#6

186 23 0
                                    

Abelaine's Pov

Naupo na si rans sa may upuan na kaharap ko pa mismo di naman ako makatingin sa kanya ng diretso , ang ganda niya kasi naiilang ako tumingin sa kanya.

Tapos itong dalawa kong kaibigan todo din kung makasupport sa akin sa crush ko , yeah i can say na crush ko tong si rans at gusto ko pa siyang makilala ng lubusan kaso nga lang nahihiya ako.

At nauutal pa ako sa tuwing nakakausap ko na siya , like the legendary abelaine oh nauutal masyadong pahalata tong dila ko eh.

"Hoy abelaine! Chance mo na yan oh kausapin muna si rans o di kaya yayain mo na mamaya na mag dinner to get to know each other" mahinang sabi ni sheki , sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya.

Nakakahiya naman kung ganun agad , baka maging awkward pa yung sitwasyon kung itatanong ko kaagad yun.

"Uy rans? Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo niyang si Jl? Hmp baka naman jowa mo na yan ah! Magtatampo talaga ako sayo pag nagkataon" tanong ni belle kay francinne napatawa naman ito ng mahina dahil sa tanong ni belle sa kanya.

"Hay nako belle! Oo kaibigan ko lang yan si Jl at sorry nalang sayo kung may gusto ka sa kanya kasi baliw na baliw yan sa kaibigan ko na nasa States ngayon" nakakahimlay naman yung mga ngiti mo rans pwede bang itago na muna kita? Baka kasi may makakita sayo na ganyan ka cute tapos dumami pa yung kaagaw ko.

"Grabe ka rans! Mapanakit ka tsaka ang advance mo mag isip , malay mo diba naniniwala naman ako na people and feelings change" tugon pa ni belle napatawa naman ako sa kanya ngayon at napatingin sa akin bigla si rans kaya nawala yung ngiti ko nahiya ako eh.

"Oh himala tumatawa ka pala abelaine? Akala ko di uso yung pag ngiti sa iyo eh" pagbibiro pa ni rans sa akin , tinignan naman ako ng mapang asar nila sheki at belle at dahil doon inapakan ko yung mga paa nila na siyang ikinadaing nilang dalawa.

"Aray/Ouch!" Sabay nilang bigkas dalawa , nagtaka naman si rans kung ano yung nangyari sa dalawa at bigla naman tong dumating si chinitong hamog.

"Anong nangyari sainyo dalawa? Rans okay na ba to? Ubusin mo tong lahat oink oink ah hahah" pang aasar niya pa kay rans ngayon , epal talaga tong Jl na to.

Bigla naman akong napatayo ng hawiin niya yung buhok ni rans na nakasangga sa may mata niya ngayon.

"Abelaine? Saan punta mo? Di ka pa tapos kumain hoy! Abelaine! Hintayin mo kami matapos!" Sigaw ni sheki ngunit hindi ko na sila nilingon at diretso lang naglakad palabas ng cafeteria.

Nakakawalang gana hays! Hindi ako mamamatay sa gutom eh kundi sa selos , yung tipong selos na selos kana tapos wala namang karapatan.

Nagpunta na ako ng rooftop upang magpahangin muna , nag iinit yung ulo ko sa sobrang inis.

Bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng may biglang may nag appear na memories sa utak ko.

"Kumain kana mahal! Kahapon ka pa daw hindi kumakain sabi nila Gia! Ano bang iniisip mo ngayon at sobrang lalim naman niyan? Gusto mo subuan nalang kita? Puro paborito mo pa naman tong pagkain yung mga binili ko" saad ko sa isang babaeng blur yung mukha bigla niya naman akong niyakap ng mahigpit.

"Nalulungkot kasi ako abby paano kung isang araw magising ka nalang at hindi mo na ako mahal , natatakot akong isipin yun abby hindi ko atang kakayanin pag dumating yung oras na yun"

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now