CHAPTER 44

290 9 7
                                    

Chapter 44
Hellianna Devillian Hertz

"Bakit niyo iyon ginawa?!" Agad kong saad ng lumapit sa akin si Ryn. Hinawakan at tinaas niya ang isa kong braso para alalayan ako sa pagtayo, tsaka niya nilagay ang kanyang ulo at hinawakan ako sa beywang bilang suporta.

"Wala na kaming choice! Are you expecting us to just watch you die?!" Galit na sigaw niya, kaya natahimik ako. Tama siya, dahil kung hindi nga talaga ako niligtas kanina hahayaan ko talaga si Megan na pugutin ang ulo ko, sa ilang taon ng buhay ko. Paghihiganti lang ang tanging dahilan kung bakit pa ako patuloy na nabubuhay at bakit patuloy akong lumalaban.

Ngunit sa labanan ito, bakit ako ang laging talo? Bakit ako ang laging nawawalan ng mahal sa buhay? Minsan tinatanong ko nalang ang sarili ko bakit ba naging ganto kalupit ang tadhana sa akin? Bakit kailangan niyang patayin ang buong pamilya ko at iwan akong buhay? Kung pwede namang pati ako sana ay pinatay nalang ren nila nung araw din'g iyon. Ano nga ba ang ginawa kong mali sa nakaraan kong buhay para parusahan ako ng ganto? Ayan ang mga tanong na pilit sumisiksik sa utak ko palagi.

Binuhay nga lang ba ako para magpalupitan ng tadhana? Binuhay lang ba ako para maghiganti? Para masaktan ng sobra? O para magdusa?

"Sa may Storage room dinala si Rose" natigilan ako sa pag-iisip at agad na napalingon kay Ryn, dahil sa kanyang sinabi. Si Rose.... Bakit nga ba nakalimutan ko na siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at kung bakit gustong mabuhay.

Sobrang sakit man ng katawan. Agad akong napatakbo papunta sa storage room. Sa sobrang takot na aking nararamdaman. Takot na ngayon ko na lang muli naranasan. Takot na baka mahuli ako, takot na baka wala na akong maabutan pa. Hindi ko kakayanin ang mawalan pa ng isa pang mahalaga sa buhay ko.  Hindi ko kakayanin kapag nawala si Rose dahil sa kapabayaan ko. Hindi, hindi pwede.

Napahinto ako sa pagtakbo ng maabutan ko ang napakaraming lalaki na nakaitim, na nakaharang sa daan papuntang storage room. Napalingon ako kay Ryn, hinawakan niya ako sa balikat at tumango.

"Kakalabin ko sila, at ikaw humanap ka ng lulusutan para makapasok sa loob" saad niya

"Hindi pwede! Can't you see? Masyado silang marami! I won't leave you!" Ngumiti siya sa akin at umiling.

"Kailangan ka ni Rose sa loob" yun lang ang sinagot niya, pero sobra akong natigilan. Si Rose hindi siya marunong lumaban, kailangan niya ako. Ngunit hindi ko kayang iwan si Ryn! Maraming armas na dala ang mga lalaki habang siya, Isang bow at arrow lang ang sandata...

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong itulak, tumingin siya sa akin at tumango bago sinugod ang mga lalaki, pilit niyang sinasangga at pinipigilan ang mga lalaking pupunta sa direksyon ko na gusto akong pigilan ako.

Mabilis akong lumapit para nakipagsuntukan. Nang sinugod sa akin ang isa, ay agad akong umupo at pinatid siya gamit ang isang paa, tsaka ko sinipa pataas ang baril na hawak niya agad ko itong sinalo at binaril siya sa ulo. Lumingon ako kay Ryn at binaril sa ulo ang ibang lalaki na nasa likod ni Ryn tsaka ako pumulot ng isa pang baril. Bago tumakbo papalapit sa storage room.

Sarado ang pinto, wala akong ibang daan o butas na mapapasukan kaya wala akong choice, iisa lang ang nakikita kong paraan para makapasok sa loob. Ang bintana...

Ilang ulit akong huminga ng malalim. Bago humakbang paatras, limang hakbang paatras ang aking ginawa para makakuha ng bwelo. Tsaka ko mabilis na tinakbo ang bintana dahilan para mabasag ito at makapasok ako sa loob.

Ramdam ko ang pangmamanhid at panghihina ng aking katawan dahil bugbog na bugbog na ang buo kong katawan. Napaupo ako dahil sa panginginig ng aking tuhod, mabilis ren ang aking paghinga dahil para akong kinakapusan ng hininga sa sobrang pagod at panghihina na aking nararamdaman. Na para bang ano mang oras ay bibigay na ang aking katawan at mawawalan ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Cold Nerd Is The Gangster Queen [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon