makapag antay eh. Atat na atat hijo?" Pang aasar niya

"Tita, I'm just looking for her because I need explanation. No feelings involved" I explained

"Sayang naman. Bagay pa naman kayo nang daughter ko"

Oh god!

"HAHAHA ito naman binibiro lang pero pag nagka gusto ka naman sa anak ko, wala namang problema sa akin yun. Kaso magkakaproblema sa kanya dahil---

"Tita, I really need to know where she is now"

Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga.

"Okay, wait tatawagan ko lang" she said.

Tumango ako at naghintay.

"I forgot, pinatat niya pala yung phone niya kagabi pa. Hanggang ngayon di parin matawagan" tita said.

"May iba pa po bang paraan? Like her friend's? Baka nandun siya ngayon sa kanila?"

Sound desperate but I really need an explanation. Di ako yung klase nang lalaking iiwan lang basta basta and Felishia is the only woman who did that to me kaya di ko talaga siya tatantanan.

"I'm calling one of her friend's mother. Baka nandun siya ngayon sa bahay nang kaibigan niya." Tita

"Okay tita"

"Kumain ka muna habang naghihintay tayo"

"Kumain na po ako. Salamat po"

"May sumagot na"

Umayos ako nang upo at pinakikinggan si tita na nakikipag usap sa phone.

"Hello good morning, is Felishia there?"

"Ah okay? Sige. No-no, di ko siya pinapa uwi. May naghahanap lang sa kanya. Pupunta rin diyan so, hayaan mo muna sila ni cass sa taas. Yes-yes. Thanks!"

She face me and smile

"I know where she is. Ite text ko sayo yung address."

"Thanks tita"

"You're welcome, ayaw mo talaga kumain?"

"Busog po talaga ako. At pupuntahan ko pa po si Felishia." Sabi ko

"Sige, pwede mo na siyang puntahan. Na I send ko na yung address" tita said

"Maraming Salamat po tita"

"Anything for my daughter's future boyfriend"

I just smile to her. At umalis na.

Pag nakita talaga kitang babae ka, malalagot ka talaga sa akin.

---
"SI CALIXIAN NASA LABAS!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Cassie.

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat

"Seryoso ka ba diyan? Nakita mo talaga?" Paninigurado ko

"Sinabi nang maid" cassie

"Naku Cassie ah, baka pinag titripan mo lang all. I swear--

"Tignan mo kaya sa labas para masiguro mo" Cassie.

"Eh ayaw ko siyang makita--

"Ma'am, excuse me po, may naghahanap po kay ma'am Felishia sa baba"

Napalunok ako nang sabihin yun nang isa sa maid nila Cassie.

Patay!

"Cassie naman, tulungan mo ko! Ayoko siya makita! Paano ba nakapunta dito yang lalaking yan?"

"Aba ewan ko. Siya tanongin mo sa baba. Tara samahan na kita" Cassie.

Huminga ako nang malalim.

Kaya mo yan Felishia, wag kang matatakot sa lalaking yun. Siya ang may atraso sayo, hindi ikaw!

"Ano kaya mo na?" Baba na tayo?" Cassie.

"Tara"

Lagot ka saking lalaki ka.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon