c h a p t e r f o u r

11.5K 358 93
                                    

        "SPELL TANGA," natatawang asar ni Vince pagkalapag ng tray niya sa lamesa namin sa cafeteria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "SPELL TANGA," natatawang asar ni Vince pagkalapag ng tray niya sa lamesa namin sa cafeteria. Hindi pa nga ako nakakabangon mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay sumunod na agad ang malakas na tawa niya. "Siyempre, M-E-G—"

"Wow," putol ko sa pag-spell ni Vince, sabay dampot ng brownie sa kanyang tray. Agad ko iyong isinubo bago pa siya maka-kontra. "Ramdam na ramdam ko 'yong concern, grabe. Tagos sa puso."

Umirap si Weng habang ngumunguya ng isang subo ng kanin at Sinigang. "Alam mo kasi, kung hindi ka na lang nag-comment noong nakita mo 'yong chikinini ni Ronny, e 'di masaya tayo ngayon."

"Ikaw kaya nag-suggest na subukan ko na i-contact si Kiana! Tapos ganyan ka ngayon."

Nilagyan ako ni Weng ng pagkain sa plato. "Ikaw naman, sinasabi ko lang kung bakit ganito ang sitwasyon mo ngayon. Kaya huwag ka nang magmukmok. Isipin mo na lang, nagawan mo ng solusyon 'yong problema natin, 'di ba? Kaso 'yong meeting bukas, paano kung nandoon si Derek? Sabihin mo sa Tito mo may diarrhea ka. Wala namang magagawa si Sir Rin kung ayaw mo talaga. Kahit pa assistant ka niya, kung ayaw mo, hindi ka naman niya puwedeng kaladkarin."

"Sisantihin lang," tawa ni Vince at agad ko siyang inirapan. Paminsan talaga, gusto kong pag-untugin sina Vince at Weng. "Imagine mo, sa dinami-rami ng wedding organizers dito sa Pinas, e ang Tito mo pa napili nila Derek. For sure naman, hindi lang tayo ang pinagpilian. Alam niya naman na magkamag-anak kayo ni Sir Rin."

"At least, hindi na mawawalan ng trabaho si Megan. Saka, baka naman kasi 'yong Kiana ang may gusto na Elixir ang kunin," sabat ni Weng pagkatapos uminom ng juice. "'Di ba babae ang madalas magdesisyon sa mga ganyan? Tapos previous client pa siya. Baka 'di naman sinabi ni Derek na related 'yong ex niya sa Elixir."

Natawa ulit si Vince. Binigyan niya ako ng mapang-asar na ngiti na nakakarindi. "O, baka naman hindi ka niya maalala kasi ganoon ka ka-irrelevant."

Lumaki lang ang butas ng ilong ko sa sabay ng pagtawa ng dalawa. I glared at Weng and she quickly sobered up.

Iniisip ko pa lang kung paano kami magkikita ni Derek kasama ang napakaganda niyang finacée ay hindi ko na malunok ang matigas na brownie na ninakaw ko mula kay Vince. Kiana June was everything I could never be. Mula sa makinis na balat, magandang reputasyon at mayaman na pamilya—she was a dreamy goddess with the face of an angel.

No wonder she had so many fans and endorsements.

At si Derek? He looked even better than he did before. Sa tuwing makikita ko sa social media ang posts ni Kiana kasama siya, I couldn't help but appreciate kung gaano na kalaki ang pinagbago niya mula sa payat na teenager na umaasa lang sa magulang noon. He was now a man of his own success. May napatunayan; may sariling pangalan.

May jowa pang sikat na proud sa kanya.

Nasaan na ang mga maaanghang na salitang binitawan ko noon sa harap ng mansyon nila? Parang cubes ng yelo na iniwan sa kalsada ng EDSA sa kalagitnaan ng tanghaling tapat, ay nalusaw ang lahat ng iyon. Ang naiwan? Hiya at bitterness ng pinagsamang ampalaya at tsokolateng tablea.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon