Chapter 14

17.8K 393 17
                                    

BUHAT KO si Zane at pinapatulog dahil alas dyes na ng gabi pero gising pa ito.

Nandito pa din kami sa bahay ng mga magulang ni sir Zyair.

Si Sir Zyair ay nasa labas habang kami ay nandito sa kwarto niya sa bahay nila.

Binigay niya lang sa akin kani kanina si Zane at sinabing iinom muna siya at patulugin na ang bata.

Hinehele ko na si Zane at hindi ko alam kung tulog na ba ito kaya sinilip ko ang kaniyang mukha sa aking balikat.

Nakita ko namang nakapikit na ito at medyo nakabukas pa ang bibig.

Kaya naman, dahan dahan ko na siyang nilapag sa kama at medyo gumalaw pa ito kaya tinapik tapik ko.

Nang makitang tulog na tulog na siya ay dahan dahan akong umayos ng tayo at pumasok sa banyo.

Maglilinis muna ako ng katawan at ang lagkit ng pakiramdam ko.Dala ko na din ang damit ko kaya sa banyo na ako nagbihis.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat pa ako ng madatnan ko si Sir Zyair sa gilid ng kama at nakayuko.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 10:30 na ng gabi.

Napabalik ang paningin ko kay sir Zyar nang inangat nito ang ulo at mapungay ang matang tumingin sa akin.

"Help me!" lasing na wika nito.

Dali dali ko naman siyang inalalayan at nagulat ako dahil ang bigat bigat niya pa at parang sa akin niya pa ibinubuhos ang buong bigat niya.

"S-sir." nahihirapan kong wika dahil bigla nalang kaming bumagsak sa sahig at ako angnasa ilalim.

Kung kaya salo ko ang bigat niya.

Hindi naman ito sumagot kaya dapat itutulak ko na ito paalis sa aking ibabaw kung hindi lang niya iniyakap ang kaniyang mga braso sa aking bewang.

"I want to sleep." paos na wika niya at tuluyan na ngang natulog.

Halos isang oras ko nang tinatangkang itulak si sir Zyair paalis, Ngunit humihigpit lang ang yakap nito kaya mas lalo akong nahihirapan.

Hanggang sa maya maya ay lumuwag na ang yakap niya kaya agad agad ko itong itinulak at nagtagumpay naman ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na ako sa ilalim niya at sa ngayon ay kailangan ko nalang siyang dalhin sa kama.

Pero sa bigat niya ay mukhang mahihirapan ako kaya napagpasyahan kong lagyan nalang siya ng unan at kumot.

Pagkatapos,nahiga na ako sa tabi ni Zane at nagdasal hanggang sa ako ay makatulog.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa kwarto.

Nagulat pa ako na ibang lugar ito at hindi sa kinasanayan kong kwarto.

Hanggang sa maalala kong nandito nga pala ako sa bahay ng mga Huxley.

Napatingin ako sa katabi ko at nakita kong si Zane ito at mahimbing pa din na natutulog habang nakayakap sa akin.

Naalala ko naman na hindi ko na nabuhat si Sir kaya napatingin ako sa lapag at nakitang mahimbing pa din ang tulog nito.

Bumangon naman ako ng dahan dahan at nagpunta sa banyo upang maghilamos.

Pagkalabas sa banyo ay nadatnan ko ang mag amang parehas nang gising pero wala pa sa wisyo.

Pinuntahan ko agad si Zane at agad naman itong yumakap sa akin.

Napatingin ako kay sir Zyair nang tumayo ito at ang aga aga ay nakakunot na ang noo.

"Bakit ako sa sahig natulog?" tanong niya at tumingin sakin.

"E-eh Sir kasi lasing na lasing po kayo kagabi at hindi ko naman kayo mabuhat kaya nilagyan ko nalang kayo ng unan at kumot jan." mabilis kong paliwanag.

"Then bakit hindi mo ako ginising?Ang sakit tuloy ng katawan ko." naiinis na wika nito.

Nahihiyang nagbaba nalang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa narinig ko ang padabog na sarado ng pinto ng banyo.

Itutuloy.
❄️

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon