CHAPTER 12: Secret

424 25 0
                                    

Chapter 12
[Secret]

Third Person's P.O.V

SINARA ni Milana ang pintuan ng kaniyang bahay sapagkat kailangan niyang umalis ngayon. May hawak siyang basket na nakasabit sa kanang braso niya.

"Milana? Saan ka patungo?" Nakasalubong niya si Eva na kapitbahay niya. Kulay puti ang buhok nitong abot hanggang leeg. May buntot ito na katulad sa mga pusa. Tulad din ni Milana ay may hawak din siyang basket.

"Doon sa bahay ni Maestro Franco. Sinabi niya kasi sa akin na naubusan na daw siya ng mga uri ng sangkap na mga panggamot kaya humingi siya ng pabor na dalhan ko. Kaya heto, pupunta ako ngayon sa kanila, nandon rin naman si Laika." Sagot niya. Tumango ang babae at nakipagusap pa saglit kay Milana tungkol sa mga anak nito.

Pagkatapos no'n ay si Milana na ang nagpaalam at umalis na doon.

Nasa gubat na, palapit na sa bahay nina Franco Levine nang may narinig siyang sumigaw.

"Laika!"

Napahinto siya saglit at nakaramdam ng kaba. Lakad takbo ang ginawa niya dahil sa nararamdamang takot sa dibdib.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Sean na buhat buhat si Laika na walang malay. May palaso na nakabaon sa likod nito at may unti unting pumapatak na kulay asul na dugo sa lupa. Nabitawan niya ang basket. Naitakip niya ang dalawang kamay sa bibig.

Nang nakabawi ay mabilis siyang tumakbo palapit kay Sean.

"A-Anong nangyari?!"

Napalingon si Sean na papasok na sana sa bahay.

Magkahalong galit at pag aalala sa mukha ni Sean ng makita si Milana.

"Sino ka?"

Mas lumapit si Milana sa kanila at siya pa ang nagbukas ng pinto para tumulong na makapasok sa bahay sina Sean.

"Ako si Milana, isa akong babaylan. Dalian mo, dalhin mo siya sa kaniyang silid."

Mariin siyang tinitigan ni Sean bago sinunod ang utos niya.

Nanginginig man ay binilisan niya ang kilos at binalikan ang basket na nahulog niya kaniya. Nang makuha niya ito ay saka niya inayos ang mga likidong nagtumbahan sa loob, mabuti na lamang at mahigpit ang mga takip nito.

Muli siyang tumakbo papasok sa bahay. Una niyang naisip ay si Franco dahil sigurong magagalit ito sa kung ano man ang nangyari ngayon. Paano pa kaya kapag ang Hari na ang nakaalam.

Nang pumasok siya sa silid ni Laika ay nakita niyang marahang inaayos ni Sean ang pagkakahiga nito ng nakadapa.

Napalunok si Milana bago bumaling kay Sean na nakatitig na sa dugong lumalabas sa likod ni Laika.

Asul.

"L-Lumabas ka muna, Sean. Ako na ang bahala dito.."

Tumango si Sean at lumabas saka sinara ang pinto.

Marahas na bumuntong hininga si Milana bago nilapitan si Laika. Pinunit niya ang likurang parte ng damit nito at sinimulan niyang hugutin ang palaso na nakatusok sa kaniyang likod. Pagkatapos ay agad niyang tinakpan ng dalawang kamay ang sugat na iniwan nito na kasalukuyang nagdudugo.

Iniwan niya ang isang kamay doon para takpan ang sugat pagkatapos ay inabot niya sa katabing mesa lang ang mga likidong nasa bote. Kinagat niya ang takip ng kinuha niyang bote para mabuksan ito. Saka niya ito dahan dahang nilagyan sa loob ng sugat ni Laika. Pagkatapos no'n ay binalik niya na ulit ang bote roon sa basket. Kumuha naman siya ngayon ng mga halamang gamot na dala dala rin niya.

Tears of Bliss (Magos Zarroah Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon