Chapter 21

2.2K 32 0
                                    

Ilang araw ng lumipas ng tuluyan ng maging maayos ang kalagayan ng dalagang si Jewel, ito na rin ang araw kung kailan ay pwede na siyang lumabas ng hospital at umuwi. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi niya roon ay madalas niyang kasama si Monique, naging close na rin sila.

Halos tatlong linggo din ang inilagi niya sa hospital para masiguradong okay na talaga sila ng kanyang baby at sa mga araw din na 'yon ay hindi siya pinapansin ng kaibigan na si Cain. Ilang beses niya rin sinubukang kausapin ito ngunit para lamang siyang hangin sa binata.

"Naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong nito

"Oo ayan na lahat." sagot naman ni Jewel.

"Good, let's go." aniya

Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod na lang sa kanya, nasanay na akong ganito ang binata makitungo sa kanya simula no'ng nangyari ang lahat.

Mabilis lang ang naging byahe nila at nakaraying din sila sa condo.

FASTFORWARD

Dalawang linggo ng nakalipas simula ng makalabas si Jewel ng hospital, ngunit hindi pa rin sila nagkakaayos ng kaibigan. Ginawa niya ang lahat para lang makausap ito ngunit palaging nagdadahilan ang binata. She tried everything to approach him pero mukhang galit pa rin ito sa kanya kaya labis siyang nalulungkot dahil dito. Sinubukan niya rin itong ipagluto ng paborito nitong pagkain ngunit hindi man lang ito binigyang pansin ng binata.

Kasalukuyang nasa veranda siya para lumanghap ng hangin. Wala dito ngayon si Cain dahil sinamahan nito si Monique at kung saan ay hindi niya na alam.

Samantalang magkasama sina Cain at Monique sa isang restaurant, katatapos lang kasi ng inattendan nilang fashion event kaya bago umuwi ay napagpasyahan muna nilang kumain.

Habang hinihintay nila ang kanilang order ng biglang magsalita si Monique. "Nag aalala ka sa kanya noh? Bakit hindi mo tawagan?" tanong nito sa binata na busy sa kakalikot ng phone na animo'y may gustong tawagan.

Agad naman binaba ng binata ang kanyang phone sa mesa. "Ano bang pinagsasabi mo? At sino?"

"Cain you don't need to denie it. Alam kung nag aalala ka kay Jewel." Monique said

"Look Cain, I know wala akong karapatan manghimasok sa kung ano man ang problemang meron kayo, but I think this is too much. It's been a month already pero hindi pa rin bumabalik ang maayos na pakikitungo mo sa kanya tulad ng dati." seryosong dagdag pa ni Monique

"Kung akala mo galit ako sa kanya, hindi Nique. I'm just upset and the same time disappointed. I know Jewel very well at hindi ko lang na expect na magagawa niya ang bagay na 'yon." depensa ng binata

"I get your point, sige kung ganyan nga. Pero do you think she deserve your cold treatment towards her? She is doing everything to approach you, to please you pero matigas ka. She even cooked your favorite food pero kinain mo ba o tinikman man lang? Hindi diba? You are too much Cain. You are punishing your friend! You told me that Jewel is precious to you because she's like a sister to you but look at what you are doing to her. You're hurting her because of the way how you are treating her. Hindi mo na napapansin na madalas tahimik na lang siya, pag magkakasama tayo dumidistansiya na siya. Hindi mo 'yon napapansin Cain kasi mas nangingibabaw sayo ang nararamdaman mo." pahabang pahayag ni Monique

"Cain don't think that I'm siding on her, pero 'yan kasi ang nakikita ang napapansin ko. Nawawala yung closeness niyo, nawawala yung dating kayo. Ngayon niya tayo kailangan. Mas ngayon ka niya kailangan bilang kaibigan, bilang kapatid." dagdag pa nito

Tahimik lang si Cain at hindi umimik dahil alam niya sa sarili niyang tama lahat ng sinabi ni Monique. Naging selfish siya dahil mas inuna niya ang nararamdaman niya kay sa kaibigan.

Dumating na ang kanilang order at nagsimula na silang kumain. At nang matapos sila ay mabilis nilang nilisan ang restaurant, nag take pa si Cain ng pagkain para ibigay kay Jewel.

"Uuwi kana ba?" tanong ni Cain habang naglalakad sila papuntang parking lot.

"I'll meeting my friends, can you drop me off na lang sa bontique?" Monique aswered.

Tumango naman ang binata at sabay na silang sumakay sa sasakyan. Halos 30 minutes din ang naging byage nila bago makarating sa botique.

"Thank you Cain! Be safe sa pagdrive and talk to Jewel." aniya pagkababa

"I will, I have to go." sagot naman ng binata ang sinimulan na ang pagdidrive.

Mabilis naman siyang nakarating sa condo, pagpasok niya pa lang ay nilagay niya muna ang biniling pagkain sa kusina at tumuloy nasa kwarto ni Jewel para kausapin ito, ngunit pag pasok niya at wala siyang naabutan dito.

Inikot niya ang buong sulok ng condo at nagbabakasaling nando'n lamang ang kaibigan ngunit wala. Ilang beses niya na rin itong tinawagan at pinadalhan ng mensahe ngunit hindi ito sumasagot. Hindi siya mapakali hanggat hindi niya nakikita ang dalaga.

Sa kabilang dako naman ay naglalakad ang dalaga na may dala dalang mcdo, donuts at cakes. Pabalik na siya sa condo ngayon dahil lumabas ito para bumili ng pagkain dahil bigla itong nagcrave. Wala naman siyang ibang mautusan kaya nagpasya siyang magkusa na lang bumili ng mga ito para sa kanya. Lingid sa kaalaman niya na kanina pa siya hinahanap ng kaibigan at tinatawagan. Hindi niya kasi dala ang kanyang phone dahil nalowbat ito kaya iniwan niyang nakacharge.

Pagpasok niya pa lang sa kanilang unit ay sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap ni Cain.

"Ah C-Cain bakit?" takang tanong nito

Agad naman kumalas ang binata sa pagkakayakap sa dalaga. "Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." aniya

Naglakad papasok ang dalaga at inilapag ang kanyang dalagang pagkain sa lamesa na nasa sofa. "Nagcrave kasi ako, kaya bumaba na muna ako para bumili." sagot ni Jewel

"Dapat tinawagan mo na lang ako, para ako na ang bumili." saad ni Cain

"Ano kaba! Okay lang naman eh, kaya ko pa naman at isa pa exercise din ang paglalakad. At isa pa ayaw ko naman makaabala sayo, nakakahiya na." pilit na ngumiti ito.

Pumunta ng kusina ang binata para kunin ang dinala niyang pagkain para sa dalaga, inilipat niya ito sa plato at inayos niya ito sa tray at naglakad pabalik sa sofa kung saan nakaupo ang kaibigan.

Inilapag niya ito sa harap ng dalaga at tiningnan naman siya nito ng may pagtatanong. "Eat it, mas masustansiya 'yan." aniya

"Hindi kana dapat nag abala pa, may mga pagkain pa naman dito." anas ng dalaga habang nakayuko na animo'y nahihiya sa kausap.

Agad naman na umupo ang binata sa tabi nito, kanina niya pa ito gustong kausapin dahil alam niyang hindi maganda ang huling pag uusap nila sa hospital.

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon