Chapter 42

364 9 0
                                    

Nandito ako sa kusina ngayon. Kumukuha ng ice cream. Nakakabagot mag antay nang 12 am eh. 8 pm pa naman pero inaantok na ako kaya kumuha nalang ako ng ice cream baka sakaling malabanan ko ang antok.

"Ma'am"

Inilapag ko ang bowl ng ice cream na dala ko saka sinagot ang maid.

"Yes?" Tanong ko.

"May bisita ka po" aniya.

Umupo lang ako saka hinintay kung sino man ang dumating.

"Hey beautiful"

Agad akong nag angat ng tingin nang marinig ko ang boses na yun.

"Sarchzani!!" Nakangiti ko siyamg sinalubong.

"I missed you" Sabi niya at niyakap ako.

"Namiss din kita" Sabi ko.

Ako ang unang kumalas sa yakapan namin at tinignan siya.

"Kumusta naman sa province?" I ask.

"Maayos naman doon, peaceful ang lugar, how about you? How are you?" Aniya

"Ayos lang ako. Medyo na bored na nang slight haha" sagot ko.

Ngumiti naman siya.

"Umupo ka, gusto mo nang ice cream?" Tanong ko.

"Yes please" aniya.

I kinuha ko siya nang ice cream and we talk about things. It's been weeks magmula nung huling kita namin. Nakaka miss rin ang bonding naming dalawa.

"Sila Zehann ba at Calihann di bumisita sa Lolo at Lola niyo?" Tanong ko.

"Hindi. Busy kasi ang mga yun sa pagpapatakbo nang mga products nila. At pagpapalago ng farm. But nag video call naman kami, so nakikita nila lol at Lolo silang dalawa" anito.

Tumango ako.

"Si kurly kumusta na?" Tanong nito.

"Maayos naman siya. Di naman nagkakasakit ang pusang yun at mabait. Wala naman akong naging problema sa kanya" Sabi ko.

"Mukhang napapamahal ka na sa pusang yun ah"

"Sino naman ang di mapapamahal doon eh ang cute!" Nanggigigil kong saad.

"Cute ba? Baka wild?" Anito na ikinatawa ko.

"Oo nga pala, mailap sa inyo yung pusang yun" natatawa kong sabi.

"Yeah, nagmana kasi sa amo. Masungit" nakangiwing sabi niya.

Natahimik ako nang malaman kung sino ang tinutukoy niyang amo. Kumusta na kaya siya?

"Uhm Sarchzani, si Calixian ba kumusta na?" Mahinang tanong ko.

"He's good. He graduated. And nagka license narin daw siya. He's looking forward to come back here in the Philippines"

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Hmm. Bakit na miss mo?"

"Huh? H..hindi ah. Nagtatanong lang" Sabi ko at nag iwas nang tingin.

He just chuckled.

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon