V

2K 135 12
                                    


MARSELA MARI GUIA

Nahilot ko ang leeg ko pakalabas na pakalabas ko sa room. Medyo nangalay lang ako. Grabe kasi kung mangbigla si Prof. Akalain mong surprise quiz agad. Buti na lang nakapag-aral ako kagabi.

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan palabas dito sa University. May mga nakakasalubong pa kong kaklase ko sa ibang subject na ningingitian ako. I just smiled them back. Hindi naman ako ganun kasuplada para hindi sila pansinin.

Ilang minuto lang din ang nilaaan ko sa paglalakad ng tuluyan na kong makalabas dito sa school. At ngayon na nga, dating gawi. Pupunta ko sa shed at doon hihintayin ang grab ko.

Pero hindi pa ko tuluyang nakakalapit doon ng may matanaw akong isang pamilyar na tao. Napailing ako. Akala ko ba uuwi na siya?

"Hey." bungad ko

She smiled at me. "Labas kana?"

Umupo naman ako, ganon parin naman pwesto namin. Nasa magkabilaang dulo kami nitong upuan. "Oo, kaya nga nandito na 'ko sa harap mo."

At katulad ng dati, tinawanan lang niya ko. "Kamusta klase natin?"

I just shrugged. "Nothing new, madugo parin." napasulyap naman ako sa kanya. Mataman lang siyang nakatingin sa mga estudyanteng dumadaan sa harap namin. "Akala ko ba uuwi kana?"

She looked at me. "Nagbago na isip ko ee." nakangiting tugon niya. "Hihintayin kong makasakay ka bago ako umuwi."

Sa sinabi niyang 'yun, napakunot ano. Bakit naman niya gagawin yun? "Why?"

She just shrugged and smiled at me. "Don't ask me why Sela. I just want to do this." she looked away. "Just let me."

Hindi ko nadin naman siya tinanong pa at mas pinili na lang ituon ang pansin sa paghihintay. Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Tanging ingay ng mga sasakyan at boses ng mga estudyanteng nadaan sa harap namin lang ang maririnig. Napahinga ako ng malalim.

Ngayon ko lang naramdaman ang makampante sa isang taong hindi ko naman lubos na kilala. Ilang araw ko palang siya nakakausap, pero pakiramdam ko ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.

Ganito talaga siguro kapag pareho kayong niloko. Tss.

"Sino bang hinihintay mo? Kuya mo o yung grab mo?" she broke the silence.

Napahinga ako ng malalim. "Grab na. Hindi kasi ako masusundo ni kuya."

I saw in my peripheral vision that she nodded slowly. "Hindi ka marunong mag drive?"

I immediately shooked my head. "Hindi. At ayaw ko matuto."

Naiimagine ko palang na ako na ang nagmamaneho, parang aatakihin na ko sa puso. Jusko. Ayaw ko.

"Dapat marunong kana. Para ikaw na maghahatid sundo sa sarili mo."

Mabilis ko naman siyang tiningnan para taasan ng kilay. "Wag mo 'kong utusan Abelaine."

Hindi na ata talaga mawawala ang pagtawa niya sa tuwing mag-uusap kami. "No, I'm not. I'm suggesting."

I rolled my eyes at her. "I don't need your suggestions."

Itong babaeng ito, hindi ata marunong mainis. "Chill Marsela. Masyado kang hot." she chuckled. "And I know, you're hot as a fuck." at talagang ginaya niya pa yung way ng pagkakasabi ko noon.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon