Chapter 15

18.4K 367 71
                                    

WALA kaming kibuan ni sir Zyair pauwi ng bahay, Si Zane lang ang maingay sa kotse at ginagaya ang pinapanood niya sa ipad.

Hindi ko alam kung galit pa sa akin si sir dahil kanina ay hindi niya na ako kinausap at wala nanamang emosyon ang gwapong mukha.

Pagkarating namin sa bahay,agad na bumaba si sir at dumeretso papasok sa kwarto niya.

Ako naman ay lumabas na din at binuhat si Zane na patuloy pa ding nanonood.

Pagkapasok ay nilapag ko muna sa sofa si Zane at pumuntang kusina upang ikuha siya at ako ng maiinom.

Nauuhaw na daw kasi siya at ako din,tubig lang ang ininom ko at juice naman para sa kaniya.

Pagkabalik ko sa sala ay nakita kong kasama na ni Zane si sir Zyair at nagulat pa ako ng makita ko itong tulala.

Dahan dahan kong nilapag ang inumin ni Zane at tumabi sa kaniya. Muka namang hindi ako napansin ni sir dahil tulala pa din ito at hindi ata kumukurap.

"Okay lang po ba si daddy, momma?"
tanong ni Zane.

Nakatingin ito sa ama na ganun pa din ang ayos na hindi pa din gumagalaw at tulala pa din.

"Ah-e hindi ko alam Zane." sagot ko sa bata na nagkibit balikat nalang.

Kaya naman napagpasyahan kong kausapin na si sir, kinalabit ko ito pero wala namang naging reaksyon.

Mas nilakasan ko ang kalabit at wala pa din hanggang sa tinampal ko na ang balikat niya at dun lang siya napakurap kurap at napatingin sa akin.

Natakot naman ako dahil baka nagalit siya pero nagulat ako ng pumatak ang luha nito at biglang umiyak.

Maging si Zane ay nagulat sa inakto ng ama kaya nababa nito ang pinapanood at itinigil.

Agad akong napatayo at lumapit kay Sir ganun din ang ginawa ng bata at lumapit sa amang lumuluha.

"S-sir!" kinakabahang sabi ko sa kaniya sabay Hawak sa balikat niya.

Bigla nalang ako nito dinamba ng yakap na siyang labis kong ikinagulat.

Maging si Zane ay nagulat din sa biglaang pagyakap sa akin ng ama niya.

"S-she came b-back Indra, She came back!" iyak ni sir Zyair na parang nagsusumbong sa akin.

Nagulat pa ako sa tinawag niya sa akin, Indra ayun ang pangalawang pangalan ko at firstime lang na may tumawag sa akin nun.

Hinimas himas ko naman ang likod nito upang kumalma siya pero patuloy pa din ang pag iyak niya.

"Bakit pa siya bumalik!?Ano sisirain niya lang ang buhay ko, ang buhay namin ni Zane!" ani ni sir Zyair.

"S-sir kumalma po muna kayo."
pagpapakalma ko dito.

"How can i fucking calm down kung bumalik na dito si Nicole!" gigil na wika nito at lunayo sa akin.

Nagtaka naman ako sa binaggit niyang Nicole dahil hindi ko kilala iyon.

Nagulat ako ng humikbi si Zane kaya napatingin ako dito at kitang kita ko nannaman ang lungkot na bumabalot sa asul na mga mata niya.

"See, even my son is acting like that when he heard that fucking name." galit na wika ni sir Zyair at lumapit sa anak.

Pinatahan niya ito at nagbubulungan silang dalawa na hindi ko naririnig dahil talagang mahina ito.

Ako naman ay naguguluhan pa din kung sino ang Nicole na iniiyakan nilang mag ama.

Itutuloy.
❄️
Sino ba kasi si Nicole?

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon