-122-

237 14 4
                                    

-jay pov-

"wala si mama kasi doon ko pinatulog kay tita lina dahil wala s'yang kasama... huwag kang mag-alala, pumasok ka na" she silently  followed me. hinubad ko ang coat ko at nagdiretso sa kusina para ikuha s'ya ng tubig.

"here, uminom ka muna tangi" malambing na saad ko sa kanya at tumabi sa kanya sa sofa.

"salamat," mahinang sagot n'ya. "nadinig ko lahat, sorry... i don't have any plans to eaves drop but-"

"it's okay, jay" she smiled at me weakly,

"you can always tell me, tangi ah" tumango s'ya. i  just watched her na inumin 'yung tubig, nakatitig lang ako sa kanya... parang ginagayuma na naman n'ya ako shit.

gusto kong hawiin 'yung buhok na nakahara sa mukha n'ya pero nanginginig pa ako. gagi naman jongseong, parang first time mo na lumapit ng ganito sa crush mo ha? huhu

"wait lang," agad akong tumayo at tumaas para kuhanin 'yung make up remover ni irene sa kwarto n'ya at agad akong bumaba

"nasira na 'yung make up mo" umusod ako sa direksyon n'ya at hinawakan ang baba n'ya para makita ko 'yung mukha n'ya.

"sabihin mo kapag masakit ah" i said to her meaningfully and started to wiped her make up.

tahimik lang kaming dalwa hanggang sa matapos ako, atsaka ko binaba 'yung gamit sa lamesa na nasa harapan namin. mas lalong nahalata na umiyak s'ya.

"do you want to stay here? or iuwi na lang kita?" i asked her again.

"uuwi ako kasi walang kasama si lola"

"okay, just tell me if you are ready, kukuha lang ako ng pagkain sa-"

"tara lugaw tayo?" she suddenly asked. "where?"

"ako bahala" she stood up and held my hand, "tangi, galit pa ako doon sa kei na 'yon, huwag mo muna akong pakiligin" bumitaw ang kamay n'ya sa akin at hinampas ako.

"joke lang tangi, ikaw naman" ako ang kumuha ng kamay nya at saka kami sumakay sa sasakyan.

"hindi mo ba ako bibitawan? kapag tayo napahamak-"

"hindi, hindi na ulit, tangi" sagot ko sa kanya at mabilis na ngumiti bago ibalik ang tingin sa daan.

she didn't replied, itinuro n'ya sa akin ang daan papunta sa maliit na lugawan na sinasabi n'ya sa may lenox.

"24/7 dito?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin.

"yes, okay ka lang ba dito? medyo maliit at sikip dito baka hindi ka sanay" tanong n'ya sa akin,

"okay lang tangi, basta kasama kita.. saka hindi naman na bago sa akin 'yung ganitong lugar" napangiti s'ya at tumawag nung staff para sa order namin. i told her na kung ano 'yung kanya ganun na lang din 'yung akin.

"palagi ako ditong kumakain ng dinner noong sa café pa ako nagwo work saka kapag nagme mental breakdown ako" pago-open n'ya sa akin.

"kapag ganitong oras wala masyado tao, tulad ngayon nasa labas tayo, free ka umupo sa kahit anong spot na gusto mo, tapos wala din tayong kasabay kumain.. kaya kahit umiyak ako dito oks na oks" i love to watch her talking, kahit 24/7 pa.

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon