Special Chapter #2: Heart

20.4K 653 187
                                    

Special Chapter #2: Heart & Josh

Fairytale sucks.

"Kaysa busangot ka riyan, ba't 'di ka na lang mamili ng bagong boyfriend? Dami namang nanliligaw sa 'yo, ah?" I heaved a deep breath before glancing annoyingly at my cousin.

"Manahimik ka nga, boplaks." I hissed.

Tumawa siya, "oo nga, arte. Cheater 'yong ugok mong ex, h'wag ka na ro'n. Mamili ka sa listahan ng mga manliligaw mo, oh. Hindi nga rin alam bakit medyo madami, eh, 'di ka naman kagandahan-"

"Ang kapal talaga ng mukha ng bobong 'to." Sa inis ay sinipa ko na si Atlas na humahagalpak pang lumayo sa akin. "H'wag mo igaya sa 'yo, huh?"

"Bakit mo pa kasi iniisip 'yon-"

"I wasn't thinking of him, okay?" I explained and stopped when I saw someone familiar approaching. "I'm thinking of someone else."

"Oh? Sino?" he asked, sinusundan ang tingin ko. "Sino? Si Josh?"

"Tanga, hindi!" I quickly hissed, "ayaw ko sa mga katropa mo, puro bangag kagaya mo."

"Excuse me?!" he exclaimed and even touched his chest, trying to look so dramatic kaya nginiwian ko na.

"Oh? Dadaan ka?" I offered the way at nang samaan na ako ng tingin ay ngumisi lang ako.

"Nag-aaway na naman kayo, Puso? Cap?" nawala ang tingin ko sa pinsan nang may umakbay sa akin.

I looked at Josh and saw him with his lazy smile, disheveled hair, shirt and jersey short. Mukhang kagagaling lang sa laro pero mabango pa rin.

"Ano ba 'yan, pawisan!" reklamo ko at tinapik ang kamay niya paalis, "baho mo, Josh!"

"Huh?" nagulat pa siya, nakita ko pag-amoy niya sa sarili. "Hindi kaya?"

"Oo nga!" sumimangot pa ako at inilingan niya, "enjoy na enjoy kakalaro?"

"Hindi nga mabaho, Heart." He said, his black eyes looked so soft as he stared at me. "Amuyin mo pa."

I screamed when he tried to make me smell his armpit. Hindi naman talaga siya mabaho at nang-aasar lang ako pero napatili ako habang tinutulak siya palayo.

"Joshua!" I hissed.

"Hindi nga kasi mabaho, Puso!" laban niya pa, "oh, amuyin mo rito. Dali!" he caught my hand so I could stop fighting with him, itinaas niya pa ang kamay kaya mas sumigaw ako.

"Josh! Ano ba! Isa-"

"Saan na ba si bibi ko? Umay na umay na ako rito?" naiwan sa ere ang boses ko, sabay pa kaming tumingin sa kanya ni Josh at nakitang nakanganga lang siya sa aming dalawa.

"Anong problema mo, bobo?" I asked him bluntly.

"Wala naman, bobo." Sagot niya sa akin bago ngumisi kaya nalaglag na ang panga ko.

"Ikaw..." nabitawan ko si Josh, tumayo ako para sugurin sana ang pinsan pero mabilis na may humawak sa baywang ko kaya hindi ko na natuloy.

"Isa, Josh!" reklamo ko, "bitawan mo 'ko-"

"Oh, bye! Nakikita ko na ang bibi ko. D'yan kayo maglampungan. Enjoy!" Ani Atlas na parang wala lang, tinapik pa si Josh sa likod ko bago sumipol-sipol paalis.

When he was gone, I froze. Bigla kong natanto na hawak-hawak ni Josh ang tiyan ko mula sa likod. Mukha tuloy naka-back hug kaya bigla akong sumigaw at hinampas ang kamay niya.

"Aww, Puso naman!" reklamo niya nang mapalo ko ang kamay.

"Bastos ka." Kumunot ang noo ko at bumusangot, "chansing ka, boy?"

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon