CHAPTER 4: LIES

51.6K 1K 159
                                    

Napag desisyunan ko na gawing 15 chapters lang tong Season II. Kase, dun din naman yung kakahinatnan ng story'ng to. Pasensya din pala kung ngayon lang ako nakapag update.. ngayon lang kase kami nag ka internert ulit.


YUNG PROMOTIONAL VIDEO NETO, NASA SIDE. PANOORIN NIYO NALANG :)

VOTE. COMMENT. KAYO NG BAHALA :)) Enjoy Reading pala..

CHAPTER 4: LIES

TWAYLEM

Maaga akong pumunta sa tapat nung school para kausapin si Tao. Sabi niya kase hindi daw siya papasok ng L.A today.. Nag dududa na talaga ako sakanya.. Tsaka yung babae namang yun, urghhh! Nakakainit ng dugo. Bwisit!

1 message

Recieved

 

from:Tao Yoshida ü

Bat nandyan ka ng ganto kaaga?? Nandyan na ako..

After 5minutes nandun na nga siya sa harap ko. At unti-unti kong napapansin ang pagbabago ng istura ni Tao. Naging mas malinis na siyang tignan. Mas nag mukhang disente..

''Bakit hindi mo sinabing nandito ka??'' ngumiti ako, pero yung ngiting fake. ''Wala gusto lang kitang makita.''

Napangisi ito at bahagyang ngumiti.

''Teka nga, maiba tayo.. Nasaan ka kagabi?? Tinawagan kita pero bakit hindi ka sumasagot.''

''Ahh, naiwanan ko kase yung phone ko sa bahay kaya ayun..'' ngumiti ako.. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan yung gusto kong itanong.

''Ikaw nasaan ka kagabi?? Akala ko ba pupuntahan mo ako sa bahay??'' hindi ko pinahalata sakanya yung kaba na nararamdaman ko.. Pakiramdam ko kase pag nalaman kong nag sisinungaling siya, sasabog ako.

''Ahh, maaga akong umuwi kagabi.'' nung sabihin niya yun, pinilit kong huwag magalit. Ngumiti lang ako, kahit deep inside siyempre nasasaktan ako..

Mahal ko kase to.

 ''Hindi ka nag lakwatsa?? Anong oras ka naka uwi??''

''6 nasa bahay na ako.'' sinungaling. T_T

''Ahhh, ganun ba? Nagiging goodboy kana ata no??''

''siyempre! Para sayo.''  Para sa akin?? O para sakanya?? T_T

“Tao Gonzales!!”

Ang sakit pala sa pakiramdam na alam mo yung totoo pero nag sisinungaling pa rin siya sa harapan mo.

Sabay kaming napalingon dun sa babaeng buhat-buhat niya kahapon.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon