Chapter 4

22K 461 21
                                    

MASAYANG nilalaro ni Zane si Zaiel, Ang pomerian puppy na regalo sa kaniya ni Sir Zyair.

Di tulad kanina na takot siya ay ngayon ay tinuturuan niya na ito kung pano mag shakehands at nakakatuwa dahil nakukuha naman ni Zaiel ang itinuturo ng bata.

Ang pangalang Zaiel ay ang pangalan ni Zane na Zane Aziel,siya ang nagsabi na iyon ang ipangalan.

"Momma i think Zaiel is hungry na po."sabi ni Zane na lumapit sa akin.

"Why baby?"tanong ko naman.

"Kasi hindi na po siya peplay sakin quiet nalang siya."malungkot na wika ni Zane.

Natatawang kinurot ko ang pisngi niya dahil nakapout pa ito at talaga namang sobrang cute.

Wala naman siyang naging reaksyon kaya kinuha ko na si Zaiel upang mapakain gaya ng gusto niya.

Dahil wala pang pagkain ang pwede dito maliban sa gatas ay iyon nalang ang ipinainom ko dito tutal ay puppy palang naman.

Buti na lamang ay ininom niya ito at lalo pa akong natuwa ng maubos niya ito.

Pati si Zane ay tuwang tuwa pero pagkatapos ubusin ni Zaiel ang gatas at nahiga na ito at pumikit.

Mukhang inaantok na matagal tagal na kasi silang naglalaro ni Zane at baka pagod na talaga ito.

Malungkot namang tumingin sa akin si Zane dahil tulog na ang kalaro niya kaya itinaas ko ang kamay hudyat na bubuhatin ko siya.

Nagpabuhat naman siya sa akin at malungkot na isinandal ang ulo sa aking balikat.

Sinabihan ko naman ito na mamaya nalang sila maglaro ni Zaiel pero hindi ito sumagot.

Ganun lang siya hanggang bumaba ang kaniyang ama galing sa opisina nito sa bahay.

May tinapos lang daw ito kaya hindi agad ito nakapaglaro sa anak.

Nagulat ito ng makita niyang buhat ko si Zane at nakalagay ang ulo sa aking balikat,malungkot.

"Anong nangyari?"baritonong tanong ni sir Zyair at mukhang narinig iyon ni Zane at tumingin sa ama.

Nagulat pa ako ng inaabot nito ang kamay at maging si Sir ay nagulat kaya binuhat niya nalang ito.

"Did you hurt my son?"seryosong tanong ni sir na nagpalaki sa aking mga mata.

"Naku sir hindi po! hinding hindi ko sasaktan si Zane,malungkot lang po talaga siya dahil natulog ang binigay ninyong aso."paliwanag ko agad.

"Is that true Zane?"tanong pa ni sir sa anak at tumango naman ito.

Napabuntong hininga naman si sir na parang nakahinga ng maluwag dahil hindi ko sinaktan ang bata.

"Zane,listen of course your dog will get tired,so let him sleep and you,you can play with your nanny so don't be sad na."sabi nito sa anak.

"Okay,daddy."malungkot pa ding sagot ni Zane sa ama.

Kaya naman binigay niya na ito sa akin at naglaro na kami pero mapapansing walang kasigla sigla ito.

Kaya naman naisip kong tignan ang aso kung gising na at luckily gising na ito at dahil nga gising na ito ay kinuha ko na ito para makalaro na ni Zane.

Itutuloy.
❄️
Short update cause may prob ako hehe.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon