C1

3.2K 120 6
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.












_____________________________________________________

Jaydee's Pov

Tok! tok! tok! Isang malakas na katok ang naririnig ko ngayon na siyang dahilan upang magising ako sa pagkakatulog ko.

"Jaydee! Gumising kana dyan! Di ba malinaw ang pagkakasabi ko sayo na maaga ka gumising dahil nga pupunta tayo ng hospital!" Sigaw ni dad sa labas naiirita man ay bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto para naman manahimik na siya ng unti.

"Gising na ako dad , don't worry mag aayos na ako so if you mind? Para makagayak na ako" walang gana kong sabi sa kanya , hindi naman na siya umimik ng ilang segundo at nakatingin lang sa akin ng diretso.

"Bilisan mo ang pagkilos mo at siguraduhin mong makakababa kana at exactly 8am dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari" pagbabanta niya pa sa akin at tsaka naglakad na pababa ng hagdan nasa second floor kasi yung kwarto ko.

Napakagat nalang ako sa aking labi at pinipigilang wag mainis bakit ba lagi nalang siya nagmamadali?

Tapos itong si frances naman lagi nalang sinusugod sa hospital at kailangan lagi akong nandun , fuck! Naiinis na akong pumunta ng hospital every weekend at minsan nga kahit may klase pa ako need ko pang samahan siya doon.

Kinuha ko nalang yung tuwalya ko at pumunta na ng bathroom dahil nakita ko sa may orasan na 7:30 na pala at baka mag apot na naman sa galit si dad if hindi pa ako nakababa ng 8am.

Mabilis lang akong naligo at agad na nagbihis naka polo shirt lang ako ngayon at naka short tapos naka skechers.

Pagtapos nun ay tinignan ko na yung sarili ko sa may salamin , argh kaya pala madaming nababaliw sa akin tsk di na pala ako dapat magtaka sa gandang gwapo ko ba naman.

Tinigil ko na ang pagpapantasya sa sarili ko at bumaba na ako , nakita ko naman si dad na may kausap sa kanyang phone sa may sala.

Nagtungo na ako sa may lamesa upang mag breakfast , hinainan naman ako ni manang at pinagtimplahan ng gatas.

Mabilis lang akong natapos kumain dahil sumisenyas na si dad sa kanyang relo na its time to go na kaya dali dali na akong umakyat sa kwarto ko at nag toothbrush pagkatapos nun ay kinuha ko na yung bag ko at yung wallet ko.

Kasalukuyang nasa loob na ako ng sasakyan at nakaupo lang ako dito sa back seat katabi si daddy , yung personal driver kasi ni dad yung nagdada drive sa ngayon.

Napairap nalang ako ng huminto ang sasakyan sa isang flower shop , eto na naman tayo sa kaplastikan niya eh.

"Jaydee come with me inside the flower shop , bibili tayo ng flowers for your fiance!" Walang emosyon niyang sabi kaya ito ako bumaba na rin sa sasakyan at sumama sa kanya sa loob upang mamili ng bulaklak.

Ito yung napili niyang bulaklak para ibigay ko kay frances , ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng bulaklak na magaganda eh eto yung pinili niya.

Sabagay lahat naman pala ng ibibigay ko kay frances at masaya siyang tinatanggap ito , nakabalik na kami sa sasakyan at kasalukuyang nag aantay lang ako na makadating na kami sa hospital dahil nababagot na talaga ako dito sa loob ng sasakyan.

30 DAYS WITH YOU (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now