022 - LIE DETECTOR (0.2)

1K 54 1
                                    

It was Sienna's turn to ask but she was just standing awkwardly in front of the people. Kaharap niya ngayon si Purple at nagsimula na siyang magtanong.

"Bakit yung pangalan mo ay ka-kulay din ng buhok mo?"

"Kasi ito iyon." Madami ding atensyon na nakatitig kay Purple dahil curious din sila sa isasagot nito. Ang buhok niya kasi ay mismong implikasyon ng kanyang pagkatao.

"Nagpa-parlor kami ni Ate, tapos sabi ko gusto ko magpakulay. Dapat Violet color tapos yung bakla na nagkulay sakin medyo bingi ata or color blind. Pero hayaan niyo na, nangyari na eh saka wala kaming magagawa. Bakit? Hindi ba bagay yung buhok ko saakin?"

"Bagay naman." Sienna stated.

"Hindi." sabat ni Bea at nagkatitigan ang dalawang dalaga. "Well, hindi naman talaga mukhang bagay sa paningin ko duh." She rolled her eyes saka kinuha ang stick mula kay Purple.

"Go, ano itatanong mo saakin?"

"Bakit ang kapal mo maglagay ng make-up?"

"Bakit? Nakakapangit ba kung sobra ako maglagay ng make-up?"

"Oo." mabilis na sagutan ni Sienna saka ni Purple. Bea sighed and politely slapped her cheeks using her left hand.

"Wala akong in-apply na masyadong make-up ngayon. Naka pulbo lang ako, foundation, mascara, eyeliner, blush on saka lipbalm. Isa pa, mama buys me a lot of make-up. Kung mayroong gamit dapat gamitin, huwag itambak kasi baka masayang."

Lumipat na si Sienna sa kabilang panig dahil sinadya niya talaga magtanong ng nonsense questions kay Beatrice at Purple. Dahil parehas naman sila nagsasabi ng totoo, mukhang mananalo sila sa palaro. The mechanics once stated that the loser is the one who lied the most.

"Are we friends now?" tinutukoy ni Sienna kung anong trato pa din ang pagtinggin ni Asteria sa kanya. Napabuntong hininga si Shania saka nagbigay ng salita–

"Paumanhin, sa umpisa binabalak lang talaga kitang gamitin at pag wala ka nang saysay ay iaabandona kita na parang gamit. Pero ngayon, nadiskubre ko sa mismong sarili na hindi naman masama kung magkakaroon ako ng totoong kaibigan. So yes, we are friends." umilaw ang lie detector na blue at ang ibig sabihin nun ay walang halong pagsisinungaling ang sinabi ni Asteria kay Sienna.

"I'm glad to hear that." pumunta si Sienna kay Quiel saka nagtanong. Hindi sila ganun ka close but she still got a nerve to ask out some unusual yet interesting question.

"For how long do you like Shania?"

"Ha?" nangamatis ang mukha ni Zioquel dahil sa totoo lang, napakatorpe niyang tao nung panahon na baguhan pa lang siya sa Royal Possession Academy. Napakagat labi ito dahil pakiramdam niya ay lalong uminit ang ihip ng hangin sa paligid nila kahit naka air conditioned ang silid.

"Simula... Simula nung una ko siyang nakita. Nung naging tour guide ko siya sa school. Kahit na nililibang ko siya at naiilang siya saakin, napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pakiramdam ko kailangan ko siya protektahan eh. Ha. Ha. Ha." pilit na tawa ng binata sabay sabi sa isip-isip – 'Kaso, nililigawan na siya ni Jairuss kaya wala akong laban dun.'

Nagkakabuwagan na ng sikreto dahil mas gugustuhin ni Quiel na magsalita ng totoo kaysa magsinungaling at masaktan gamit ang lie detector. When he passed the metallic stick to Ione, Sienna questioned her like a private investigator –

"Do you hate Shania Liebesfreud?" lahat na lang ng topic ay umiikot sa pamumuhay ni Shania pero walang nakakahalata nun. Tanging si Asteria din ay nakikiramdam sa halo-halong emosyon mula sa mga kakilala.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon