50

243 14 2
                                    

Jungwon

Magkasama kami ngayon ni Ni-ki na naghahanap kay Celine pero di namin alam saan kami magsisimula .

" Saan ba siya noong huli siyang mag text sayo ?" Tanong ni Ni-ki na halata ang pag aalala sa mukha niya .

" Sabi niya may bibilhin lang siya sa coffee shop .. wait , sa coffee shop ! Isa lang naman ang paborito niyang bilihan ng kape .. tara ! "

Pinaandar ko agad ang sasakyan ko at humarurot na sa favorite coffee shop ni Celine .

Pagkadating namin ay wala siya doon . Tinanong namin ang staff , nakita daw nila pero ilang oras na ang nakalipas . Kilala na siya dito kaya natatandaan siya ng mga crew sa cafe .

Paglabas namin ay napansin namin na naka park pa pala ang sasakyan niya  . Di namin yun nakita kanina dahil sa pagmamadali . At siguro ay dahil nadin sa dami ng mga sasakyang naka park dito ngayon .

" Kay Celine to ah ? " Sabi naman ni Ni-ki .. actually siya yung unang nakapansin

" Oo nga pero nasaan siya ? " Sabi ko naman bago tawagan ulit ang cellphone ni Celine pero hindi ito ma contact .

Nakailang tawag na ako pero ganun padin , cannot be reached . Pinatay niya yata ito .

Tinawagan na naman namin sina manang Lea at si tito pero wala dun sa bahay nila si Celine . And weird lang kasi hindi naman ganito si Celine . Lagi siyang nagsasabi kung may emergency siyang pupuntahan or if hindi siya matutuloy sa mga lakad . At isa pa , yung sasakyan niya ay nandito .

" Tingnan kaya natin ang cctv footage sa labas nitong cafe ?? Meron namang camera dito " sabi ni Ni-ki kaya napatingala ako sa direksyon kung saan siya nakatingin . Saktong sakto ito sa lugar kung saan malapit ang sasakyan ni Celine at pati ang entrance ng cafe ay makikita din .

" Sige . I'll talk to the manager "

Nang payagan kami ng manager ng cafe ay dali dali naming pinlay ang video footage sa oras na last na mag text si Celine sakin kasi sabi niya ay bibili siya ng kape .

Pinanuod namin ito ng mga ilang minuto bago namin nakita na may biglang dumukot sa kanya . Piniringan muna siya bago takpan ng panyo ang ilong niya . Bigla naman akong nakaramdam ng galit . Bakit nila iyon ginawa kay Celine ?

" Hindi natin sila makilala , may mga takip yung mukha nila! " frustrated na sabi ni Ni-ki matapos niyang suntukin ang ibabaw ng mesa . Naka mask at cap yung mga kidnapper kaya mahihirapan kaming makilala sila .

" Wala namang kaaway si Celine para gawin sa kaniya to .. baka mga kaaway sa negosyo ni tito ang may pakana nito !"

Pagkasabi ko nun ay tinawagan ko ulit si tito .. pero wala naman siyang kagalit o kung ano man sa negosyo . Kaya ngayon ay nagtataka kami ni Ni-ki kasi hindi namin alam ang dahilan kung bakit siya dinukot .

Sinabihan ko na rin si tito tungkol kay Celine at ngayon ay nagsisimula na rin siyang maghanap at hihingi narin siya ng tulong sa mga pulis .

Sinubukan ko ulit na tawagan si Celine pero bago ko magawa yon ay biglang may nag send ng picture sa akin.

Tiningnan ko naman iyon at nagulat ako nang makita ko si Celine na nakatali at nakapiring ang kaniyang mga mata . Medyo madilim ang paligid kaya hindi ko makita ang lahat .

Dinagdagan ko naman agad ang brightness ng phone ko at nakita kong mabuti ang paligid ni Celine . Para itong lumang building . Well , not to be judgemental pero halata namang luma ito tas marami pang kalat . Ay hindi , para itong building na matagal nang hindi natapos . Dahil marami pang mga bakal at kahoy na naka tambak lang sa likuran ni Celine .

" May alam ka bang lugar na ganito Ni-ki ? " Tanong ko sa kaniya pero parang wala naman siyang alam na ganitong lugar .

Pumasok nalang kaming dalawa sa sasakyan para mag umpisang maghanap ulit kahit na ang clue kang ay lumang gusali . Sa totoo lang ay di talaga namin alam saan kami patungo .

Si Ni-ki naman ay hinahanap si Celine through GPS  ..  ginawa ko narin yan kanina pero naka off yung location niya . Bigla namang napasigaw si Ni-ki kaya iginilid ko ang sasakyan   . Mukhang may alam na siya eh .

" Wonie , nakita ko na ang location niya .. parang binuksan talaga ang GPS niya para mahanap natin siya . "

" Kinakabahan ako , baka bitag yan .. " sabi ko naman .. " ano to pelikula ? Sundan nalang natin yung location . Isesend ko narin to kay tito para malaman ng mga pulis " sagot naman ni Ni-ki . Sa totoo lang ay parang eksena lang to sa pelikula .. at dadating lang yung mga pulis sa dulo kung saan tapos na ang lahat .

Tinawagan ko naman agad ito ..

" Hoy ! Anong ginawa mo kay Celine !? Huwag na wag mo siyang sasaktan ! Pakawalan mo siya !" Sigaw ko pero tawanan lang ang narinig ko . May babae at meron din lalaki pero narinig ko ring sumigaw si Celine .

Pinatay naman nila agad ang tawag .. tinawagan ko ulit pero hindi na sumasagot . Mabuti lang at hindi pinatay ang phone kaya makikita parin namin ang location nito .

Habang papunta kami don ay tinawagan na ni Ni-ki yung mga kaibigan namin at nagsimula na silang sumunod sa amin . Di ko lang alam kung lalaban din ba sila dun if ever na magka rambulan doon . Hindi naman kaming lahat sanay sa mga ganitong bagay . Sa totoo lang ay di pa nila naranasang manakit ng iba . Maliban sakin na marunong mag taekwondo . Kaya napapaisip ako kung maghihintay paba kami ng back up o lulusob nalang kaming dalawa dun ni Ni-ki na hindi ko alam kung marunong ba itong makipag away . 

" Ni-ki , marunong kabang manuntok ?" Tanong ko sa kanya . Kasi kung ako lang , taekwondo lang yung alam ko eh tsaka ilang basic fighting skills .

" Hindi ko pa nasusubukan pero para kay Celine ay gagawin ko " sabi lang nito kaya tumahimik nalang ako . Kinakabahan na ako eh , hindi namin alam kung anong naghihintay sa amin doon . Lalo pa at hindi namin alam kung sino ang dumukot sa kanya .

Nagtaka ako nang ma realize kong ang daan ay papunta sa probinsya namin . Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho pero yung kaba at takot ko ay naghahalo na . Actually lahat ng emosyon ko ngayon ay halo halo na . Maging si Ni-ki ay alam kong ganito din ang nararamdaman lalo na at malapit na kami sa location base sa GPS .

Tinawagan ko naman ang mga tropa kong malapit lang dito .. mabuti nalang at may session sila ngayon sa taekwondo at magkakasama sila . At isa pa , alam nila kung saan yung nasa location .

Nakarating na kami at pinark ko ang sasakyan ko hindi kalayuan sa abandonadong gusali . At tama nga ako , hindi ito natuloy na building . Naalala ko ito , dito kami dati laging tumatambay ni Zia . Noong nag ta-taekwondo class pa kami at trip naming mag skip .

Sabay kami ni Ni-ki na patakbong pumasok sa loob ng gusali . Ilang palapag din ito kaya napagod kami kakaakyat . Kasi wala naman sila sa baba . Very typical set ng hostage scene . Siguro pala nood ng pelikula yung kidnapper .

May nahanap naman na bakal na tubo si Ni-ki at binigay niya yung isa sakin . Pagkadating namin sa ikalawang palapag ay may sumalubong na agad samin .. isang matangkad na lalaki at may dalang baril . Parang nanginig naman yung tuod at binti ko ..

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon