Chapter 17

17.6K 345 94
                                    

NANDITO kami sa restaurant ng hotel at naghahapunan.Pero hindi ko alam kay sir Zyair kung bakit parang balisa siya.

Hindi siya mapakali sa inuupuan at tingin ng tingin sa pintuan ng restaurant kapag may pumapasok.

"A-ah Sir Zyair,may hinihintay po ba kayo?"lakas loob na tanong ko.

Napatingin ito sa akin at mukang nagulat pa nang mapansin ko siya.

"I'm fine."sabi niya lang at bumalik na sa pagmamasid sa paligid,ipinagkibit balikat ko nalang iyon at tinuon ang pansin kay Zane.

Nasa kandungan ko si Zaiel dahil muntik pang umiyak si Zane nang muntik na itong maiwan.

Ang aso ay tahimik lang naman at natutulog sa akin.

Maya maya ay nanlaki ang mata ni Zane habang nakatingin sa pintuan,
napatingin naman ako sa pintuan dahil dun at nakitang may pumasok na isang babae.

Malalaman mo agad na sopistikada ito ayon palang sa pananamit,maputi ito at nakasuot ng maikling dress na malapit na lumuwa ang kaluluwa.

Naka heels din ito at nakashade,
mahaba ang tuwid na tuwid na buhok.

Napagtanto ko nalang na nasa harapan na namin ito at nakatingin ng malagkit kay sir Zyair.

"Miss me Zyair?"maarteng sabi nito at tinaggal ang shade.

Nangunot ang noo ni sir Zyair sa sinabi ng babae at tumayo,hinila niya sa braso ang babae papunta sa cr.

Tumatawa ang babaeng sumunod nalang kay sir Zyair.

Napatingin muli ako kay Zane at itinuloy nalang nito ang pagkain at hindi na namin pinagusapan ang tungkol sa babae.

"Nicole is back"biglang sabi ni Zane makalipas ang ilang sandali.

Ako naman ay nanlaki ang mata at napatingin sa may cr na hanggang ngayon ay nandun pa din sila.

Iyon pala ang Nicole na siyang tunay na ina ni Zane at hula ko ay asawa din ni sir Zyair.

Makalipas ang isang oras mahigit ay lumabas na si sir Zyair at ang nagngangalang Nicole.

Gutay gutay na ang kaninang maayos na damit ni sir at may bahid pa ng lipstick ang labi nito.

Maging ang babae ay mukhang nasabunutan sa ayos ng buhok at ang lipstick na gulo gulo pa may nakita pa akong pulang marka sa leeg ni sir Zyair.

"Nicole, let's eat."sabi ni sir Zyair at inalalayang umupo sa tabi niya si Nicole.

Napangiti naman ang babae at umupo na din.

Nagtawag ng waiter si sir Zyair at sinabi ang gustong pagkain ng babae at inorder.

"So who's this girl beside you my son?"tanong nito kay Zane.

"She's my momma."sagot naman ng hindi tumitingin na Zane.

Napa O naman ang bibig ni Nicole sa sinagot ng bata.

"But as far as i know,I am your mother and NOT that girl."she said emphasizing the word not.

"Since you left us,I no longer considered you as my mom."sabi ni Zane na nakatingin sa mata ni Nicole.

"Zane!"malakas na saad naman ni sir Zyair.

"Hon it's okay,i know that Zane is hurt."sabi ni Nicole at hinawakan ang braso ni sir Zyair.

"No,Zane say sorry to your mother,hindi kita pinalaki para bastusin ang sarili mong ina!"galit na wika ni sir Zyair.

Naiiyak na tumingin sa akin si Zane at yumakap,itinago ang mukha sa pamamagitan ng paglagay nun sa aking leeg.

Narinig ko nalang na humihikbi ito kaya agad ko itong pinatahan at hinimas ang likod.

"Shh,baby tahan na."mahinang sabi ko dito.

Si sir Zyair ay napapailing nalang sa inasal ni Zane at nakita ko naman si Nicole na may maliit na ngiti sa labi na agad nawala nang mapatingin ako sa kaniya,tinaasan pa ako nito ng kilay.

Itutuloy.
❄️

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon