c h a p t e r f i v e

10K 325 131
                                    


        "I WANT A WEDDING THAT'LL MAKE HEADLINES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "I WANT A WEDDING THAT'LL MAKE HEADLINES." Tila kumikislap ang mga mata ni Kiana habang ikini-kwento ang gusto niyang mangyari para sa kasal niya. Her eyes that were emphasized with clean and precise wing-liners were squinted habang nakatitig siya sa kawalan. Nakataas ang makinis niyang kamay na para bang hinahawi ang imaginary na mga pahina ng mga mangyayari sa mismong araw ng kasal nila ni Derek.

She was really a beauty. Habang tahimik siyang pinagmamasdan, lalo kong naintindihan kung bakit na-in love sa kanya si Derek. Kahit sino naman siguro, kung mabibigyan ng pagkakataon na mahalin ng isang Kiana June ay papayag.

Muntik na akong mahulog sa upuan nang bigla siyang lumingon sa 'kin. "Am I making sense?"

"Um," I started to say at mabilis na pinadaanan ng tingin ang magulo kong sulat sa notebook. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa halos dalawang oras niyang monologue, gusto niya ng kakaiba pero sosyal na kasal. "Gatsby meets Hunger Games' Victors, tama po ba?"

"Yes!" Mabilis at puno ng energy ang kanyang naging pag tango. "Gusto ko sana na kami lang ni Derek ang may muted outfits. I want everyone to wear something bright and extravagant. Pati flowers, centerpieces... everything! I want it to be loud yet classy. Ako lang dapat ang naka-white at si Derek lang ang pwedeng mag-black tuxedo para talagang mag-pop sa vlog ko."

Goodness. Sinong mag-aakala na ganito ang kasal na gusto ng isang napaka elegante at sophisticated na Kiana June? All this time, akala ko tulad siya ng ibang brides mula sa parehong background: Everything white, everything plain, everything classic. Pero ang gusto yata na kasal ni Kiana ay galing sa isang Hollywood film.

"I want the both of us to stand-out in a different way. 'Yong kami lang ang plain sa ganoong klaseng set-up," patuloy niya sa magaan at tila nangangarap na boses. Nagpalitan kami ng alanganin na tingin ni Tito Erning na sumimsim ng kanyang kape.

Tumango si Tito Erning. "We can definitely work on that, Kiana. Do you have a set date para ma-confirm natin sa simbahan sa Bicol?"

Isinulat ko ulit ang lugar na Bicol sa notebook at binulugan. Katabi nito ay nag-drawing ako ng maliit na sad face. Isa pang dahilan kung bakit mas lalong nagiging mapakla ang kasal ni Kiana sa panlasa ko ay ang lugar na napili nila para idaos ito. Bicol of all places; sa ilang ektarya ng lupa ng pamilya nila Derek—the very same place we had our first kiss.

Napaka walang hiya talaga ng lalaking 'yon. Ni wala man lang respeto sa pinagsamahan namin. Sa dinami-rami ng lugar sa mundo, roon pa talaga?

"In December sana, Tito. It's our anniversary kaya sana gusto ko same month din." Then, she let out a surprising giggle. "It's also the same month of my vlogging anniversary. Preferably weekend sana ang date para makahabol ang mga galing ng Manila."

Just like magnets, nagkasalubong ang mga mata namin ni Kiana. She gave me a bright grin na para bang pakiramdam niya ay masaya ako para sa kanila ng aking high school "classmate". Little did she know, sinakal ko na si Derek sa aking isipan. Nginitian ko siya nang maliit pabalik.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon