#3

255 25 0
                                    

Sela's Pov

"Mars? May sasabihin sana ako sainyong dalawa ngayon , gia lumapit kana muna dito!" Tawag ni rans kay gia nandito naman na ako sa may tabi niya at kasalukuyang nanunuod ng favorite movie ko na stranger things sa tv.

"Saglit lang! Ano ba yun mukhang seryoso ka ah! Di bagay sayo rans mukha kang kengkoy ngayon hahaha!" Pang aasar pa ni gia kay rans isang batok naman ang natanggap ni gia kay rans ng makalapit ito sa kanya.

"Dami mong dama gia! Anyway mars diba umuwi ako kanina ng bahay dahil gusto akong kausapin ni dad?" Napatingin naman kaming dalawa sa kanya at nako curious na kung ano ang pinag usapan nilang mag ama.

"Yeah sayang nga at hindi ka nakapasok kanina andami pa namang poging rookie sa basketball club! Argh minamanifest ko na maging kami ni Gelo!" Medyo kinikilig na sabi ni gia pagdating talaga sa mga lalaki ang harot ng babaeng to.

"Hay nako gia patapusin mo nalang muna kaya si rans sa pagsasalita then mamaya kana sumingit okay?" Medyo iritang sabi ko napatakip nalang ng bibig si gia at nag peace sign sa akin.

"So ano na nga rans? Ituloy mo na yung kwento mo" sabi ni gia medyo napayuko naman si rans bakit mukhang malungkot siya?

"Ah so ayun na nga sabi ni dad need na daw namin bumalik sa pilipinas at doon na tapusin yung pag aaral ko ngayong year , so bali mapapahiwalay ako sa inyo at bukas na ang alis namin" nanlaki naman ang mata naming dalawa ni gia dahil sa sinabi ni rans , ano babalik ng pilipinas?

"What! Biglaan naman ata? Bakit bukas agad? At tsaka hindi ka namin masusundan doon rans alam mo naman na hindi kami okay ni dad pati din itong si sela" malungkot na sabi ni gia , hindi nga kami okay ni daddy kasi nga hindi ako pumayag na ikasal kay Jl na gusto niyang ipakasal sa akin.

Loyal kaya ako kay abelaine kahit wala akong kasiguraduhan kung buhay pa ba siya ay hindi pa rin iyun dahilan para palitan ko siya dito sa puso ko.

Tungkol naman kay gia hindi nga gusto ng daddy niya na sumama siya sa akin dito sa states ngunit tumakas siya para masamahan ako dito nung lumayas ako.

"Yeah i know sela at gia malungkot man pero kailangan kong sumunod sa gusto ni daddy pero pangako dadalaw ako dito every end of semester or pwede din kayo nalang , like gamitin mo yung teleport mo gia" masayang sabi niya pero kita sa mga mata niya yung lungkot.

Hanggang ngayon kinokontrol parin kami ng mga parents namin , argh nakakainis silang lahat! Bakit ba hindi nalang nila kami hayaan sa gusto naming gawin?

Matanda na kami at alam na namin yung ginagawa namin, hays bakit ba hindi nila maintindihan yun?

"Alam mo namang hindi maaari yun rans , dahil malaki ang kaparusahan nun kapag nalaman ni san pedro at amang tonyo na ginagamit parin natin yung kapangyarihang taglay natin" napangiti nalang ng mapait si rans at hinawakan ko naman ang balikat niya.

Alam kong hindi niya gustong mapalayo sa amin ni gia at naiinis ako ngayon sa part na baka maging sunod sunoran na naman siya sa daddy niya.

"Wag kang mag alala rans pag naging okay na ang sitwasyon namin sa pagitan ng parents namin ay susunod kami agad doon sa pilipinas , alam ko naman na mamimiss mo yung kagandahan ko eh!" Akala ko pa naman seryoso na yung sinasabi niya , may dala parin talaga siyang kalokohan.

"Ang kapal mo gia! Si sela siguro mamimiss ko pa pero ikaw nevermind, Waahh! Kadiri ka giaaa!!!! Lumayo layo ka nga sa akin!" Natawa naman ako ng biglang halikan ni gia si rans , kahit kailan talaga tong si gia di na matapos tapos sa kalokohan niya.

