52

311 17 22
                                    

" kinakabahan ako dad , " sabi ni Celine habang lumalakad ng mabagal , kasabay ang dad niya ..

Ang lahat ng atensyon ay nasa kanya ngayon at kahit naiilang ay nakangiti parin siya .

" huwag kang mag alala anak .. wala kang dapat ikakaba . Dapat nga masaya ka " sagot naman niya dito ..

" Masaya naman ako dad .. excited nga ako eh . Mixed emotions actually "

" Nako , ganyan din ako noong ikinasal ako anak " sagot naman ng mom niya .. nakaligtas ang mom niya sa pagkakabaril 2 months ago . Kahit na medyo di pa siya magaling ay itinuloy parin ni Celine ang dream wedding niya .

Nakita naman ni Celine si Ni-ki sa altar at hindi niya mapigilang mapangiti .. kasi hanggang ngayon ay nandito parin siya para sa kanya . Si Ni-ki naman ay masaya na rin dahil sa wakas ay natuloy na rin ang pangarap na kasal ni Celine . Wala naman siyang ibang gusto kundi ang makitang masaya ang pinakaimportanteng babae sa buhay niya , maliban sa mom niya syempre .

Pero nang magtama ang mata nila ni Jungwon ay napaiyak nalang siya . Hindi niya talaga inakalang maikakasal na siya sa taong mahal niya . At sobrang saya niya dahil nakaligtas silang dalawa ni Ni-ki . Ito talaga ang pinaka pinagpapasalamat niya sa panginoon , ang makaligtas ang mom niya , si Ni-ki at lalong lalo na .. si Jungwon .

Naiiyak parin siya kapag naalala niya ang mga nangyari . Pero ngayon umiiyak siya dahil sa sobrang saya .

Hinalikan siya at niyakap ng mom at dad niya bago nila niyakap si Jungwon . Si Celine naman ay niyakap din si Ni-ki na nasa tabi lang ni Jungwon . Hanggang ngayon ay hindi parin niya alam ang totoong nararamdaman ni Ni-ki dahil napag desisyunan na ni Ni-ki , matagal na .. na ibaon nalang ito sa limot .

Pagkatapos nito ay , ibinigay na ng dad niya ang kanyang kamay kay Jungwon para dalhin ito sa altar .

" I love you babe " bulong ni Jungwon sa kanya kaya naman napangiti siya " I love you too " bulong niya pabalik bago sila humarap sa pari .

Nagngingitian lang silang dalawa habang nagpapatuloy ang pari sa seremonya ng kanilang kasal . Halata sa mga mata nila ang pagmamahal sa isa't isa .

Oras na ngayon para sa kanilang vows ..

" Celine , naalala mo pa ba noon .. yung first time nating nagkita , diba ayaw natin sa isa't isa ? Pero pagkatapos nun ay , hinahanap hanap na kita . Gusto kitang laging nakikita , namimiss kita oras oras at hindi ko namalayang hulog na hulog na pala ako sayo .. akala ko noon ay malabong mag work ang ganitong set up na katulad satin . Pero napatunayan nating dalawa na okay pala , okay din palang ma arranged marriage sa hindi mo kakilala . Minahal kita ng sobra kahit noon paman at sobrang saya ko noong sinagot mo ako . Kasi ramdam kong naging totoo ang feelings natin kahit na konti lang ang panahon natin para makilala ang isa't isa . Nagpapasalamat ako sa parents natin at naisipan nila ang set up nato . Dahil nakilala kita .. sayo ko lang naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap . At kahit kailan ay hinding hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo , aalagaan kita at ang magiging pamilya natin . Kasi sobra kitang mahal Celine , mahal na mahal kita . Kaya lagi mong tandaan na nandito lang ako para sayo , nakasuporta .. sa kung ano man ang magiging desisyon mo sa buhay . Mamahalin kita hanggang sa dulo , Celine .. i love you "

First sentence palang ng vow ni Jungwon ay napaiyak na si Celine .. hindi lang niya kasi inakalang magiging ganito ang relasyon nilang dalawa . Kaya hanggang sa dulo ng vow niya tumutulo lang ang luha niya pero yung ngiti niya ay nandyan parin .

" Wonie , " panimula niya pero humagulgol na siya .. naalala niya kasi ang mga nangyari sa kanilang dalawa . Lalo na yung muntik nang mamatay si Jungwon .

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon