. . . ⇢ 12 ˎˊ˗

266 13 12
                                    

"you won't give them naman ng parusa, di'ba?"

nakasandal si cyril sa balikat ni jake habang nakaupo sila sa buhanginan, nakaharap sa dagat at nasa kalangitan ang tingin. palubog na ang araw at nandito sila para panoorin iyon.

jake just chuckles. "i won't, of course. pero kasi nakakainis lang na pinapanood nila tayo mag-loving dovey kanina."

tumango lang si cyril. to be honest, hiyang-hiya siya nang nalaman niya na may nanonood sa kanila. of course, lahat naman tayo ay kailangan may privacy. pero imbis na makaramdam ng inis ay hiya ang naramdaman ni cyril.

"cyril?"

"hmm?"

"you know i will do everything for you, right?"

cyril's eyes softens, kinuha niya ang kamay ni jake at mahigpit 'yong hinawakan. "i know, that's why i know i'm safe whenever i'm with you." she said while smiling.

napangiti lang si jake pero agad din 'yong naglaho dahilan para makaramdam ng pangamba ang dalaga. narinig niya pa itong bumuntong hininga at saka ibinaling ang tingin sa iba.

"tita sylvia called me, kaninang umaga lang."

nakatitig lang si cyril kay jake at may parte sa kanya na kinakabahan sa susunod nitong sasabihin pero pinilit niya pa ring panatilihin ang ngiti sa kanyang labi.

"wha.. what did she say?"

humarap si jake kay cyril, mga mata'y malungkot. "gusto niya rin gawin natin ang sinabi ni dad."

-♡️-

gabi na at malamig na ang simoy ng hangin ngunit parang wala lang ito para kay julie na nakasuot ng sando habang nasa balcony ng hotel nakatambay. maaga pa naman at hindi pa ganun kalalim ang gabi kung kaya't ang mga kasama niya ay nasa baba kaya siya lang nasa taas.

gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang maalala niya ang itsura ni heeseung nang hindi niya ito kausapin after ng truth or dare na naganap. at 'yung about sa chat nila? sinadya niya 'yon para asarin si heeseung.

of course, she loves heeseung so much. hindi nga ma-imagine ni julie kung wala si heeseung sa tabi niya at hindi niya rin naman gugustuhin na mawala si heeseung sa piling niya.

pero alam niya rin kung gaano kalupit ang mundo at hindi talaga imposibleng mangyari ang mga sinabi niya— hindi imposibleng maghiwalay sila. baka kinabukasan masaya pa sila pero sa susunod hindi na. who knows?

life is full of surprises. dagdagan mo pa na napakagago ng mundo natin at hindi natin malalaman kung ano ang mga naghihintay sa atin kinabukasan. hindi mo alam, last day mo na pala bukas.

kaya minsan natatakot na si julie gumising. natatakot siya sa bawat paglubog at pagsikat ng araw dahil baka isang araw, masurpresa na lang siya sa isang insidente na alam niyang ikakabagsak niya.

"no. now, could you please stop calling me? please, i'm begging. hindi po ako uuwi diyan, hindi ko na siya muling iiwan."

nabalik sa sarili si julie nang marinig niya ang boses na 'yon. mahina pero madiin. napatingin siya sa may sulok at nakita ang isang babaeng nakatalikod mula sa kanya.

madilim na dahil gabi na kaya hindi na maaninag ni julie kung sino ang babaeng ito. ganun pa man, nakikilala ni julie kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

"charlotte."

"gah– aaaaaaaa! sino ka!? sino ka!?" gulat nitong sigaw.

"hindi ako sinuka, nilabas ako sa puday ng nanay ko." walang emosyong sagot ni julie.

saglit na natahimik si charlotte saka dahan-dahan humakbang palapit kay julie hanggang sa maaninag niya na ang mukha nito. "omg, julie!? hala, sorry sa pagsigaw. ikaw kasi!"

"i don't mind. pero anong ginagawa mo diyan sa sulok?" tanong ni julie.

"eh ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong ni charlotte sa kanya.

"nagpapahangin ako, ikaw?"

hindi nakasagot si charlotte at napansin ni julie ang pag-iwas nito ng tingin. doon pa lang, alam na ni julie na may mali. especially sa mga narinig niya kanina mula kay charlotte.

"w-well.. ano pa bang ginagawa sa balcony? edi nagpapahangin din, haha." saad ni charlotte at mahina pang tumawa.

tumango lang si julie at ibinaling ang tingin sa unahan. nasa pangalawa sa taas ang hotel room nila kaya mula sa balcony nila ay kitang-kita ang lawak ng en-connect island— maliban na lang sa dulo kung nasaan ang love light.

lihim namang napabuntong hininga si charlotte at magsasalita pa sana nang pangunahan siya ni julie. "i'm not good at giving some advices, pero pwede akong makinig kung ano man 'yan."

napakunot ang noo ni charlotte pero agad din siyang napanganga nang marealize ang pinupunto ni julie. "w-w-what do you mean?"

"charlotte—" natigilan si julie at napailing-iling na lang. "nevermind. sige, bababa muna ako."

pagkatapos non ay nagsimulang humakbang palayo si julie mula kay charlotte na naiwang tulala pero agad din niyang sinundan ng tingin ang dalaga. nang mawala sa paningin niya si julie ay napapikit na lang si charlotte at napabuntong hininga.

-♡️-

julie
@liekim

charlotte
you heard everything right?

julie
just the last one you said, the rest hindi ko narinig

charlotte
julie..

julie
don't worry hindi ako magsasalita dahil wala ako sa posisyon para gawin yon

julie
wala din akong karapatan na pilitin ka magsalita kaya maghihintay kami hanggang sa handa ka na

julie
at alam ko rin na siya ang tinutukoy mo sa sinabi mo

charlotte
julie im not okay

julie
halata naman

charlotte
HALATA!?

charlotte
OMG SA TINGIN MO NAHALATA NIYA RIN?

julie
my brother isn't a numb, for sure alam niyang may gumugulo sayo at hindi ka okay pero hindi siya nagsasalita dahil hinihintay niyang ikaw mismo ang magsabi non sa kanya

charlotte
oh..

julie
pero naiintindihan ko kung bakit hindi mo masabi sa kanya agad

julie
pero sana bago ka gumawa ng hakbang na alam mong masasaktan siya ay napaliwanag mo ng maayos ang side mo

charlotte
hindi ka magagalit sa akin kahit masaktan ko siya ulit?

julie
sasama ang loob ko, oo

julie
pero anong magagawa ko? wala

julie
at hindi ko rin alam lahat ng tungkol sa inyo kaya wala akong karapatan na husgahan ka kung sakali man masaktan mo ulit ang kapatid ko

julie
pero sana ipaliwanag mo ang lahat at wag lang maglalaho bigla

julie
after all, lahat ng tao may rason kung bakit nila nagagawa ang mga bagay-bagay

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon