Prologue

1.3K 64 5
                                    

Jaydee's POV

"Ang sinasabi ko lang, don't prescribe other medicine if hindi ikaw ang doctor ng patient. Pwede magkaroon ng conflicts"

"Alam ko naman po yun doc, kaso wala ang doctor ng patient at kailangan na nya makainom ng gamot. Doctor din naman po ako, hindi ko sinayang yung ilang taon na pag-aaral ko para lang magprescribe ng maling gamot"

Naglalakad ako papuntang counter ng may narinig akong nagsasagutan. Ang aga aga ganyan ang eksena dito

"She knows what she's doing, doctor din sya at nasa same specialization naman sila" I said, dinaanan ko lang sila at dumaretso sa counter para tignan kung may scheduled check ups ba for today.

"Excuse me Dr. Villaruel? She should have contacted the patient's Doctor first before she prescribe different medicine" sagot nya sa sinabi ko.

"Aga aga init ng ulo mo Doc Frances" yun nalang ang sinagot ko sakanya kasi baka lalo magliyab ang ulo. Inirapan nya lang ako at lumakad na paalis

Napailing nalang ako. Lumapit sakin si Dr. Calis "Sorry doc diko na po uulitin" tumango ako at ngumiti sakanya. Naglakad na ako papunta sa office ko kasi meron palang naka-schedule ngayon kaya ireready ko na mga gamit ko doon.

*ff*

Lunch break na at nasa canteen na ako, kumukuha ng foods ko. Pagkatapos ko kumuha, naglakad na ako papunta sa mga table.

Habang naghahanap ng mauupuan nakita ko si Doc Frances na ang sama ng tingin saakin kaya umiwas ako at nag-iba ng way pupuntahan.

"Doc Jaydee" tawag sakin ni Amy. Umupo ako sa tabi nila. Kasama nya si Laney, Gabb at Brei. Sila mga kaibigan ko since first year college.

"Balita ko init ng ulo ni Doc Frances kaninang umaga ah" sabi ni Laney

"Pinagsabihan nanaman daw si Doc Jie" sabi ni Gabb

"Bakit ba hindi magkasundo yung dalawang yun?" -Amy

"Malay ko" maikling sagot ko

"Kawawa naman, simula ng dumating si Doc Jie dito ganyan na trato ni Doc Frances sakanya. Ang harsh" -Brei

"Parang di naman kayo sanay kay Doc Frances, alam nyo namang ganon na talaga yun since nasa med-school pa tayo" I said.

"Sabagay" sabay sabay nilang sagot tapos nagtinginan sila tsaka tumawa. Doon talaga magkakasundo sundo lahat

"Anong oras out nyo today?" tanong ko sakanila.

"5pm ako, why?" -Laney

"Same" -Amy

"4 ako" -Gabb

"5:30 pa ako, may pahabol akong check up ih" -Brei

"3pm out ko today, let's go hang-out? miss ko na, tagal na natin di lumalabas" Sobrang busy namin, di nakami nakakalabas magkakaibigan kaya nag-aya na ako.

"Oki G."

"gesi arat"

"miss ko din"

"Let's G!"

"nice! i'll pick you up at 6:30. Ako na magdadala ng car" sabi ko.

Frances' POV

Nakakairita! Ako nalang palagi nagmumukhang masama eh tinuturuan ko lang naman sya ng tama. Is it my fault na palagi syang may maling ginagawa? It's for her own sake naman yun. Kaya hindi kami nagkakasundo eh.

Kumakain ako mag-isa ngayon sa canteen. I don't have close friends here. I don't know, takot yata sila sakin. I don't usually smile kasi, tapos lagi ko pa nasusungitan mga co'workers ko pag nagkakamali sila. Eh kasi naman, we should be professional.

Nakita ko si Jaydee naghahanap ng mauupuan, sinamaan ko sya ng tingin. Isa pa yan, nakakairita. Sinagot ba naman ako kanina at kinampihan yung isa, eh dapat as senior pinagsasabihan nya din.

Nang makita nya ako nakatingin, lumiko sya at pinuntahan mga kaibigan nya. tssk

Tinapos ko na agad ang kinakain ko kasi may schedule na ako nyan. Full Sched ako today kaya ramdam kong mapapagod ako. 8pm pa ang out ko.

Naglakad na ako papuntang office pero bago yun nagpunta muna ako sa may counter para tanungin sa nurse if anjan na ba ang patient. "Nurse Sela anjan na ba yung patient ko?"

"Yes Doc, ayun po sila" tinuro nya yung mag-ina na nakaupo sa may waiting area.

"Papasukin mo na sila sa office ko" Pumasok na ako sa office ko at ni-ready ko na mga gamit.

Bumukas ang pinto at pumasok si Nurse Sela kasama yung mag-ina.

"Hello po, maupo po kayo" Sabi ko sakanila at ngumiti. Sa mga patients lang ako nakakangiti dahil importante yun kapag nakikipag usap.

"Ano pong problema mommy?" tanong ko sa nanay. Im actually a pediatrician that's why kids ang patients ko.

"Doc masakit daw po yung lalamunan nya" sagot ng nanay.

"Halika dito check natin" tas ngumiti ako sa bata. Nilabas ko yung toungue depressor at flashlight para icheck yung throat nya.

"Ahh doc, sabi po sa internet wag daw po ganyanin" sabi nung nanay. Tinignan ko sya. Grabe lahat nalang sa internet pinaniniwalaan talaga no.

"Hmm mommy eh bakit nyo pa po sya dinala dito?" Tanong ko sakanya.
"Hindi po lahat ng nasa internet ay totoo, wag po kayo masyado naniniwala doon" sabi ko.

"Ay sorry po doc, sige po tuloy nyo na po hehe" sabi nya. Natawa naman sa gilid si Nurse Sela.

Jaydee's POV

Alas tres na at nag-out na ako. Uuwi muna ako sa bahay, matutulog nalang muna ako. Pagkadating ko ng bahay deretso kwarto at higa na ako dahil nakakapagod maging doctor. Minsan lang kami makaranas ng mahaba at maayos na tulog.

"Excited na akoooo" sabi ko sa sarili ko

Inopen ko ang speaker at nagplay ng mush songs, eto kasi ang pampatulog ko. Habang nakikinig diko na namalayan nakatulog na ako.

--🌻

(A/N: Have a great day!)

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now