MVEN-11

131 111 30
                                    

"Belle, tulog ka na?"

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang iniisip ang mga sinabi ni Chris kanina. Kakarating niya lang siguro at ngayon niya lang ako tinawag.

"Nag-aaral ako ngayon Dave," pagsisinungaling ko.

"Sabay tayo," malambing na saad niya.

"Pwede ka namang mag-aral nang ikaw lang mag-isa diba?" Supladang saad ko.

Nakasarado ngayon ang bintana ko kaya hindi niya nakikita ang mga ginagawa ko.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

"Bakit ako magagalit? Do I have any reason to get mad?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Oo. Kasi di kita sinamahan kanina pauwi,"ramdam ko ang pagsisisi sa boses niya.

Tumahimik nalang ako at hindi na siya sinagot.

"Galit ka nga. Sorry na. Hindi na mauulit." Saad niya.

Belle. Kalma.

Huwag kang ganito, hindi pwede na maging ganito ka.

Paano kapag sinagot siya si Divine? Hindi ka pwedeng magselos. Okay?

Bumaba ako nang kama at binuksan ang bintana ko para tignan siya, nakayuko siya ngayon habang nakasandal ang dalawang siko sa bintana pero napaangat din ang tingin niya nang makita ako.

"Sorry na. Di na talaga mauulit,"Saad niya at tinitigan ako habang ang kaniyang mga mata ay malapit nang bumagsak nang mga iniipon niyang mga luha.

Tumango lang ako sa kaniya para sabihing okay na lang yun. Hindi siya kumbensido sa ginawa kaya inaya niya akong lumabas.

"Hihintayin kita doon," saad niya.

Dito sa subdivision namin ay meron ginawang upuan ang mga magulang namin noong mga bata palang kami at doon na kami madalas naglalaro ni Dave. Sa paligid noon ay merong mga christmas lights na nagsisilbing ilaw nang paligid.

Agad akong lumabas nang bahay para makapunta doon.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni papa habang nanonood nang tv.

"Sa lumang lugar lang po, pa" saad ko at tumango lang siya kaya agad akong lumabas nang bahay para puntahan siya.

Nakasuot lang ako ngayon nang pink pajama at blue sando. Naka ponytail din ang buhok ko na may naiiwang kunting strands sa harap.

Nang malapit na ako ay natanaw ko na siya na nakaupo roon habang hinihintay ako, nakasuot siya nang simple dark blue t-shirt at shorts.

Nang maramdaman ang presensiya ko ay napatingin siya sa'kin at agad na tumayo.

"Belle," saad niya at lumapit sa'kin.

Umupo ako at umupo siya sa tabi ko. Pinagkrus ko ang binti ko habang nakatingin sa harap.

"Belle, I'm really sorry," napatingin ako sa kaniya when he held my hand and squeezed it a little bit.

Tumango lang ulit ako sa kaniya, walang ganang makipag-usap sa kaniya.

"Please, stop giving me silent treatment," pagmamakaawa niya habang nakahawak sa mga kamay ko.

"If you have any questions or anything na bumabagabag sa'yo, you can tell me, please tell me," saad niya.

Tumahimik nalang ulit ako at pinag-iisipan kung sasabihin ko ba ang sinabi ni Chris kanina o hindi.

"So you're courting someone right now pala, hindi mo talaga sinabi sa'kin," ewan ko pero medyo nagseselos ang pagkakasabi ko no'n.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon