Chapter 18

17.2K 335 33
                                    

NANDITO kami ngayon ni Zane sa kwarto at yakap yakap ko siya dahil ayaw niyang bumitaw sa akin magmula pa kanina.

Sila sir Zyar at Nicole naman ay lumabas muna ng hotel at hindi ko na alam kung saan pumunta.

Pinapatulog ko nalang ngayon si Zane para makaligo na din ako at maayos ang mga gamit namin.

Maya maya ay nakatulog na si Zane kaya dahan dahan ko siyang ibinaba at hinalikan muna ang noo nito bago pumuntang banyo.

Matapos kong maligo ay inayos ko na ang mga damit namin pati ni sir Zyair dahil sinabi niya sa aking mag tatagal kami dito,dinala lang ng tauhan ni sir Zyair ang iba pa naming gamit dito kanina.

Nang gumabi ay dumating na ang pagkain na inorder kaya tinawag ko na si Zane na nanonood ng paborito niyang palabas sa ipad.

Wala pa din sila sir Zyair hanggang ngayon kaya kami munang dalawa ni Zane ang kumain.

Matapos naming kumain ni Zane ay pinatulog ko na ito nang lumalim na ang gabi.

Ako naman ay hinugasan na ang mga pinagkainan namin at nakarinig ako ng sunod sunod na doorbell.

Kaya dali dali ko itong binuksan dahil baka magising pa si Zane sa ingay nito.

Pagkabukas ko ay nagulat pa ako ng mabungaran ko si sila sir Zyair at Nicole na mukang parehas na nakainom based sa mga itsura nila.

Nakaakbay si sir Zyair kay Nicole at si Nicole naman ay nakahawak sa bewang nito at tumatawang parang nasisiraan ng bait.

Pasuray suray silang pumasok sa loob at tinungo ang isang silid katabi ng silid ni Zane.

Susundan ko pa sana sila pero nang makalapit na ako ay hindi ko na mabuksan ang pinto dahil ito ay nakalocked.

Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at tinapos ang paghuhugas ng pinggan.

Nang matapos ay tumungo na ako sa silid ni Zane upang matulog na din pero nagtingin muna ako sa aking cellphone at nakita ko si Inay na tumatawag na ng ilang beses.

May isang mensahe din siyang agad kong binasa.

"Ank bkt hndi ka sumsagot sa twag nmin?"ang nakalagay sa text niya sa akin.

Nireplayan ko naman ito at sinabing may ginawa lang pero hindi na ako nakakuha ng sagot mula dito.

Naglalaro pa ako sa cellphone ko ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa kabilang kwarto.

Napatayo pa ako at lalabas na sana nang makita ko si Zane na mukang nagising sa ingay at nakita kong paiyak na ito.

Agad agad akong napabalik sa kama at tinapik tapik ito,yumakap naman siya agad sa akin nang maramdamam niya ang presensya ko.

Tuloy pa din ang kalabog sa kabilang kwarto at nakakarinig na din ako ng malalakas na sigawan sa loob.

"You bitch! I don't fucking know why you here in my fucking room!Get out before i throw your ass off!"galit na sigaw ni sir Zyair ang narinig ko.

"Zyair!calm down ako to si Nicole your wife."medyo may kalakasang sabi naman ni Nicole.

"I don't give a fuck! So leave,leave,leave!"patuloy na sigaw ni sir Zyair.

Narinig ko nalang ang umiiyak na tinig ni Nicole bago pabalibag na bumukas ang pinto nun based sa aking nadinig.

Narinig ko pang bumukas ang isa pang pinto at pabalibag din itong sinara.

Tinignan ko muna kung tulog na tulog na si Zane bago siya iniwan sa kwarto at puntahan ang ama niya.

Paglabas ko ay nakita ko si Zaiel na nasa gilid at parang umiiyak,kinuha ko muna ang kawawang aso at ipinasok sa kwarto ni Zane at pinuntahan na si sir Zyair.

Itutuloy.
❄️
Hello!hindi ko po alam kung pwedeng may 2 room sa isang hotel room not sure po ako kasi hindi pa naman ako nakakapunta doon. Correct me nalang po thank you!

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon