KABANATA 133

500 40 3
                                    


Kabanata 133


______________



JEAU P.O.V.



"GOOODDDD MORNING!!!" Bati ko na hindi na humakbang sa dalawang hakbangan ng hagdanan at tumalon dahilan para magulat sila lola sa may kusina at agad lumapit sakin!.



"Ano ka ba hijo! Magdahan-dahan ka!" Asik niya sakin at ngumiti lang ako ng parang aso kay lola at niyakap siya ng mahigpit. Yakap niya di inaasahan!.




"Magaling na ako la!!! May gana na akong kumain!-o loveybabe!!!!!" Sigaw ko pa ng makita si Lei na lumapit dala ang tasa umiinom ng kape. "Good morning baby!!!!"sigaw ko at narinig ko ang halakhakan mula sa may kusina bagay na pinamulahan ako sa hiya!.



"Dito natulog sina Dean..hala pumunta ka doon sa kusina at batiin ang pamilya ni Lei!." Palo sakin ni lola at nagtungo ako sa kusina syempre kasama si Lei sa tabi!.




"G-good morning po Dean-"



"Tito nalang para madali sayo." Putol niya sakin at tumango akong ngumiti sa kanila. Nandito sina Miss Oblada sa tabi ng papa ni Lei at sa gilid naman ay si lola na kaharap ang lolo ni Lei na tahimik lang na nagbabasa ng news paper, magkatabi naman kami ni Lei kung tahimik lang siyang kumakain ng patatas. Napangiti nalang ako sa kanya at inagaw mula sa tinidor ang natusok na patatas at kinain iyon. Napatingin siya sakin ng may pagtataka pero nginitian ko lang ng todo.



"Kung gusto mo kumain ka." aniya na ngumunguya.



"Subuan mo ko." Nakangusong sabi ko pero di mawala ang ngiti sa kanya ng mapatalon ang kaluluwa ko sa biglaang pagbagsak ng baso sa sahig.



"Fe, pakilinis naman." Pakiusap ni lola kay manang Fe. Nadulas pala ang kamay niya sa pagkakahawak ng baso




"Jeau." Pukaw sakin ni Lei at ngumiti akong humarap sa kanya. Inabutan niya lang ako ng tinidor na may tuhog ng patatas. "Subuan mo ko kasi." Pangungulit ko at namulang napalunok siya sa nasabi ko at napaiwas, doon ko napansin na samin na pala ang boung atensyon ng mga pamilya namin.




Nang matapos ang kainan ay nagpaalam na kami ni Lei kay Lola.




"Mag-ingat kayo!? Lalo ka na Jeau batang uhugin at masakitin kapa naman." Aniya at ngumuso lang ako sa paglalantaran niya sakin at rinig yon nila tito!.



"Lola naman!! Mas malakas pa ako kesa katawan niyo!" Reklamo ko at nagsiandaran na ang SUV na sinasakyan nila tito sa unahan balak ng umalis. Nagpaalam muna sila kay lola at kay papa bago naunang umalis at kami naman ang kasunod, sa ngayon ay si Lei muna ang nagmaneho gusto niya eh.




"Lola!!!!! Una na kami! Mamayang hapon nalang po!" Sigaw ko mula sa bintana ng kotse pero nakatalikod na ito.




Hindi ganon kadaling makarating kami sa Laurente dahil bawat mabilisan na pagpapatakbo ni Lei ang siya namang ikakatalon sa kabilang buhay ang kaluluwa ko!.



"Lovveeyyybabe dahan dahan naman sa pagpapatakbo-"


"Nandito na tayo." Aniya na saktong pagdilat ko ay nasa parking area na kami. Pareho kaming lumabas sa kotse at dala ang maliit niya bag at napatitig siya sakin.



"Anong oras ka mamaya?" Aniya, hindi na ako magagabihan ngayon dahil wala na kaming patayang practice.



"Ako muna ang magmamaneho sa ngayon. Baka mapagod kapa." May sarkastikong aniya na diko maintindihan. Nagsimula siyang maglakad at nakasunod lang ako.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now