CHAPTER 198

2.7M 52.8K 117K
                                    

NAIH'S POV

NAKAKUNOT ANG noo ko, nakangiwi, habang pinapanood si Maxpein na nakapamulsang palakad-lakad sa sala. Noong una ay natitiis ko pa siyang panoorin hanggang sa magsawa na rin ako.

"Pwede bang pumirmi ka?" singhal ko. Natigilan siya. "Ikasi-sexy ba ng lahat ang paglalakad mo diyan? Ikayayaman ba ng mahihirap ang pagsimangot mo diyan? Ikatatalino ba ng lahat 'yang matinding pag-iisip mo?"

"Tss."

"Anong trip ba 'yan, Maxpein?"

"Alin?"

"Iyan!" Itinuro ko siya. "Kanina ka pa palakad-lakad na para bang problema mo ang problema ng Pangulo. Kung makasimangot ka ay parang ikaw na ang pinakanagdurusang tao sa mundo."

"Tss. OA ka kahit kailan."

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" nakapamaywang kong tanong.

Hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga siya at lumapit sa 'kin. "Ano kasi..." Wala siyang nasabi.

"Ano?" pasinghal kong tanong, napabuntong-hininga uli siya. Sandali ko siyang tinitigan. "Umamin ka nga sa 'kin? Pumasok ka na naman ba sa gulo, Maxpein?"

"Hindi. Tss."

"Eh, bakit nagkakaganyan ka? Kung makapag-isip ka ay parang pinagpaplanuhan mo na ang paghihiganti? "

"Tss. OA ka kasi. Sa mga OA na katulad mo ay natural 'yan."

"Oo, OA na kung OA! Pero 'wag mong iniiba ang usapan! Ano ang nangyari?"

Tumitig siya sa 'kin. "May ano kasi..." Binitin niya na naman ang gustong sabihin.

Naglapat ang labi ko. "King ina, ano? Maghuhulihan pa ba tayo ng dila dito para malaman ko 'yang takbo ng utak mo? Ano ba 'yon? Sabihin mo na sa 'kin!"

Bumagsak ang mga balikat niya kasabay ng pagbuntong-hininga. Luminga siya sa paligid saka isinunggab ang mukha sa 'kin. "Si Sensui kasi..."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nambababae?"

"Hindi! Tss! Hindi 'yon."

"Sabi mo, may ano, eh! Ano ba kasi? 'Lakas mong maka-suspense, ah!"

"May nangyari sa 'min," pahina nang pahina niyang pag-amin.

Napanganga ako at literal na malaki ang pagkakabuka ng bibig ko. Halos tumulo ang laway ko sa tagal no'n at napigilan lang 'yon nang huminga ako nang sunod-sunod. "Pakiulit mo nga ang sinabi mo?"

"May nangyari sa 'min ni Sensui."

"Ano?" pabulong kong bulalas.

"May nangyari sa 'min ni—"

"Ano ka ba? Bakit ka pumayag?"

"Pumunta ka ro'n sa 'taas at doon mo isigaw, king ina ka. Sige, ilakas mo pa," palag niya.

Lumapit ako. "Bakit ka pumayag?" Hindi siya nakasagot. "Bakit ka pumayag, Max?" Naihilamos ko ang parehong kamay mukha saka hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. "My God, Max, alam niyo pa ba ang ginagawa niyo? Tsk! Malamang—hindi! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh! Nasasanay kasi kayong natutulog nang magkasama! Kung bakit naman kasi...pwede naman kayong mag-date nang hindi natutulog sa iisang kama. Pwede kayong magsama nang umuuwi rin agad kapag gabi na."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon