Kabanata 2

108K 5.4K 6.8K
                                    

Kabanata 2

Little by little, I got accustomed to the elite lifestyle of the Reverios. At kahit papaano ay nalaman ko rin ang kahinaan ni Dayanara. She can only abuse those who are lower than her. The helpless, powerless and naivé me was her unfortunate victim. Subalit hindi naman ako pinalaki ni Mama na inaapi-api lang.

At hindi rin ako papayag na tatagal ang pangaabuso sa akin. I may be young but I'm not stupid.

"Solstice!" hinihingal na sigaw ni Etienne habang sinusundan ako sa hardin ng mga Soteiro.

"Ayoko nga no'n!" umismid ako sa kan'ya. Kahit na sanay na tawagin sa pangalan na 'yon. Ayoko na gano'n ang tawag sa akin ni Etienne.

He's. . . The only friend that I have.

At hindi ako si Solstice.

"Eh? Ano nga ulit tatawag ko sa 'yo?" Etienne asked in a low voice. Nilingon ko siya at humagikhik. Para talaga siyang kuneho, he's an innocent little bunny.

"Lavy!"

"Parang lovey naman 'yon!" Etienne blushed. "B-baka isipin nila na ano. . ."

"Na?"

"Crush kita!" Etienne pursed his lips and even gestured his hands in a hesitant way, in an upward and downward motion. Natawa naman ako sa reaksyon n'yo. Parang hiyang-hiya siya, he even hides his face using his palms.

Hinawakan ko ang mga halaman na nilalampasan namin. Mga bagong dilig ang nga ito kaya medyo basa ang kanilang mga dahon. We're currently in the garden, playing tea time. Madalas ako sa nga Soteiro dahil hindi ako kayang saktan ni Dayanara rito. I learned to survive the beatings and avoid getting into her nerves. Subalit alam ko na hindi 'to magtatagal.

"Ayoko ng Lavy!" pagpupumilit ni Etienne.

"Don't you want to be the only one to call me in that name? No one calls me Lavy, ikaw lang. . ." I coaxed Etienne. I even smiled at him. Agad naman natigilan si Etienne at tumingin pa sa kan'yang itaas na para bang nagi-isip.

"Is that true?" manghang tanong ni Etienne. Kumikinang ang mga mata.

"Yup!" I nodded eagerly. Si Mama lang talaga tumatawag no'n ngunit wala siya ngayon sa tabi ko kaya naman kahit si Etienne na lang sana ang tumawag sa akin ng ngalan na 'yon.

"Okay! Lavy!" Etienne beamed innocently. His grey eyes glistened with joy.

Etienne is my only ally. I don't mind him being childish and clingy, bata pa naman talaga kami. I just had to be more mature at a young age.

I hope no one else had to face the harsh reality in such a tender age. Hindi naman porke't naranasan ko ang sakit, dapat ay maranasan na rin ng iba.

I have to get out of this family sooner or later. Hindi bale na hindi marangya basta ba tahimik na buhay. Alam kong walang kapayapaan dito.

Hahanapin ko rin si Mama. Pero sa ngayon, magi-ipon muna ako. Marami akong nakukuhang pera kay Papa Alfos dahil binibigay n'ya ang mga luho ko. He treats me like his real daughter. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi n'ya ito magawa kay Kuya Adren.

Hindi ko sinasadyang tingnan ang larawan ni Solstice. I immediately flinched and veered my sight away from the painting. Nagmamadali akong umalis habang hawak-hawak ang dibdib.

Solstice was the sister that I never met. Sa pagkakaintindi ko sa mga panunuya ni Tita Anais kay Dayanara, Solstice and I are sisters from Mama Lucilla. Mama Lucilla and Dayanara are twins too, that's why they have similar features. Subalit si Mama Lucilla ang tunay naming ina ni Solstice. I never got to meet her. Nanatiling isang katauhan si Solstice para sa akin. Sa mga larawang kupas at mga nakasabit na paintings ko na lamang siya nakikita.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon