#1

642 41 3
                                    

Sela's Pov

Its been 17 years simula nung mapadpad kami dito sa kalupaan masaya naman ang pamamalagi naming mga immortal dito , nanahimik yung buhay naming lahat simula nung lisanin namin ang Garnett.

Yung Garnett ayun yung tirahan namin dati , masaya at tahimik din ang pamumuhay naming mga immortal doon ngunit dahil sa inggit na naramdaman ng Kampo ng mga Trinidad ay nag ka watak watak ang mga sangunian.

Pero ang kasintahan kong si abelaine ay tumiwalag sa grupo na pinamumunuan ng kanyang ama at sumama sa grupo namin , na siyang ikinagalit ng kanyang ama.

At dahil doon lumaganap ang mga pamamaslang ng mga kabilang grupo sa aming grupo na sanhi ng mga pagkamatay ng mga inosente at walang kamuwang muwang na mga batang immortal.

Wala kaming kalaban laban sa kanila sapagkat napakalakas ng kampo nila at sanay na sa mga labanan.

Ngunit dahil nga kasama ko si abelaine sa pakikipagbakbakan ay napigilan namin ang mga masasamang immortal.

Kinitilan din namin sila ng buhay bilang ganti sa mga ginawa nila sa mga kawani ng grupo namin at sa mga anak nila.

"Marsela! Marsela! Marsela!" Napabalik naman ako sa wisyo dahil sa sunod sunod na tawag sa akin ni gia , di ko naman mapigilang di maluha dahil sobrang namimiss ko na si abby.

"Oh bakit gia? Ang aga aga ang ingay mo! Ano bang kailangan mo at bakit ka na naman nandito sa room ko?" Singhal ko sa kanya nag uumagahan kasi ako ngayon at naka uniform na tapos siya hindi pa nakabihis.

Argh kakagising lang ata niya for sure malilate na naman siya sa school mamaya at papagalitan na naman ni Mr. Warren na professor namin sa Harvard University dito sa States.

"Ah ano kasi mars-- pwede bang tulungan mo akong ayusin tong presentation ko para mamaya? Di ko pa kasi natatapos hanggang ngayon----" hay nako talaga gia simpleng gawain lang sa school hindi mo pa matapos tapos.

"Oo na gia! Ako na magtatapos niyan bilisan mo nang maligo at mag ayos baka malate ka na naman sa klase! Argh kung ano ano kasi inaatupag mo eh kaya di mo to natapos kagabi" singhal ko ulit sa kanya napa peace sign nalang siya at lumabas na ng kwarto ko.

Nasa iisang bahay lang kasi kami ng tinutuluyan ni Gia at Rans , speaking of rans nasaan na kaya yung babaeng yun? Tulog pa ata yun hanggang ngayon mapuntahan nga muna.

Lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kwarto ni Rans , kumatok muna ako syempre and then ipinihit ko na yung door knob.

Bukas naman iyun kaya agad na akong pumasok ng kwarto niya , di ko naman siya nakita dito at nakaligpit na rin yung higaan niya.

Sinilip ko na rin siya sa may loob ng cr pero wala siya di kaya'y nauna na siyang pumasok sa amin ni Gia? Pero imposible naman yun? Dahil never naman kaming iniwan ni rans dito sa bahay ng di nagpapaalam.

Nilibot ko muli yung paningin ko dito sa bahay namin , hays tanungin ko na ngalang si Gia mamaya pag nakalabas na siya ng banyo.

Nagtungo na ako sa may kwarto ko at tinapos ko na yung presentation ni Gia para sa reporting niya mamaya sa classroom , inoff ko na yung laptop niya and then niligpit ko na yung pinagkainan ko.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now