"Kunwari ka pa rans! Sa ganda kong to nandidiri ka? Aba aba mag pa check up kana nanlalabo na ata mga mata mo" may walis naman na lumilipad sa ngayon at mukhang may magaganap na namang world war 3 sa pagitan nila.

"Rans ang mabuti pa magpahinga kana ngayon dahil mukhang maaga pa yung byahe mo pauwing bahay niyo bukas" saad ko sa kanya at ibinaba niya na yung walis na panghampas niya for sure kay gia.

"Sige mabuti pa nga na matulog na ako at baka may masaktan pa ako bago ako tuluyang umuwi ng pilipinas" huling sabi niya bago pumasok ng kanyang kwarto itong si gia naman panay tawa dahil effective yung pang iinis niya kay rans.

"Papasok na rin ako ng kwarto gia , madami pa akong gagawing report para bukas ikaw din gawin mo na rin yung mga projects and assignment natin habang maaga pa" sabi ko sa kanya bago pumasok sa kwarto ko , medyo nalungkot naman ako sa sinabi ni rans kanina.

Feeling ko may ipapagawa si dad sa daddy ni rans or mismong sa kanya at aalamin ko iyun kung tama man tong hinala ko.

Argh! Tama na nga yang pag ooverthink sela for sure kung may ipapagawa man si daddy kay rans ay sasabihin niya iyun agad sa akin.

Makagawa na nga lang ng mga dapat kong gawin , naupo na ako sa may upuan at kaharap ko na naman ang laptop ko upang gumawa ng Powerpoint presentation.

Kinabukasan

"Mars! Mag iingat ka doon ah , mamimiss ko yung pagiging pikunin mo at yung luto mo! Pati yung pag dideny mo na hindi ako maganda , mamimiss ko ding asarin ka!" Sabi ni gia at niyakap na si rans kinurot naman siya nito dahil hanggang ngayon nang aasar pa rin.

"Oo nga mars ingat ka at have a safe flight mamaya tawagan mo agad kami kapag nakarating kana sa bahay niyo at sa pilipinas , kapag nagtanong si dad tungkol sa akin alam mo na yung isasagot mo ah" medyo malungkot na sabi ko sabay yakap din sa kanya , bali naka group hug kami ngayon.

"Mag iingat ako doon kayo din ha! Pangako ko lagi akong tatawag sa inyo at ia update kayo sa mga ginagawa ko , o siya aalis na ako at hinihintay na ako ni mom sa bahay ngayon" napakalas nalang kami ni gia sa pagkakayakap kay rans at nginitian siya bago siya pumasok ng kanyang sasakyan.

Pinaandar niya na iyon at umalis na , tinapik ko na rin si gia na kailangan na rin naming umalis ngayon dito sa bahay upang magtungo sa school dahil maaga pa ang pasok namin.

Maya maya ay nakadating na kami sa classroom at bumungad naman sa harapan ko ngayon si Justin na matagal ng nagbabalak na ligawan ako ngunit tinatanggihan ko.

My heart only belongs to Abelaine Trinidad ayan yung laging tumatak sa isipan ko sa tuwing may lumalapit sa akin at nag coconfessed ng nararamdaman nila at nagbibigay ng kuno ano ano like flowers and chocolates.

"Hi good morning to the most beautiful girl in the campus , flowers for you marsela" abot langit na ngiti niya sabay abot sa akin ng bulaklak , hmp pogi naman si justin pero hindi ko talaga siya type eh

"No thanks justin and please stop giving me flowers? Or anything because i won't accept it , anyway can you move aside so that i can enter the classroom?" Masungit na sambit ko sa kanya siniko naman ako ni gia ngunit dumiretso na ako papasok ng room.

"Im sorry for sela's behavior justin , but she's already taken so you're charm and efforts won't matter to her , anyway a lot of girls here does like you so don't waste your time anymore to marsela because you really deserved to be love also" abay nag advice pa nga , love guru kana ba gia? Ngayon ko lang nalaman na expert ka pala ah.

Lumapit na ito sa akin at umupo sa may tabi ko habang si justin nakatayo parin doon sa may pintuan na parang nawala sa sarili niya.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now