. . . ⇢ 13 ˎˊ˗

248 13 6
                                    

"so, any news doon sa audition ninyo?"

agad nag-angat ng tingin si francine nang marinig niya iyon mula kay heeseung. nakatingin ito sa direksyon ng tatlo; sunoo, jungwon at ni-ki. napatingin naman sina jungwon at ni-ki kay heeseung samantalang si sunoo ay napanguso naman.

"ano 'yon? ba't hindi ko alam 'yan?" ani sunoo at nagtatampong napatingin kila jungwon at ni-ki.

"hindi naman lahat kailangan malaman mo." sagot ni jungwon at agad naman siyang nahampas ni sunoo sa balikat.

"gaga ka talaga. pero seryoso, ano nga 'yon?"

"ano ba sa tingin mo ang nangyayari kapag naga-audition?" saad ni ni-ki kay sunoo.

"uhm.. nagp-perform para makita kung karapat-dapat kang makapasa o hindi..?" sagot ni sunoo at inirapan lang siya ni jungwon. "yah! tama naman di'ba?"

walang pumansin kay sunoo at bumaling na lamang ulit kay heeseung na kanina pa naghihintay ng sagot. "wala pa kaming natatanggap na resulta." sagot ni jungwon.

"siguro matagal pa bago malaman ang resulta, ang dami kasing nag-audition." dagdag pa ni ni-ki.

"wait.. wait, kasama si jungwon na nag-audition?" sabat ni francine dahilan para matahimik sila.

jungwon awkwardly let out a laugh and francine just waiting for their answer, specifically— to jungwon's answer. "uhm.. yes? nakalimutan ko sabihin sa'yo kasi noong araw na 'yon busy ka.."

"oh?" nasabi na lang ni francine.

"pero hindi ko naman talaga gusto mag-audition, sinamahan ko lang si ni-ki kasi pabebe pa. gusto niya pa na samahan ko daw siya para hindi siya nag-iisa at may karamay." explain ni jungwon na ikinatango naman ni ni-ki.

"totoo 'yon. pinilit ko lang siya, hehe." napakamot pa sa ulo si ni-ki.

napanguso lang si francine pero agad ding gumuhit ang ngiti sa labi niya at saka pumalakpak. "oh well, sana makapasa kayo!"

napangiti lang si ni-ki at napatango naman si sunoo at heeseung habang si jungwon ay napatitig na lamang kay francine. nagkatinginan silang dalawa kaya ngumiti lang si jungwon pero pilit.

"pero maiba tayo." tumikhim pa si heeseung at seryosong tumingin kay ni-ki. "talaga pa lang ipagpapatuloy mo ang kagustuhan mong maging solo dancer?"

"hindi naman 'yon nawala sa isipan ko.." sagot ni ni-ki. "pero imbis na umalis ng bansa after graduation, pinili ko na dito na lang ipagpatuloy ang pangarap ko. after all, may mga magagandang agencies naman dito."

"ooohhh~ i wonder kung bakit nag-iba isipan mo na dito na lang ipagpatuloy 'yan." makahulugang usal ni sunoo.

"it's because of my parents, hyung."

napangisi lang si sunoo. "i see."

"saka wala namang ibang rason di'ba? kahit dito ako manatili, hindi ko naman siya makikita. ni-hindi ko nga alam kung nasaan siya eh." ani ni-ki at napabuntong hininga.

"okay! what if lumabas muna tayo ng hotel 'no? para ano pa't nagbakasyon tayo kung mananatili lang tayo sa hotel." pag-iiba ni jungwon na ikinatango naman ni heeseung at tumayo.

"jungwon is right. saka may bonfire party na magaganap mamayang 11 pm, doon ulit sa pwesto natin sa tabing-dagat." saad ni heeseung na ikina-excite naman ni francine.

"what do you mean may bonfire party mamaya!? aaaaaccccckkkkk, wait wait maghahanap ako ng swimsuit—"

"swimsuit?" putol ni jungwon kay francine, nakakunot ang noo nito.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon