VI

2K 122 23
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Ayaw ko na. Parang mas gusto kong humilata na lang magdamag sa bahay." Sheki yelled. "Pagod na pagod na 'ko."

Napatawa naman ako. Parang basag ee. "Ngayon ka pa napagod kung kailan ilang kembot na lang makakaraos na tayo?" inakbayan ko naman siya.

"Oo nga Shekinah." katulad ko, inakbayan din ni Belle si Sheki, pero nasa kabilang side na siya. "At saka, apat na taon na tayong ganto. Kung tutuusin nga, araw-araw parang exam natin. Ano pabang bago diba?"

I nodded. "Belle is right."

Natawa na lang kaming dalawa ng mapanguso siya. Minsan na din akong napagod at nagbalak sumuko, ayaw kong maramdaman ng mga kaibigan ko yun 'no. Masasayang ang lahat ng pinaghirapan namin kung susuko na lang kami.

Sakto pagdating namin sa canteen, nandito na si Lara. Nakahanap na din siya ng pwesto. Kaso lang, ibang tao ang kasama niya at hindi si Ate Alice.

"Abby! Gia!" Belle greet them. "Nauna pa kayo sa'min ah."

"Tinawag ko silang dalawa." Lara said. "The more, the merrier ika nga."

"Umorder kana?" Sheki asked.

Napatingin ako sa table. May mga pagkain na nga. Tanging kami na lang ang kulang.

"Oo, ang tagal niyo kasi. Gutom na si Gia." Lara replied.

"Hoy anong ako? Ikaw kaya." agad na angal naman ng isa.

Napailing na lang ako bago umupo. Wala naman akong mapupwestuhan kundi sa tabi ni Abby. Mukhang nakahanap siya ng ka-vibes niya.

"Kamusta ka?" she asked, smiling at me.

Tanging pagngiti din ang tinugon ko sa kanya. "Okay lang naman. Ikaw? Ang exam kamusta?"

Natawa pa ko ng magkibit balikat siya. Para kasi ang yabang ee. "Sisiw. Napakadali manghula."

I chuckled and jokingly punched her arm. "Grabe. Nanghula naman pala."

Napatawa na lang kaming dalawa. Natigil lang naman kami sa pagtawa ng mapansin naman ang mga tingin nitong tatlo, maliban lang kay Gia na nagsisimula ng kumain pero nakangiti.

Napatikhim na lang ako saka sinimulan na din ang pagkain.

"Matanong ko lang, anong nangyari sa canteen ng Engineering Department at nadayo kayo dito?" Belle asked.

"Rinerenovate yung canteen namin, kaya nakikidayo kami dito." Gia answered.

Sa sagot niyang 'yun parang awtomatiko akong napalingon dito sa katabi ko. "Pinapalaki?" tanong ko sa kanya.

She nodded. "Oo."

Dahan-dahan na lang akong napatango. Kaya naman pala ilang araw na silang dito nakain. Napasulyap naman ako sa pagkain ng isang 'to, at hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon