Panimula

212K 6.2K 8K
                                    

TW: Domestic Violence

Panimula

I think women should be commended solely for being born; simply because this world is still entrenched in a patriarchal perspective.

I can remember how it all started, how I despise being an Eve in this world dominated by Adams. Where equality is not a right but a privilege based on someone's gender.

"Lavender, tiisin mo na lang muna ang gutom, ha? Pasensya ka na at wala pa ako'ng pambili no'ng tsokolate na gusto mo. . ."

Paulit-ulit na minasahe ni Mama ang aking ulo. Hinimas-himas n'ya ito na tila ba mapapawi ang gutom ko dahil sa kan'yang haplos. Nakakandong ako sa kan'ya at nakatingala sa kan'yang mukha.

Maganda si Mama. Sobra. Kumikintab ang itim n'yang buhok. Maganda ang hubog ng katawan at tila manika ang wangis ng kan'yang mata, ilong at labi. Ang sabi ng mga kapitbahay namin ay kamukha ko raw siya pero alam ko naman na higit na maganda siya kumpara sa akin.

Tumango ako, dahil 'yon lang naman ang kayang gawin ng isang musmos. Ang sumangayon at sumunod.

"D-dadating ba siya?" nangangatal kong saad. Hawak-hawak ang kan'yang daster. Agad namang pinagdaop ni Mama ang kan'yang mga kamay.

"Hindi ko alam, Lavender. Pero alam mo naman kung saan ka magtatago kapag dumating siya 'di ba?" bahagyang nanginig ang labi ni Mama.

Muli ay tumango ako. Sa ilalim ng kama. Sa kabinet. Sa kapitbahay. Sa talahiban. Sa malayo at sa hindi n'ya ako mahahagilap. Inilista ko na sa aking musmos na isipan kung saan ako pupwedeng tumakbo sakaling pumunta siya rito.

Walang nagawa si Mama kundi haplusin muli ang aking mukha. Sumilay ang isang matamlay na ngiti sa kan'yang labi.

Hindi ako gusto ni Papa. Hindi n'ya kasi ako tunay na anak. At kahit si Mama ay hindi sinasabi kung kaninong anak ako. Basta ang alam ko ay anak ako ni Mama at mahal na mahal n'ya ako.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok. Marahas ito at para bang gustong sirain ang aming pinto. Gumuhit sa lalamunan ko ang kaba dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko. Binilang ko ang natitirang segundo para kumaripas ako ng takbo.

Aligaga si Mama habang naghahanap ako ng matataguan. Nakita ko na nakabukas ang kabinet kaya naman agad akong sumilid doon. Hawak-hawak ko ang dibdib ko sa kaba, alintana ang malakas na tunog ng paglapat ng mga hakbang sa aming sala.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Subalit sa isang kisapmata ay sunod-sunod na ingay at kalabog ang lumusot sa aking pandinig. Tinakpan ko ang aking mga tenga.

Isipin mo lahat ng tsokolate na bibilhin ni Mama, Lavender. Matatapos naman ito kapag bumilang ka ng apat. Isa. Nalaglag ang mga plato. Dalawa. Umusog ang lamesa. Tatlo. Nakarinig ako ng isang ungol na para bang hirap na hirap na siya. Apat. Tuluyan na akong lumuha. Wala akong naramdaman na ginhawa sa katamihikan. Ni hindi ko nga gusto na wala na akong naririnig miski ang boses ni Mama. Kanina ay hiyaw siya nang hiyaw.

Niyakap ko ang tuhod ko. Kumalma ka, Lavender. Hindi pwede malaman ni Mama na naapektuhan ka. Malulungkot siya. Iisipin n'yang hindi siya naging mabuting ina.

"Mama!"

Nangangatal si Mama habang nasa kusina at nagsasaing na para bang walang nangyari. Habang lumalapit ako sa kan'ya ay dinadampot ko ang mga plato at baso. Mabuti na lamang at yari ito sa plastik, hindi puno ng bubog ang aming paligid. Magulo ang bahay at tila ba pinasok kami ng isang magnanakaw dahil nagkalat ang aming mga gamit kaya naman hinanda ko na rin ang walis at dustpan.

Tuluyan na akong lumapit kay Mama nang kahit kaunti ay nabawasan ko na ang kalat. May nakita pa nga akong dugo pero agad ko itong pinunasan ng basahan. Hindi naman ito ang unang beses na may nadatnan akong kulay pula na likido.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon