Prologo

5K 157 20
                                    

"Damn! Nasaan na ba ang lalaking 'yun? Kanina pa 'ko paikot-ikot dito pero ni anino niya hindi ko mahagilap."

Hindi ko napigilan ang mapahilot sa sintido ko. Kanina lang sinusundan ko siya, pero ang bilis naman ata niyang maglakad kaya nahirapan akong habulin siya.

Ano ba kasing pumasok sa kokote mo Marsela at naisipan mong sundan ang lalaking 'yun? Paano kung mahuli niya 'ko, edi warshock na naman. Tampuhan na naman.

Napairap ako sa kawalan. Para akong tangang nakikipag talo sa sarili ko. Nakakahiya baka may makakita pa sa'kin at isiping baliw ako. Tss.

Imbes na magmaktol pa 'ko dito, mabuti pang bumalik na lang ako sa bahay. Tutal doon, makakapag pahinga ako.

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng may kung sinong humawak sa kamay ko dahilan para mapapitlag ako sa gulat. Buong lakas ko namang hinampas sa taong 'yun ang bag ko na napigilan naman agad niya.


"Sino ka?" inis na tanong ko. "Pwede bang bitawan mo 'ko?" I added.

Hindi ko din magawang aninagin ang mukha niya dahil sa suot nitong cap. Nakakainis. Paano ko siya marereport sa pulis kung hindi makikita ang itsura niya?

Damn it! Ano ba namang buhay 'to, napaka saksakan ko naman ata ng malas.

"Hindi ako magnanakaw."

Napakunot noo ako. Bakit? May sinabi ba 'ko? Sa pagkakaalam ko, wala naman.

Ngayon ko lang tuluyan nakita ang itsura niya. At ngayon ko lang din nalaman na babae pala itong nakahawak sa'kin ngayon.

"Sumama ka sa'kin, may gusto akong ipakita sayo." she seriously said.

My eyes widened. "What? Are you insane?" Gosh. Hindi ko nga kilala ang babaeng ito, tapos sasabihin niyang sumama ako sa kanya? Ano siya? Gold?

Tila bingi ang bwisit na 'to, dahil walang habas niya kong hinila papunta sa kung saan.

Naalerto naman ako kaya malakas kong hinampas sa kanya yung bag ko. "Bitawan mo'ko, ano ba!" Damn! Dapat pala talaga hindi na ko sumunod dito. "Shit you woman! Bitawan mo 'ko o ipapakulong kita!"

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon