. . . ⇢ 15 ˎˊ˗

229 12 12
                                    

"sunghoon?"

dahan-dahang iminulat ni sunghoon ang mga mata niya at nang makita niya sa harapan niya si charlotte ay agad siyang napabangon at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

"sung- b-bakit ka umiiyak?" natigilan si charlotte nang makita niyang may tumulong luha mula sa mga mata ni sunghoon.

sunghoon didn't answer, he just pulled charlotte closer to him and hugged her again. nagtataka man ay hindi na muling nagtanong si charlotte at niyakap na lang pabalik si sunghoon.

at alam ni charlotte na umiiyak pa rin ito dahil nararamdaman niya ang pagtulo ng luha nito sa kanyang balikat. pero ang hindi niya maintindihan ay bakit biglaan naging ganito si sunghoon?

wait, nanaginip ba siya?

"sung-"

"are you planning to leave me again?"

doon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni charlotte. napaawang ang labi niya dahil hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni sunghoon. ganun pa man ay naramdaman niya din ang pagkirot ng dibdib niya.

"sunghoon.."

sunghoon pulled away, he stared at her and sadness can be seen in his eyes. "tell me, uuwi ka ulit ng canada.. right?" hindi agad nakasagot si charlotte at nanatili lang nakatitig sa mga mata nito.

"cupcake.. hindi mo na kailangan itago pa sa akin dahil mismong mom mo na ang tumawag sa akin at sinabi sa akin ang lahat."

"w-wha.." bahagyang nagulat si charlotte sa kanyang mga narinig.

sunghoon held her hands tightly, still looking directly into her eyes. "go.."

isang salita lang ang pinakawalan ni sunghoon pero pakiramdam ni charlotte libo-libong karayom ang tumusok sa dibdib niya. hindi niya na rin napigilan at sunod-sunod nagsibagsakan ang mga luha sa kanyang pisngi.

inangat ni sunghoon ang isang kamay ni charlotte at hinalikan ang likod ng palad niya ng madiin. dahil doon ay mas lalong naiyak si charlotte, hindi niya inaasahan na sasabihin 'yon ni sunghoon.

"p-p-pinapaalis mo ba 'ko?" halos mapiyok na si charlotte nang sabihin niya ang katagang 'yon.

"gusto lang ng mom at dad mo na mabigyan ka ng magandang kinabukasan kaya gusto nilang doon ka mag-college sa canada at 'yon din ang gusto ko para sa'yo kaya okay lang sa akin kahit iwanan mo 'ko ulit." lintanya ni sunghoon.

"pero hindi 'yon nangangahulugan na tapos na din tayo." dagdag niya pa.

dahil doon ay parang nabunutan ng malaking tinik ang lalamunan ni charlotte. agad niyang niyakap si sunghoon ng mahigpit, walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya pero nandoon na ang ngiti sa kanyang labi.

iyon lang naman ang gustong marinig ni charlotte, ang hindi sila maghiwalay kahit nasaan man siya ng sulok ng mundo. akala niya kasi, ang pagbalik niya sa canada ang muling tatapos sa kung anong meron man sila ni sunghoon.

but she was wrong.

"sunghoon.. i love you so much." iyon lang ang lumabas sa bibig niya kahit ang dami niyang gustong sabihin.

sunghoon just smiled softly. "i love you too, cupcake and remember that there will always be room for your hand in mine."

napangiti lang si charlotte at saka humiwalay mula sa yakap. pero agad din siyang napapikit. naramdaman ang isang luhang pumatak sa kanyang pisngi nang maramdaman niya ang madiin na halik ni sunghoon sa kanyang noo.

matapos non ay napagdesisyunan na nilang muling matulog habang nakakulong sa bisig ng isa't-isa. nasa gilid pa rin sila ng dagat at nagpapasalamat silang walang nagising sa mga kasama nila.

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon