Chapter 11

19.7K 413 6
                                    

PAGKATAPOS mag almusal ni Zane ay inilabas ko na ang bike niya dahil namiss niya na daw ito.

Hindi naman kami lalayo at dito lang din sa village.

Nilagyan ko muna ng helmet si Zane para na din safe siya kung sakaling masemplang.

Apat ang gulong ng bike niya dahil sabi niya ay natatakot daw siya kapag dalawa lang at hindi daw siya ganun kagaling magbike.

Nagsimula na mag bike si Zane habang ako ay pinagmamasdan lang siyang masayang nagbibike.

Naglalakad lang ako dahil para na din maagapan ko kung sakaling mabunggo o mawalan ng balanse si Zane.

Matapos ang halos trenta minutong pagbibike ay napagdesisyunan ni Zane na bumaba na sa bike at maglaro na sa playroom.

Kaya naman itinabi ko na ang bike niya at helmet at saka na kami tumuloy sa playroom.

Iniwan ko muna si Zane sa playroom niya dahil nagpapakuha ito ng snack.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko pa si Sir Zyair ang ending ay nagtakabungua kami.

Natumba ako at una pa talaga ang aking balakang kaya napadaing ako sa sakit.

Si sir naman ay nanlaki ang mata nang makita akong napaupo dahil na din sa lakas ng bunguan namin.

"Fuck! I'm s-sorry nagmamadali kasi ako sorry Clementine." sabi ni Sir at inalalayan akong tumayo.

Nang makatayo na ay hawak ko ang aking balakang dahil napuruhan talaga ito at tumama sa hagdan.

Tinanong pa ako ni Sir kung kaya ko at tumango lang ako at tumungo sa kusina para kuhanin ang snack ni Zane.

Hindi ko alam na nakasunod pala si Sir Zyair sa akin nalaman ko nalang ng makakuha ako ng mix fruit at napaharap ako sa kaniya.

At nagulat ako sa sumunod na nangyari.

Parehas kaming natumba ni sir Zyair at ako ang nasa ibabaw niya.

Ang mga prutas ay nahulog kasabay ng pagbagsak namin.

Napapikit si sir Zyair dahil siya ang nasa ilalim at alam kong hindi ako magaan kaya paniguradong nasaktan siya.

Nagtitigan naman kami sa mata sa mata at kitang kita ko ng malapitan ngayon ang asul niyang mga mata.

Na parang nangungusap at nagbibigay ng madaming emosyon.

"Ih-ay naku!" rinig kong gulat na sigaw ni Nay Yoli kaya agad agad akong napabangon pati na din si sir Zyair.

Namumula ang pisnging humarap ako kay Nay Yoli, nahihiya ako dahil nakita niya kami sa ganung sitwasyon ni sir Zyair.

"N-nay Yoli." utal kong tawag sa kaniya.

"Ano bang ginagawa ninyo at pareho kayong nakahiga sa sahig?" natatawang tanong niya.

"Clementine doesn't know na nasa likod niya ako kaya ho pagkaharap niya ay pareho kaming na nahulog."
Paliwanag ni Sir Zyair.

Nang aasaw lang na tingin ang ipinukol sa akin ni Nay Yoli na labis kong ikinahiya kaya agad kong pinulot ang mga nahulog na prutas at kumuha ng panibago at agad nang umakyat sa playroom.

Pagkaakyat ko ay dun lang ako nakahinga ng maluwag dahil hiyang hiya talag ako ay nasaksihan pa yun ni Nay Yoli.

"Momma where's my snack po?" gulat na napatingin ako kay Zane dahil nasa harap ko na ito,kumunot naman ang noo niya sa inasta ko.

"Why your cheeks is so red po?" kunot noong tanong niya.

"A-ah ito na yung snack mo oh magbabanyo lang ako, wait for me okay eat ka muna dun."
nagmamadaling saad ko sa kaniya.

Itutuloy.
❄️
HAPPY 2K READS STRANGER🥳🥳🎈
(07-23-21)

And now Stranger is 28k reads! TYSM<3
(10-31-21)

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon