MVEN-7

154 127 35
                                    

"Belle!" Tawag ni Dave sa'kin.

Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon habang nag-iimagine nang mga bagay-bagay katulad nang, what if gusto ako ni Chris pagkatapos liligawan niya ako, siguro oo agad ang isasagot ko. Marupok kasi ako.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya at tinitigan lang siya.

"Sabado naman bukas, movie marathon tayo," pagsuggest niya na ikinatuwa ko.

"Wait. Sandali. Saglit lang. Di pa ako nakaagdinner," saad ko.

"Ako nang bahala sa dinner," saad niya kaya agad akong tumayo sa kama at inipit ang buhok.

Nakapantulog na ako ngayon, nakapajama at t-shirt lang ako.

"Anak saan ka pupunta, kumain ka muna," saad ni papa nang makita akong nagmamadaling bumaba nang hagdan.

"Kina Dave lang po ako, at doon nalang po ako kakain," saad ko at tumango lang siya as a sign na pinayagan niya ako.

Palagi naman nila akong pinapayagan na pumunta kina David kasi magkapitbahay lang naman kami.

Dali-dali na akong lumabas nang bahay at naglakad papunta sa bahay nila Dave.

"Hi po, Tita!" Masayang bati ko kay tita Agnes.

"Oh, Belle! Naku, manonood na naman kayo no? Doon si Dave sa kwarto niya," saad ni tita Agnes pagkatapos akong halikan sa noo.

Seaman ang tatay ni Dave samantalang nurse naman si tita Agnes, at only child lang si David.

Agad akong umakyat sa kwarto niya, hindi na ako kumatok at diretso nang pumasok sa kwarto niya.

"Dave!" Excited na saad ko.

"Bobo ka!" Gulat na sigaw niya habang nakaupo sa sofa.

Nakasuot siya nang shorts at t-shirt lang din. Pero infairness sa kaniya ang gwapo niya today.

"Dali na. Ano na yung movie!" Excited na sabi ko.

"Sandali lang," saad niya at may tinignan sa laptop niya.

Tumabi ako sa kaniya at tinignan lang ang ginagawa niya sa laptop niya.

Pagkatapos nang ilang minuto ay nagsimula na ang movie kaya focus na focus akong nanood.

"Bakit?" Tanong ko kay David nang maramdaman na kanina niya pa ako tinitignan.

"Hindi ka pa nakakain diba?" Tanong niya at biglang tumayo.

Ay hala oo nga! Di pa pala ako nakakain!

"Lutuan mo nalang ako nang noodles at samahan mo narin nang kanin, Thank you!" Sigaw ko sa kaniya dahil nakalabas na siya nang kwarto.

"Anong akala mo sa'kin chef?" Bumalik pa talaga siya para sabihin lang yan.

Pinause ko muna ang movie para hintayin siya. Magagalit kasi yun dahil baka mamaya hindi ko na mapigilan ang bibig ko at ispoil sa kaniya ang scenario.

Tumayo ako at tinignan ang mga litrato sa buong kwarto niya. Nakadikit sa may wall niya ang family picture nila. Sa may side table niya makikita mo ang picture  noong baby palang kaming dalawa, at picture niya. Sa may study desk niya makikita mo ang picture ko na hiningi niya sa'kin, it was taken first year highschool kami during our career day. I was wearing a doctor attire, at may stethoscope sa may leeg ko. Sa may kaliwang side naman nang table niya ay ang picture naming dalawa during that career day, both of us are wearing doctor attire.

Something caught my attention. It's a letter for someone, hindi ko alam kung kanino niya yon ibibigay, titignan ko na sana ang letter nang bigla siyang dumating.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon